Trial
HEIRA'S POV
"Ofcourse wala, wala akong hindi sinasabi sa'yo."
"Sinungaling."
Ilang araw na akong ganito. Mag-iisang linggo na rin matapos kong makita ang hindi dapat makita. Marinig ang hindi dapat marinig. Masaksihan ang hindi dapat masaksihan.
Hindi ko na naatim na pakinggan pa ang usapan nila dahil masyado ng okopado ang utak ko sa mga una kong nalaman. Tumakbo na lang ako hanggang sa makalayo ako sa pesteng lugar na 'yon.
Palagi lang akong nasa kwarto. Ayaw ko munang makita madalas si mommy dahil baka masabi ko lang sa kaniya ang tungkol sa nalaman ko. Parang hindi ko yata kaya na nasasaktan siya dahil lang sa may ibang pamilya ang 'kakambal' ko.
Hindi ko nga alam kung kakambal ko ba siya. Magkamukha kaming dalawa, parang pinagbiyak na bunga. Pero pa'no ko siya magiging kakambal kung iba ang mga magulang niya?
Hindi kaya...?
Hindi. Imposibleng magulang ko ang mga taong kinikita niya. Dalawa lang ang magulang ko at sina mommy't daddy lang 'yon. Wala ng iba, walang papalit sa kanila.
Kung nagkataon man na magulang ko ang 'mama' at 'papa' ni Kio, bakit hindi nila ako nilalapitan? Kinakausap? At sinasamahan gaya ng ginagawa nila kay Kio? Siya lang ba ang mahal nila, ha?!
Kaya napakaimposible talaga.
Napabuga na lang ako sa hangin. Masyado na 'kong nilalamon ng drama. Hindi ko bagay ang tumulala at mag-isip ng kung ano-ano man na magiging dahilan para pasamain ang loob ko.
Ano naman ngayon kung iba ang mga magulang ni Kio? Siya pa rin naman ang tinuturing kong kakambal este kapatid. Siya pa rin yung maalaga, payat, mabait, lampa at siraulo kong kapatid. Hindi na magbabago 'yon.
Pero kailangan ko muna ng konting panahon para makapag-isip. Konting oras para iabsorb yung mga narinig ko. Konting palugit para tanggapin lahat ng 'yon.
Hindi na yata kaya ng utak ko. Kakatapos lang naming mag-exams, tapos ganito pa yung masasaksihan ko. Ilang linggo pa lang ang nakakaraan, papabaliwin ata talaga ako ng utak ko.
Hinayupak.
Araw-araw na okopado ang pag-iisip ko, minsan nga ay wala talaga ako sa tamang pag-iisip, bigla-bigla ko na lang nahahampas ang katabi ko. Panay nga ang pagrereklamo ni Kenji.
Nakipagpalit nga ako ng pwesto sa kaniya. Siya ngayon ang nakagitna sa 'ming dalawa ni Kio, ako yung nasa tabing bintana. Nagtaka pa nga si Kio pero hindi ko siya pinansin. Baka makasapak ako ng wala sa oras.
Natigil lang ang pag-eemote ko nung may kumatok sa pinto. Hindi man lang ako hinayaang magdrama muna kahit saglit lang. Bibiglain pa talaga ako dahil sa katok.
Parang sinisira ang pinto.
"Kakain na, 'nak. Lumabas ka r'yan baka naman nilalangaw na r'yan!"
Ngumiwi naman ako dahil sa sinabing 'yon ni mommy. Grabe naman, nilalangaw ka agad? Naliligo naman ako araw-araw ah, nagsisipilyo pa nga ako palagi. Mahiya naman sa 'kin yung langaw.
Tumayo ako at nag-unat-unat. Ilang oras na ba 'kong nakaupo sa ibabang gilid ng kama ko? Walang sandalan tapos walang sapin. Basta na lang ako nakaupo. Sabi na e, hindi talaga maganda sa 'kin ang pagdadrama.
"Opo! Susunod na lang po ako!"
Pagkain. Pagkain. Pagkain. 'Yon na lang palagi ang laman ng utak ko. Sino namang hindi maaliw sa pagkain 'diba? Kung nasa harap mo na, bakit ka pa tatanggi sa grasya?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
