Chapter 170

10 2 0
                                        

Alu-hawa-alilaluha!

HEIRA'S POV

"Ang sakit ng ulo ko..."

Nagising ako na parang minamartilyo ang bungo ko at parang pumipintig ang utak ko dahil sa sakit ng ulo ko. Nakapikit pa rin ako pero alam kong umaga na dahil sa naririnig ko na ang mga kalderong nagsisikalampagan sa baba. Kinuha ko ang unan ko atsaka nilagay sa may bandang tenga ko.

Ano bang nangyari kagabi? Ang huli kong naaalala ay 'yung naglaro kami ng truth or dare tapos nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay na nangyayari sa mga buhay namin. Pati na rin 'yung mga kapalpakan na nagawa namin noong mga nakaraang linggo.

'Yon na lang ang naalala ko. Hindi ko na matandaan kung pa'no pa 'ko nakapunta rito sa kwarto at kung paano ako nakatulog ng maayos ang pwesto ko. Tapos ngayon ang sakit ng ulo ko, siguradong may hang-over ako dahil sa nakainom ako kagabi pero konti lang 'yun e tapos San Mig lang naman 'yon.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Tama nga ako, tirik na ang araw, buti na lang nasa dulo ako kaya hindi ako naabutan nung init no'n. Tumingin ako sa paligid, ako na lang ang nandito... at teka! Bakit parang may tao sa gilid ko? Nakayakap pa sa bewang ko.

Dahan-dahan at mabagal akong tumingin sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko kung sino 'yon. Wala sa sariling tinignan ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot. Buo pa naman ang mga suot ko, kung ano 'yong damit ko kagabi ganito pa rin naman 'yung ngayon.

"Aaaah!" Sigaw ko tsaka ko siya sinubukang itulak pero biglang humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Ngayon ko lang napansin na nasa pwesto pala ako ni Eiya tapos siya naman ay nasa pwesto ko.

"Shut up, let me sleep." Sabi niya habang nakapikit pa.

"Anong ginagawa mo rito?" Inis na tanong ko, tinutulak ko siya pero wala akong sapat na lakas para labanan ang pwersa niya.

Hindi siya sumagot. Wala sa sariling napatingin ako sa mukha niya. Mga isa't kalahating dangkal ang layo ng mga mukha namin. Buti pa siya ang kinis ng mukha niya. Nahiya 'yong mga wrinkles ng noo ko. Gago siya pero bakit ang gwapo niya? Bakit ganito siya nabibiyaan? Nabigay sa kaniya lahat tapos sa 'kin walang natira.

"What are you doing?" Nagulat ako ng magmulat siya kaagad ng mata. Nakita ko na lang ang hintuturo ko na may balak pindutin ang matangos niyang ilong.

Binaba ko naman kaagad 'yon tsaka nag-iwas ng tingin. Wow, ang ganda ng kisame. Sinubukan kong lumayo sa kaniya pero hindi ko rin nagawa dahil hinapit niya ulit ako pabalik sa kaniya. Patay malisya naman ang gago. Umayos siya ng higa habang nakayakap ang isang kamay niya sa bewang ko.

Ngayon ko lang nakita na nakahiga na pala ang ulo ko sa braso niya. 'Yong isa naman ay ginawa niyang unan niya. Nakasando lang siya at halatang bagong gising lang siya pero bakit wala siyang muta? Kapag ako mero'n, napaka-unfair ng mundo!

Pinanliitan ko siya bg mata. "Bakit ka nandito? Umalis ka rito sa kwarto namin, hoy!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Why? Don't you want me here?"

"Oo! Gago, kaya alis na!" Sabi ko sa kaniya, pinagtutulak ko siya, sinama ko na rin ang paa ko pero hindi ko siya sinisipa, inuusog ko lang siya dahil sa sobrang lapit namin, para akong nakukuryente sa balat niya.

"Fuck... stop it!" Inis na sabi niya sa 'kin habang iniiwisan ang mga paa ko.

"Titigil lang ako kapag umalis ka! Baba na! Kung gusto mong matulog, sa kwarto ninyo ka pumunta!"

"No, I'm staying here— ah! Damn it! Heira, stop!" Aniya at parang nasasaktan na, parang may natamaan kasi akong kakaiba sa may binti niya.
Napahawak siya ro'n pero hindi ko nakikita kung ano ang hinahawakan niya dahil sa may kumot nga na nakatakip.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now