Chapter 179

10 2 0
                                        

Together

HEIRA'S POV

"Ayos ka lang? Dahan-dahan lang baka mabulunan ka."

Hindi ako sumagot. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Hindi naman sila mauubusan dahil parang nasa fiesta kami dahil sa dami ng mga nakahandang pagkain.

Kumuha pa ako ng kanin tsaka nung bulalo, sinong nagluto nito? Pwede na kitang isali sa mga cooking contest.

Nakayuko lang ako habang kumakain pero napapansin ko pa rin ang mga ginagawa nila. Kanina pa nila ako sinasaway dahil daw baka maimpatso ako sa dami ng kinain ko.

Muntik pa nga kong mabulunan buti na lang at nakainom ako kagaad. Mero'n pa silang ginawang lutuang kahoy sa isang tabi at sinalang ang sabaw, para raw hanggang mamaya mainit pa.

Hindi naman ako kumakain ng mabilis at marami dahil sa sandamakdak ang mga pagkain sa harapan ko ngayon. Wala silang alam sa tumatakbo ngayon sa isip ko at pagkain lang ang makakaibsan no'n.

Nasa harapan ko kasi si Kayden, nasa tabi ko si Kio at Kenji. Magkatapat ang mga upuan namin nitong Kulapo na 'to at parang sinadya niya pa 'to dahil nakangisi siya habang kumakain.

Akala niya hindi ko siya nakikita? Nakakadistract siya dahil sa ginagawa niya. Kaya nga sa pagkain ko lang tinutuon ang atensyon ko. Balak pa akong pigilan ni Kio pero tinampal ko lang ang kamay niyang pumipigil sa 'kin.

Ayaw ko na lang na makipagsalita sa iba, naaalala ko lang 'yung ginawa ni Kayden kanina sa kusina. King ina niya. Isa pa, king ina niya. Sino ba siya para gawin 'yon? Tapos sino ba 'ko para hindi ko siya itulak?

Ang tanga mo, Heira. Ilang beses niya ng ginawa 'yon pero hindi mo siya pinipigilan. Tapos ngayon namomroblema para lang iwasan ang mga tingin nung Kulapo?

"Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."

"Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."

"Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."

Napangiwi naman ako. Naririnig ko nananaman ang mahiwagang boses ni Kulapo. Aissssh! Nasabunutan ko na lang ang sarili ko. Bakit ba ang galing nitong tenga ko?

Parang may sariling kapangyarihan tapos naririnig ulit 'yung mga boses na nangyari sa nakaraan. Nakakadugo kaya ng tenga 'yon! Ang sakit mo sa panga, Kayden!

"Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."

Humigpit ang hawak ko sa mg kutsara ko at wala sa sariling inaangat ang tingin sa gagong hudlong na kulapo at pinanliliitan siya ng mata. Sige, ngumisi ka pa, proud ka pa ah!

"Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."

Tama na! Manahimik ka na! Punyeta, ang ganda ng buong araw ko tapos sisirain mo?! Sakalin mo na lang ako! Hindi ko naman kasalanan 'yon! Siya, siya ang may kasalanan kasi manyak siya.

Mamaaaaaa!! Tulong!

"Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."

Napapikit ako ng mariin. Talaga bang patuloy na papasok sa isip ko ang mga  salitang 'yon? Hindi ba pwedeng mabura na lang ang mga 'yon sa utak ko? Gusto kong kumain ng maayos dito!

"Next time don't put liptint, I'm more attracted to kiss you when your lips are red."

"Sabing manahimik ka na!" Sigaw ko, natahimik naman silang lahat at tinignan ako na para bang nagtataka.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now