Chapter 201

4 2 0
                                        

Babawi

HEIRA'S POV

"Mali-mali naman kasi ang mga steps, Ji!"

Kanina pa 'ko naiinis dito sa kasama kong hapon na 'to. Kahit na anong turo ko sa kaniya hindi siya nakikinig sa 'kin. Kung hindi lang kami inaasahan ng advicer namin na gawin namin ng maayos 'to, hindi ko tuturuan ang ibon na 'to.

Tatlong araw na kaming nagpapractice. Walang tigil 'yon tapos walang sapat na pahinga. Wala na nga kami nagkaklase dahil naghahanda kami sa foundation day namin. May sari-sarili na rin kaming mga tugtog na dapat sayawin. Natatawa na lang ako sa steps namin, para kaming mga zombie.

Bakit ba kasi may gano'n pa? Nung nasa Sta. Luiciana kami wala namang ganito e. Gastos lang naman 'yon kapag ginawa pa namin ang gano'n. Wala kaming sponsor na pwedeng gumastos. Buti nga nilipat ako dito ni daddy e.

Nasa tambayan kami, dito na lang namin napagpasyahan na magpractice dahil wala ng pwesto sa ibang lugar. Nasa gymnasium na kasi 'yung ibang section, tapos nagkalat na rin 'yung iba dahil lahat kaming mga grade 11 ay may sasayawin at kakantahin.

Laban-laban daw kami kaya naman pinaghahandaan ng lahat 'to, may cash prize kasi 'yon. Ginagalingan namin dahil para 'yon sa kinabubuti ng lahat. Ipapagawa namin ang electric fan naming nahihingalo na tapos pati na rin 'yung aircon naming pwedeng pagtamnan ng mga halaman.

Hindi ko alam kung anong klase ng sayaw ang sinasayawa namin. May sumasayaw ng dayang-dayang tapos 'yung iba naman nakaupo lang. 'Yung ibang mga hudlong nakaupo lang tapos pinapanood kaming sumayaw. Parang mga gago lang.

Kami nga nagpapakahirap at nagpapakapagod para lang maayos namin ang sayaw na 'to tapos sila kinakain lang nila ang pagkain kong dala. Hindi na nahiya ang mga hayop na 'to. Ginawa akong taga-pagdala ng pagkain. Bwisit!

"Sino ba ang lalaban sa VOICES OF THE NIGHT?" Tanong ni Hanna sa 'min.

Nagpapahinga kasi kami saglit. May tatlong pitsel ng tubig tapos may isa pang galon. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang mga 'yon, imposible namang pahiramin sila ng canteen. Kulang na lang nga hindi na sila pagbentahan ng mga 'yon e.

"Trina for the girls." Sagot ni Kayden. "And... who's for the boys?" Tanong niya sa 'min.

Walang sumagot sa 'min, kaniya-kaniya kami ng iwas ng tingin wala naman kaming isasagot sa kaniya. Kumain na lang ako ng tira nilang chips, hindi naman ako lalaki para ako ang ituro nila pero nanibigurado lang ako.

"Ako! Ako ang lalaban para sa mga lalaki!" Nagtaas ng kamay si Kenji. Parang kumpyansado pa siya dahil taas-noo ang ginawa niya. Talaga lang ha.

"Sample muna, Kenji." Sabi ni Timber sa kaniya. "Kapag maayos ang boses mo, ikaw na lang ang sasali." Dagdag niya pa atsaka humagikgik.

"Teka lang ha. Baka mainlove kayo sa golden voice ko." Sabi naman ng batang hapon tsaka niya ako kinindatan.

"Aba! Ayos 'yan, Kenji. Iparinig mo na ang golden voice mo." Masayang sabi ni Alexis tsaka siya pumalakpak.

Tumayo si Kenji at pumunta sa harapan namin. Tumingin naman kami sa kaniya para panoorin ang gagawin niya. Akala ko puro lang pagsayaw ang alam niya, ngayon lang namin maririnig kung marunong nga siya. Kung hindi... edi hindi, golden voice nga raw e.

"Love me, Love me
Say that you love me
Fool me, fool me
Oh how you do me
Kiss me, kiss me
Say that you miss me
Tell me what I wanna hear
Tell me you... love me!"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now