Hip-hop
HEIRA'S POV
"Wala ka bang ganang kumain? Kasi kung wala, sa 'kin na lang 'yang pagkain mo."
Nandito kami ngayon sa tambayan namin, chicken pastel pa naman ang pagkain na binili ko pero wala akong ganang kumain ng marami ngayon pang nasa harapan ko ang mga hudlong... kasama ang leader nilang kulapo.
Akala ko pa naman hindi sila sasabay sa 'min, mero'n naman silang sariling tambayan, bakit hindi sila ro'n kumain? Nakisabay pa sila sa 'min kaya naman hindi ako mapakali. Lalo na ngayong hindi pa kami ayos lahat. Talagang tumabi pa sa 'kin ang gagong hudlong na kulapo ah.
Hindi ako makasali sa usapan nila, bulungan lang naman ang ginagawa nila dahil kanina pa ako nakayuko rito at nakatingin lang sa pagkain ko. Sumusubo naman ako pero hindi ko malunok dahil sa titig nitong katabi ko.
Bakit ba kasi siya nandito ngayon? Hindi na lang siya ro'n sa kuta niya tutal do'n naman talaga siya dati nung hindi pa namin natatagpuan ang lugat na 'to... itong tambayan namin ngayon.
Hindi ko alam kung saan sila kumakain dati pero alam kong mero'n silang sariling pwesto. Hindi ko alam kung bakit naisip pa nilang sumabay sa 'min ngayon pagkatapos ng nangyari.
Wala namang kaso sa 'kin 'yon, ayos lang naman sa 'kin na kasabay namin sila dahil gusto rin silang makasabay ng mga babaita. Alangang ipagtabuyan ko sila dahil naiinis lang ako, ayaw ko namang magpaimportante sa kanila.
Ang akin lang naman, kung kaya kong umiwas, iiwas ako dahil ayaw kong pag-isipan pa nila ako ng kung ano-ano habang nakasama namin sila sa iisang lugar. Tama na 'yung dismayado sila sa 'kin dahil sa inasta ko kahapon sa harapan nila.
Alam kong dismaying sila sa 'kin dahil do'n sa mga sinabi ni Zoe pati na rin ang mga alipores niyang clown isama mo pa 'yung mga batalyon niyang kakampi na mga estudyante.
Hindi naman nila ako sinisisi sa nangyari, hindi sila gaya nung dalawa. Mukhang naipaliwanag na ng mga babaita ang totoong nangyari, halatang guilty pa sila at kinakabahan ngayong kaharap ko sila. Hindi ko naman sila lalaklakin e.
Subo-inom-subo-inom ang ginawa ko para lang malunok ko ang kinakain ko. Gutom ako ngayon pero ayaw tanggapin ng tiyan ko ang mga kinakain ko, parang pinipilit lang tiyan ko ang kumain.
Umayos ako ng upo at kunwaring umubo para lang wala ang parang batong nakabara sa lalamunan ko. Kahit na mukhang wala akong pakialam sa mga katabi ko, 'yung totoo lang ay kinakabahan ako ng sobra.
Nakakaloka ang mga nangyayari. Kailangan ko na ata ng oxygen, 'yung full tank para masaya. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Ayaw ba nilang patahimikin gaya ng dati? Nakakabaliw na.
Napalunok ako ng ilang beses bago ako mag-angat ng tingin sa kanila. Lahat sila natatakot sa 'kin na para bang nakakita sila ng aswang at lalapain na sila. Gusto kong matawa pero syempre patagalin ko muna saglit, nag-eenjoy pa 'ko sa panonood sa mga mukha nila e.
"Kumakain pa 'ko, bakit ko naman ibibigay sa'yo 'to? Paboritong ulam ko kaya 'to!" Sagot ko kay Kenji.
Ngumuso naman siya. "E parang pinaglalaruan mo lang ang pagkain mo. 'Wag mo namang paglaruan, akin na lang."
"Kinakain ko kaya, hindi mo ba 'ko nakikita?" Natatawang tanong ko, alam kong gutom pa ang kumag na 'to, pasimple pa siya. "Tignan mo, kakain ako." Sabi ko sa kaniya tsaka sumubo sa pagkain ko.
Mas lalong humaba ang nguso niya, nakadalawang order na siya ng pagkain niyan pero hindi pa rin siya busog. Anong klase bang bituka ang mero'n 'tong hapon na 'to? Tsaka sa'n niya ba nilalagay ang pagkain na kinakain niya?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
