Pogi
HEIRA'S POV
"Kung makaasta ka ay parang kung sino ka na ah? Hindi ba umutang ka sa 'min? Kami ang nasandalan mo nung may kailangan ka pero ano? Ano ang naging kapalit ng pagtulong namin sayo?"
"Pinabayaan mo kami! Iniwan mo kami sa ere! Hindi mo kami sinagip nung mga panahong kami naman ang nalulunod at natatambakan ng mga trabaho!"
"Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para sa inyo..?" Bulong ko dahil hindi ko na ata kaya pang magsalita ng maayos. "Hindi pa ba sapat na isang taon niyo akong pinapahirapan? Isang taon niyo akong inaalila... isang taon niyo na akong pinagkakaisahan?" Dagdag ko pa.
"Hindi! Kailan man ay hindi magiging sapat iyon! Napakalaking halaga ang inutang mo sa 'min, napakalaking halaga ng nawala sa amin tapos simpleng science project lang hindi mo magawa?!"
"Hindi lang basta simple iyon! Kayo! Kayo! Mga nag-aaral kayo hindi ba pero ako ang pinapahirapan niyo sa lahat ng pinapagawa sa inyo! Matanda kayo kaysa sa akin, mga advance ang mga pinag-aaralan niyo kumpara sa 'kin. Sa tingin niyo po ba gano'n kadaling gawin ang pinapagawa ninyo?"
"Oo! Dahil akala namin matalino ka! Lahat ng matalino kayang gumawa ng gano'n! Matalino ka kaya alam kong matutulungan mo kami!"
"Pero may kailangan din po akong gawin! May kailangan din akong tapusin. Nahihirapan din naman ako ah, kung hindi ko tinapos ang proyekto ko at inuna ko ang sa inyo, ako ang babagsak... hindi ko kayang makitang disappointed sa akin ang mommy ko!"
"Putanginang mga dahilan!" Sigaw nung isa tsaka niya ako sinabunutan ng mas mahigpit, napadaing ako dahil pakiramdam ko ay pati ang anit ko nahihila.
"Aray! Tama na po! Nasasaktan po ako! Aray! Masakit!" Daing ko.
"Wala akong pakialaman!" Sigaw niya ulit niya tsaka niya nilulublob ang ulo ko sa drum ng tubig na puno ng yelo. Malamig. Masakit sa mukha.
"Hindi ka nararapat na maging masaya habang ako miserable ang buhay ko!"
"Wala ka na ngang pera, wala ka pang pera!"
"Heira... Kindly fucking wake up!"
"...Oh, fuck! Wake up, please!"
Bakit... bakit may naririnig na 'ko? Bakit... may boses na umaalingaw-ngaw ngayon sa paligid ko. Nakakahinga na ako. Wala na ba talaga ang buhay ko? Nananaginip ba ako o kaluluwa na talaga ako? May hangin na. Pagkatapos kong marinig ang mga misteryosong mga boses na 'yon ay parang may humila at bumuhat sa 'kin.
Sinubukan kong huminga pa pero nahihirapan ako dahil pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko. May naaaaninag na rin ang mga mata ko kahit hindi pa ako nakamulat, basta alam ko, nasa maliwanag ako. Hindi naman siguro langit 'to 'diba?
"Wake up! Fucking wake up! Heira!" Ayan. Kaninong boses 'yun? Pamilyar sa 'kin... buhay ako? Oo, buhay ako!
Gising, Heira!
Kailanagan kong magmulat dahil baka bawiin pa ulit ang buhay ko ngayon. Ligtas ako. Iniligtas nila ako, tama nga ako... nandiyan ang mga hudlong para sagipin ako. Alam kong sila ang mga nagsasalita. Boses pa lang ay alam ko na.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
