Encounter
HEIRA'S POV
"Ji, paano mo masasabing gusto mo 'yung tao?"
Natakpan ko na lang ang bibig koo, mukhang mali ang taong natanungan ko ngayon. Bata pa siya, anong alam niya sa pagkakagusto sa isang tao? Wala naman kasi akong mapagtanungan, hindi ko rin alam kung bakit ko ba naitanong 'yon.
Nagkibit balikat siya at ngumisi na para bang may naisip na kalokohan. Hindi ata niya alam na gusto ko si Kulapo kaya alam kong magtataka siya kung bakit iyon ang nasabi ko sa kaniya. Nag-iwas ako ng tingin at bumuntong hininga, umiling-iling pa akong para sabayan ang kalokohan niya.
Kung alam niya naman na gusto ko 'yung gagong hudlong na kulapo na 'yon panigurado akong aasarin niya lang ako ng aasarin habang nasa palagid namin si Kulapo. Kilalang-kilala ko ang batang hapon na 'to, hindi mapipigilan ang bunganga niya sa pwede niyang sabihin, nagrarap pa siya.
Tumakas lang kami sa mga kaklase namin. Bumili kami ng pagkain sa canteen saka pumunta sa tambayan, hindi naman siguro nila kami mahahalata dahil busy sila sa kopyahan.
Buti na lang nakagawa ako ng assignment kagabi, iniwan ko na lang kay Mavi 'yon, hindi raw siya nakagawa e. Sabi ko ibahin niya na lang 'yung ibang sentences, mayayari kami nito sa mga explanation.
Nakahinga naman ako ng maluwang ng wala namang nangyaring masama kahapon, nabusog lang kami pero walang nangyaring kaguluhan.
Marami kasing tao kahapon sa karinderya, kahit na gano'n ay alam kong may nakabuntot pa rin sa 'min, huling-huli siya, hindi siya marunong magtago.
Hindi ata kakayanin ng konsensya ko kung may madadamay pa na iba dahil lang sa kabobohan ko. Mga inosente ang mga taong 'yon at walang kaalam-alam na may sumusunod na pala sa 'min.
Ako lang naman ang target nila kaya kung gusto nila akong patayin, mas gugustuhin ko na lang sa lugar na walang tao kung hindi ako, hayop kasi sila.
Mas nag-alala ako kay Maren. Ang gandang bata, mura pa ang isip at napaka-anghel niya para makakita ng mga bugbugan at sagupaan pati na rin ang engkwantro ng mga demonyo at... hudlong.
Bumili kami ng isang malaking baso ng fries na may juice, nilibre ko lang siya. Hindi ako kumain kaninang umaga dahil sa pagmamadali ko, nandoon nananaman kasi 'yung mga magulang ni Kio, sumakay lang ako ng tricycle kaya hindi kami sabay na pumunta rito sa university. Nauna ako.
Alam kong delikado, pero mas delikado ang kaba ko kapag nakisabay ako sa kanila. Kahit kay Jaxon todo iwas na ako dahil nalaman kong kapatid pala siya ni Kio, ibig sabihin ay kapatid niya rin si Zoe.
Ngayon lang pumasok sa utak ko na kaya pala pinagtanggol ni Kio si Zoe nung nasa canteen kami kahit na ako ang tama dahil sa... dahil sa kapatid niya talaga siya.
At ako? Ewan ko, basta ang alam ko, hindi ko siya kapag-anak o kadugo. Si mommy ang nanay ko at daddy ang tatay ko, sila ang nagluwal sa 'kin, ang nakakainis lang dahil hindi nila sinabi sa 'kin na hindi ko pala siya kakambal.
Mukha akong tanga na sinasabi sa lahat na 'ah, ito pala si Kio, kakambal ko siya, hindi lang halata.' Kaya pala hindi halata dahil hindi naman talaga kami magkapatid. Kung hindi ko pa narinig ang usapan nila hindi ko malalaman.
Hindi naman ako galit sa kanila pero nagtatampo pa rin ako dahil sinikreto nila 'yon sa 'kin, matatanggap ko naman 'yon e. Normal pa rin naman ang pakikitungo ko sa kanila, gaya pa rin naman ng dati, hindi nagbago, walang nagbago.
Kumain kami ng fries, paubos na 'yung kay Kenji kaya sa 'kin siya kumukuha, tinampal ko ang kamay niya kaya napasimangot na lang siya.
"Mero'n ka na, sa 'kin pa ang uubusin." Sita ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
