Heira is missing
HEIRA'S POV
"Salamat po ate..."
Napaawang na lang ang mga labi ko dahil sa sinabi nung bata. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Napakainosente niya... gaya ni Maren na walang muwang. Walang alam sa nangyayari sa paligid.
Hindi ko nga alam kung bakit nandito ang batang 'to. Hindi ba siya alam ng mga magulang niya? Sa liit niyang 'to, hindi ko maiwasang maisip na baka mahagip siya ng mga kotse rito.
Malapit ang puso ko sa mga bata. Ang ganda ng mga mukha nila. Parang mga angel na pinadala sa lupa. Parang walang alam sa mga problema ng mundo dahil sa mga tawa nilang nakakahawa.
Siguro ganito ako dahil hindi ko kailanman naranasan na magkaro'n ng nababatang kapatid. Hindi ko man lang naranasan na tawagin ako na 'ate' ng isang batang kadugo.
Kahit pinsan man lang sana... nakababatang pinsan. Pero wala e. Wala akong alam sa pamilya ko. Hindi ko alam kung sino pa ba ang mga kamag-anak ko maliban kina mommy.
Hindi na rin naman ako nagtanong sa kaniya. Wala siyang ibinibigay na sagot nung una akong nagtanong. Para bang iwas na iwas siya sa mga tungkol do'n... sa pamilya ko.
Hindi ko rin naman natanong si daddy dahil sa hindi ko naman siya nakakakausap. Ang hirap niyang higalapin ngayong masyado siyang malayo. Kahit sa cellphone man lang ay hindi ko siya macontact. Kailangan pa ng appointment.
Anak ako tapos hihingi pa 'ko ng appointment. Ano ako? Business partner? Investor? I'm the CEO, joke.
Tumingin ako sa batang nasa harapan ko. Kinakain niya 'yung binigay ko sa kaniyang tinapay. Nakita ko namang tinabi niya yung iba sa supot na nasa tabi niya.
"Gutom ka ba?" Utal kong saad.
Naka-bend ang mga paa ko habang nakaupo kaya naman nangangawit na 'ko pero hindi ko na lang pinahalata sa kaniya. Nakakatuwa siyang panoorin ng kumain... ng mabilis.
"Opo e! Kaninang umaga pa po kasi ako hindi kumakain... mero'n pa po ba kayo r'yan? Baka naman..."
Ngumiti pa siya ng matamis sa 'kin. Ngumiwi naman ako sa kaniya. Binigyan na nga, hihirit pa talaga. May chocolate pa nga 'yung ngipin niya.
"Wala na e. Lahat na binigay ko sayo..."
"Hugot ba 'yan, ate?"
"Ha?" Umiling lang siya at tumawa bago magpatuloy sa pagkain. "Pwede ba 'kong makiupo sayo?"
"Oo naman po." Tumingin siya sa gilid niya, 'yun ang pwestong tinuuro ko.
Nangangawit na kasi ako. Parang wala na yatang pakiramdam ang mga paa at pwetan ko. Mamaya niyan ay parang tinutusok-tusok ang mga 'to. Ang sakit kaya no'n.
"...Ayos lang po ba sa inyo? Ang dumi e."
"Oo naman." Sa buhanginan nga umuupo ako.
Umupo ako sa tabi niya at wala sa sariling ginulo ang buhok niya gaya ng ginagawa ko kay Adriel sa tuwing magkikita kami sa parking lot.
"Nasa'n ba ang mga magulang mo? Alam ba nila na nandito ka?"
Umiling siya. "Wala naman po akong mga magulang, sina lolo at lola... hindi naman nila alam na umaalis ako dahil nasa junkshop sila."
"Junkshop?"
"Opo. Yung may mga bote, bakal, karton, yero—!"
"Oo alam ko 'yun, bata. May junkshop naman pala kayo, bakit ka pa... namalimos?"
VOUS LISEZ
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Roman pour AdolescentsPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
