Kumalam agad ang sikmura ko, tipid na tango lang din ang sinasagot ko sa kaniya. Nang nasa hapag-kainan na kami ay aligaga lahat sila kung ano ang uunahing gawin, lahat sila ay nag-aasikaso sa akin. Kung ano-anong mga pagkain ang inilagay nila sa plato ko. Sinabi ko sa kanilang ako na lang ang kukuha kaya naman tumigil sila. Hindi ako nakaligtas sa masamang tingin ni Natalie at ni Alaric, narito pala sila? Hindi ko sila nakita kanina.
Kumpleto ang hapag-kainan, kahit na marami kami ay hindi ganoon kasaya. Puro tungkol sa negosyo ang usapan nina Daddy, Tito Jackson, Kio, Jaxon, at Alaric. Samantalang sina Mommy at Tita Hazel naman ay tanong nang tanong kung ayos lang ba ako, kung anong nangyari sa akin, kung saan ako galing at kung maayos lang ba ako. Nasanay ako sa mga pabalang kong sagot sa kanila pero ngayon ay matino na ang bawat litanyang binibitawan ko... maiksi nga lang.
"Sinong kasama mo sa hospital? Nag-iisa ka lang ba roon?" Malambing tanong sa akin ni Tita Hazel. Inilingan ko ang kaniyang tanong. Rinig ko ang panunuya ni Natalie dahil sa mga sagot ko. Ano ba ang silbi ng babaeng 'to rito? Kung ayaw niya naman pala akong makita, bakit hindi siya umuwi sa bahay nila? Kahit kapatid ko siya, kapag hindi ako nakapagtimpi ay baka masapak ko na lang siya, ang taray ng mga kilay niya.
"Kasama ko po 'yung kaibigan ko... na kaibigan din ni Jaxon." Sagot ko sabay subo sa kinakain ko, buti nga at mayroon akong gana ngayong kumain ng marami. Panay naman ang haplos ni Mommy sa kamay ko. "Si... Axl." Dagdag ko pa dahil mukhang nagtataka sila kung sino ba ang tinutukoy ko.
Matapos kaming kumain ay hinatid pa nila ako sa kwarto ko. Pinagod ko ang mga mata ko sa pagbabasa ng libro at hindi ko na binuksan pa ang cellphone ko dahil alam kong mga messages lang naman ng mga hudlong ang mga mababasa ko. Wala sa kanila ang sinasagot ko, maging ang mga messages ni Eiya ay hindi ko rin nirereplyan. Hindi naman sa mataas ang pride ko, inaalala ko lang ang mga pwedeng mangyari kapag sinagot ko sila.
Paano kapag pinatawad ko na sila? Ibig sabihin ba noon ay kakalimutan ko na ang ginawa nila? Kakalimutan ko na lang na ginamit lang nila ako sa mahabang panahon? Kung titignan ay ang babaw lang ng dahilan... pero para sa akin, masakit pa rin. Inamin nila sa akin na hindi ako parte ng grupo... na hindi naman talaga kaibigan ang turing nila sa akin, umasa ako na sana biro lang ang lahat ng iyon pero hindi. Totoo ang lahat... para akong gumising sa katotohanang mag-isa lang talaga ako.
"Yakie... tara ililibre kita." Pangungulit sa akin ni Kenji, lunch time na namin ngayon, buong oras ay nakatutok ang atensyon ko sa mga teacher na nagtuturo. Ni isa sa kanila ay hindi ko tinapunan ng tingin kahit na alam kong nakatitig lang sila sa akin. "Yakie, naman... pansinin mo na 'ko." Kumalawit ang kaniyang kamay sa isang braso ko.
Inis kong inalis ang headset sa aking tainga at pinanlisikan siya ng mga mata. Galit ako sa kanilang lahat at kahit na anong gawin nila, may lamat na ang magandang samahan namin. Agad siyang napabitiw at sumimangot. Namumula ang kaniyang mga mata at tainga dahil magmula noong pumasok ako rito ay hindi ko siya pinapansin, ganoon din si Eiya. Bago pa ako maawa sa kaniya ay lumabas na ako ng room at kumaing mag-isa sa damuha... malayo sa tambayan
Isang linggong ganito... dala ko sa pagpasok at paglabas ng university ang sama ng loob ko sa kanila. Mas gusto kong lumayo na lang sa kanila kaysa sa saktan ko pa ang sarili ko. Sa bahay ay tipid pa rin ang pakikitungo ko sa kanila. Nakakausap na nila ako pero hindi ganoon kadalas. I am in the process of moving on and healing... unti-unti ang mga hakbang ko hanggang sa marating ko ang dulo at matanggap ko ng buo ang lahat.
Akala ko ay maaayos na... akala ko ay ganoon na lang ngunit nang pagbalik ko ng bahay ay nakita ko ang sasakyan kung saan pinapasok ang iilang gamit namin sa bahay. Agad akong napatakbo sa loob. Tumabingi ang ulo ko at taka kong tinignan ang mga magulang ko.
"Heira..." Gulat na sabi ni Mommy.
"Ma, ano 'to?" Tanong ko habang nakaturo sa iilang maleta na nasa harapan ko. "Aalis kayo?"
"Tayo. Tayo, Anak." Sabi ni Daddy. "Lilipat na tayo sa puder ng Lolo mo, mahina na siya at gusto niya kayong makasama... gusto niyang mabuo ang kaniyang mga apo." Paliwanag niya. Marahas akong umiling.
"Hindi! Hindi ako aalis dito, Daddy." Pagmamatigas ko. If I let my family to move in my grandparents house, we'll have a new life... a new environment... a new adjustments. Masaya na ako sa buhay namin ngayon, bakit kailangan pa naming lumipat ng bahay?!
"Anak, pero nakapagdesisyon na kami ng Mommy mo. Lahat tayo ay lilipat na roon para mabuo ang malaking pamilya natin." He tried to tap my shoulder but I stepped backwards. "Heira... 'wag ng makulit. Your Lolo needs us... hindi ba gusto mo ring makita ang mga grandparents mo?"
"Dad, hindi ko kailanmang gugustuhing umalis sa bahay na 'to. Kung gusto niyo, kayo ang umalis at lumipat doon. Pero ako? Hindi niyo ako mapipilit na lumipat sa bahay na 'yon. Iwanan niyo na lang ako rito kung gusto niyo!" Sigaw ko sa kanila bago ako tumakbo papunta sa kwarto ko at nilock ang pinto. Umupo ako sa sahig at wala sa sariling naiyak na lang.
Ayaw ko roon... hindi ko kilala ang taong nandoon. Kung makakasama ko rin sa iisang bubong sina Tita Hazel ay baka hindi ko maiiwasang mailang na lang. Masaya naman kami rito, hindi namin kailangang lumipat ng ibang bahay, bakit hindi na lang kami bumalik sa dati? 'Yong kaming apat lang. Hindi namin kailangang pakisamahan ang mga taong matagal ng wala sa buhay namin... mga taong hindi ko naman kilala.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
Chapter 260
Start from the beginning
