Coldness
HEIRA'S POV
"Ayos ka na ba na umuwi sa inyo? Pwede ka naman sa bahay namin, don't worry, nando'n ang pamilya ko, hindi ako nag-iisa kaya wala akong gagawing hindi maganda sayo."
Nandito kami sa harap ng bahay ng kapit bahay namin. Alas nuwebe na ng gabi kaya naman nagpa-uwi na 'ko, kahit ayaw ko munang umuwi, wala naman akong matutuluyan.
Umiling lang ako sa kaniya. Hindi naman magandang tignan kapag tumuloy ako sa bahay niya, baka kung ano pang isipin ng pamilya niya tsaka isa, bago-bago lang nung magkakilala kami, tapos aksidente lang kaming nagkasama ngayong araw.
Atleast, kahit papaano, nawala ang bigat ng loob ko dahil tawa ako ng tawa sa mga ikinukwento niya, hindi ko nga alam kung bakit niya ikinuwento ang buhay niya sa 'kin.
Ang daldal niya pala, taliwas sa unang ko siyang makita, akala ko kagaya siya ni Kulapo na kulang na lang matuyo ang laway niya sa bibig niya. Palatawa rin siya at napagkamalan ko pang bakla.
Ikinuwento niya sa 'kin na may mga kapatid siya, hindi siya ang panganay, pangalawa lang siya. May kapatid siyang babae pero hindi niya sinabi sa 'kin, mero'n din daw siyang mga kapatid na kambal pero hindi niya nakasama mula nung pagkabata siya.
Ang lungkot namam no'n. Sabi niya sa 'kin, nakita at alam niya na kung nasaan 'yung mga kapatid niyang kambal pero hindi pa rin nila nakakasama dahil hindi pa nasasabi nung umampon sa kanila 'yung totoo, baka raw kasi magalit 'yung isa sa mga kambal.
Kahit na naguguluhan ako, sinikap kong intindihin ang mga sinasabi niya, kapag pala tungkol sa pamilya niya na ang pinag-uusapan, bigla siyang nagseseryoso.
Binilhan niya pa 'ko ng ice cream, hinabol niya pa ang naglalako, snobbero raw 'yung nagtitinda, sigaw ng sigaw 'tong isa pero hindi siya pinapansin 'yon pala may suot siyang earphones.
Ngayon lang ako nakakita ng naglalako ng ice cream na tuloy-tuloy lang sa paglalakad at nakikinig pa ng music habang naglalakad, hindi pinakinggan ang mga bumibili.
Mas naging masaya pa 'ko dahil tatlong ice cream ang binili niya sa 'kin, para raw 'wag na raw akong umiyak, parang aso raw ako. Kung hindi niya lang ako binilhan ng pagkain, baka nakatikim na siya ng flying kick.
Inilibot niya pa ako sa buong park. Parehas kaming nag-slide, nagswing, sumakay sa mga monkey bars tapos nag-seesaw pa kaming dalawa. Nahulog pa nga siya sa mga monkey bars e.
Ang tanga kasi, pwede namang tumalon na lang, tapos siya nagmayabang pa, nagbaligtad tapos isinabit sa mga bars ang binti, kaso dumulas, ayon, kumalabog siya.
Tawa ako ng tawa sa kaniya. Nakalimutan ko na nga na may klase pa pala akong dapat pasukan. Hinayaan ko na lang 'yon, pwede naman sigurong mag-absent kahit paminsan-minsan lang naman.
Para kaming magkuya na naglalaro lang. Namiss ko tuloy ang pagkabata ko, ang daming nangyari noon na hindi na namin magawa ngayon, hindi ko naranasang magkakuya pero naranasan ko namang nagkaroon ng kapatid na hindi ko alam kung ano ang takbo ng utak.
Hindi ko na namalayan ang oras, buong araw lang kaming nasa park at nagchichismisan sa kung ano-anong bagay. Inaya niya akong umuwi na nung alas sais na pero hindi ako pumayag.
Kumain lang kami saglit ng sandamakdak na Jollibee hotdogs at fried chicken, baka raw gumaan ang loob ko kung mabusog ako. Gutom lang daw 'yon kaya umiyak ako.
Sinabi ko sa kaniya ang bahay namin pero pinahinto ko ang sasakyan niya sa harap ng kapit-bahay namin, baka kasi makita kami nina mommy at kung ano pa ang isipin no'n. Magkakilala naman sila pero baka magalit sila sa kaniya.
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Fiksi RemajaPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
