"Sinong nagsabing kumuha ka niyan?"
Agad kong tinampal ang kamay ni Adriel na pasimpleng kumukuntkot sa garapon ng stick-o ko. Hindi kasi nakasara 'to, kumakain ako habang pinapanood si Asher na naglalaro sa cellphone niya. Nagpapaturo ako sa kaniya kung paano laruin ang mobile legends na 'yon. Napasimangot si Adriel nang samaan ko siya ng tingin. Kapag pagkain na ang usapan, walang kaibi-kaibigan d'yan.
Nasa tambayan kami, kakatapos lang naming maglunch, ang iba naman ay nasa damuhan at nakahiga, malamig ang simoy ng hangin at katamtaman lang ang sikat ng araw kaya hindi masakit sa balat. Si Kayden? Ewan ko sa lalaking 'yun, tinawag siya ni Zoe kanina, ano bang pag-uusapan nila? Bakit silang dalawa lang? Hindi ba pwedeng kasama kami? Nakakainis naman! Tinaas ko ang mga paa ko sa lamesang nasa harapan namin, malinis na rin naman ang lahat.
Kanina pa ako kinikilabutan dahil pakiramdam ko ay mayroong nagmamanman sa paligid. Pero sigurado naman akong ligtas kami rito, wala namang kakaiba pero nagsisitaasan ang mga balahibo ko. Baka natatae lang talaga ako. Buti na lang at binilhan ko rin si Kenji kanina ng stick-o kaya hindi na niya kailangan pang manghingi sa akin.
"Teka lang! Paano 'yung tira na 'yon? Bakit biglang nawala?!" Takang tanong ko kay Asher. Bakit hindi siya nalilito?! Samantalang ako ay halos mahilo na kakatingin kung saan nagpupunta ang hero'ng ginagamit niya. All I know is the name of the hero, It's Harley!
"Just watch and don't speak up." Asher instantly said. Ano bang nangyayari sa mga lalaking ito? Kapag naglalaro ng mobile legends ay biglang nagseseryoso. Tutok ba tutok talaga siya sa nilalaro niya.
"Adi, oh." Alok ko sa kaniya sa stick-o, baka kasi magtampo pa siya dahil lang hindi ko siya binigyan ng pagkain.
"You'll give me too, why are still be complaining, huh?" He smirked, kumuha na rin siya ng stick-o. Englishero ang kumag. I shooked my head. Pinirmi ko ang aking mga mata sa nilalaro ni Asher. Kulang na lang ay subuan ko pa siya ng pagkain para lang maayos niya ang nilalaro niya.
In the end, they got the victory. Nanalo sila pero ako, kahit isang pindot o kaya naman ay tira wala akong natutuhan. Maybe I am not fond to that game, hanggang flappy bird lang talaga ako. I made faces when he looked at me, smirking. Nagmamalaki pa dahil nanalo sila. Nagpatay-malisya ako, alam ko na ang tumatakbo sa isipan ng lalaking ito.
"E 'di, may libre ako sa 'yo niyan?" Asher asked. It'll be his prize. Sabi ko kasi sa kaniya, kapag nanalo siya ng limang beses na sunod-sunod ay ililibre ko siya. Mukhang pinagsisihan ko pa ang deal na iyon ah. Kinamot ko ang aking ulo at humarap kay Adriel.
"Anong favorite number mo sa electric fan?" Tanong ko sa kaniya, gusto ko lang mawala sa utak ni Asher ang pinag-usapan namin kanina. Kumunot ang noo ni Adriel. "O kaya naman... anong gusto mong lakas ng apoy sa kalan?"
Napaatras ako nang pitikin niya ang noo ko. "Lasing ka ba?" Natatawang tanong niya sa akin. "What are you talking about? Sinasapian ka na naman ba?" He added. Ang sama ng lalaking 'to, hindi na lang siya sumakay sa sinasabi ko.
"You can't escape your punishment, Heira. You promised me that you would give me food tomorrow so you have to keep it, I worked so hard for my victories." Ani Asher. Inunat niya sa harapan ang kaniyang mga kamay.
"Wala na akong magagawa, basta lunch lang ha!" Paalala ko sa kaniya. "Loko ka, wala na akong allowance, kailangan kong magtipid." Sabi ko pa sa kaniya bago kinain ang isang stick-o.
"It's okay, as long as..." Pabitin na sabi niya.
"Ano?" I asked him. Dahan-dahan siyang nagpakawala ng isang nakakalokong ngisi. He licked his lower lip and winked at me.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
