Chapter 248

6 0 0
                                        

Gun

HEIRA'S POV

"Kumain na kayo! Ilalabas na naman namin kayong dalawa mamaya, dapat ay ihanda na ninyo ang mga katawan niyo sa mga sakit natatamuin ninyo."

Bago lumabas ang lalaki ay narinig ko ang mga halakhak niya. Ang kaya ko lang gawin ay ang samaan ko siya ng tingin dahil wala naman akong magagawa para labanan siya. He has a gun on his side tapos ay mayroon pa siyang kutsilyo sa kaniyang binti. Kung manlalaban ako ay siguradong dadanak ang dugo rito. Kenji was sitting beside me, natatakot siya sa tuwing mayroong papasok dito, lalo na kapag hindi si Kuya Charles.

Dalawang gabi na ang nakakalipas mula noong nakita ko si Adriel at hindi na nasundan pa iyon. Palagi akong nakatanaw sa bintana, nagbabakasaling babalik na siya... sila, para iligtas kaming dalawa ni Kenji. Ngunit para akong isang tangang naghihintay sa wala. Lumilipas ang mga oras na tanging ginagawa ko lang ay ang tumulala sa bintana habang tanaw ang lugar kung saan ko nakita si Adriel na nakatayo.

Alam kong malapit na sila rito. Malapit na nila kaming makita. Malapit na nila kaming iligtas. Ang pagkain namin ngayon ay sabaw at kanin lang, ni walang laman. Napailing na lang ako. Ginugutom talaga kami ng mga taong ito. Sumubi lang ako ng dalawang beses bago ko ibinigay lahat kay Kenji. Buti na lang at mayroong lasa ang sabaw. May awa pa rin naman pala sila, mga 1% lang tapos kademonyohan na 'yung 99%.

"Tapos ka na no'n? Dalawang subo lang 'yun ah. Nabusog ka na ba no'n?" Tanong sa akin ni Kenji. Hinalo niya ang sabaw sa kanin. Ang kanin ko ay binigay ko na lang sa kaniya. Wala naman din akong gana pa. Ayos na 'yong nakakain ako kaninang tanghalian.

Hindi na masyadong masakit ang katawan ko dahil hindi nalilimutan ni Kuya Charles na painumin ako ng mga pain relievers, ginagamot niya rin ang mga sugat kong hanggang ngayon ay hindi pa rin naghihilom. Mayroong bakas at nagmumukha pa ring sariwa, kaunting hawak lang o kaya naman ay daplis, dumudugo na ito agad. Huminga ako ng malalim. Sa tubig ko na lang idadaan ang aking gutom.

"Oo... busog pa ako." Pagsisinungaling ko. "Ikaw na lang ang kumain. Kailangan mo pa ng lakas para sa mga makikita mo mamaya." Ngumisi ako sa kaniya. Nakita ko naman ang paglunok niya ng mariin.

"Yakie... bubugbugin ka na naman nila?" Naiiyak na tanong niya. Sa postura niya ay parang nawalan na siya ng ganang kumain. Hindi ako sumagot dahil alam naman naming pareho na 'yon ang mangyayari. "Huwag kang papayag. Tumakas na lang tayo o kaya naman ay lumaban na lang tayo kaysa naman sa hinahayaan mo lang sila." Aniya pa.

Umiling ako at hinawakan ang kamay niya. Marahan kong pinisil iyon. "Hindi natin pwedeng gawin 'yon. Kahit na anong gawin nating pagtakbo ay hindi tayo makakaalis sa kanila. Kung makatakas man tayo ngayon, kapag nakalabas tayo ng bahay nila... sa tingin mo ba ay hindi nila tayo hahabulin sa labas? Ano ang mangyayari sa ating dalawa? Baka patayin na nila tayo kapag nahuli nila tayo. Ayaw ko noon." Sabi ko sa kaniya. Napalabi na lang siya at iniwas ang kamay niya sa akin.

"Hanggang kailan ba tayo rito? Hanggang kailan mo hahayaan ang sarili mong saktan ka na lang nila? Nasaan na 'yung Heira na kilala kong matapang pa sa lalaki, nasaan na 'yung Heira na kilala kong walang kinakatakutan at lahat nilalabanan?" Tanong niya sa akin. I looked away. Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Nahihirapan na rin siya sa kalagayan naming dalawa. Ngunit... paano at ano ang gagawin ko paratakasan ang lahat ng ito?

"Hindi naman sa lahat ng oras ay kaya kong lumaban, Ji." Sabi ko habang nakatingin sa bintana. Mayroong kaunting ilaw ang nakukuha namin mula sa sinag ng buwan. "Hindi naman palaging kailangan kong maging matapang at malakas. Oo kaya ko... kaya ko naman pero sa tingin mo ba ay kaya kong lumaban kung alam kong nasa tabi kita?! Pwede kang mapahamak kapag mayroon akong ginawang mali na ikagagalit nila." Sagot ko sa kaniya. Hindi ko siya sinusumbatan. Sinasabi ko lang sa kaniya ang nais kong ipunto ngayong kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon