Chapter 162

8 2 0
                                        

Bra

HEIRA'S POV

"Next time... hindi na kita gugulatin. Ginawa mo naman akong sukahan."

Kinamot ko ang batok ko. "Hindi naman kita sinukahan e."

"Nabugahan lang?"

"Tama ka r'yan! Tumpak!"

Parehas kaming natawa dahil do'n. Tumakbo muna siya sa may dalampasigan para maghilamos ng mukha. Ako naman, pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko, malapit na rin naman 'tong maubos e. Mukhang ayaw niya na rin namang kumain kaya akin na lang.

Pakiramdam ko nakakatunog na 'yong iba sa pagkawala namin. Sus, konting kibot lang na mapansing hindi kami kumpleto ay nagtatawag na kaagad sila. Buti na lang pala naiwan ko kagabi ang cellphone ko kaya hindi nila ako makontak.

"Hey, Heira!" Napaangat ang ulo ko dahil sa nagsalita.

Kaagad akong kumuha ng inumin at nilagok 'yon. Baka kasi maibuga ko nananaman kung hindi ko muna lulunukin. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang manggas ng damit ko.

Ano nga ba ang pangalan nito?

"Okay, let me introduce myself to you. I am Brazen Cale Landon."

"Cale." Sagot ko.

Ito 'yung lalaking bigla na lang sumulpot sa gilid ko kahapon tapos ngayon sumulpot naman siya sa harapan ko. 'Yung totoo? Kabut ba ang lalaking 'to?

"Nandito ka pala? Dito ba 'yung tinutuluyan mo?" Tanong niya.

"Oo." Tumango ako. "Malamang nandito ako kasi wala ako ro'n." Sarcastic na dagdag ko.

"So, are you okay? Hindi ka na ba namumugto ang mata mo dahil sa kakaiyak?"

"Ano sa tingin mo? Tsaka 'wag kang maingay d'yan." Sumenyas ako na manahimik siya kaya naman sumunod siya.

Umupo siya sa pwesto ni Chadley kaya naman tumingin ako sa lalaking naroon sa dalampasigan, baka nalunod na siya, kanina pa siya ro'n. Naghihilamos pa rin naman siya.

"Nung papalayo ka, nakikita ko ang paggalaw ng balikat mo, alam kong umiiyak ka pa rin no'n."

"E ano ngayon? Tsaka hindi ako umiiyak no'n, humihinga lang ako ng malalim no'n."

Para kaming tangang nagbubulungang dalawa rito. Pinagtatawanan niya pa 'ko dahil ang sagwa ko raw kumain, hindi ko naman kasi mapunasan ang bibig ko ng maayos dahil nakagloves ako ngayon. Siya tuloy ang nagpunas no'n, talagang handa pa siya dahil may dala siyang tissue.

Sino namang baliko ang utak na magdadala ng tissue kahit malapit lang naman siya sa tubig? Nagdadala siya ng tissue e mukhang lulusong siya sa tubig e. Basa na nga ang ibabang bahagi ng katawan niya.

Ang aga pa lang naman, malamig pa sigurado ang tubig.

"Salamat." Sabi ko na lang at nagligpit na dahil tapos na 'kong kumain.

"Tulungan na nga kita, baka umiyak ka nananaman tapos magulat ka ulit."

"Ikaw kaya ang bigla na lang sumusulpot, sinong hindi mabibigla sayo? Kabute ka ba?"

Tumawa lang siya bago kuhanin ang supot at inilagay do'n ang mga plastics ng pagkain. Ako naman ang nagpunas no'n at tinapon sa may basurahan sa bandang likod namin.

Pagkabalik ko sa lamesa namin ay nagkakausap na silang dalawa. Si Chadley at Cale. Masama ang titig ni Chadley sa kaniya pero parang wala lang din sa kaniya 'yon dahil ang laki ng ngiti niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now