Chapter 214

7 0 0
                                        

Birthday celebration

HEIRA'S POV

"Happy birthday, Isha!"

Biglang may pumutok na mga confetti. Pinanood ko kung paano tumilapon sa ere ang mga papel na makukulay hanggang sa mahulog ang mga ito sa sahig. Ilang confetti pa ba dapat ang paputukin nila, nasira na ang tenga ko dahil sa iba't ibang tunog na ginawa nila.

Ngumiti ako sa kanila. Tumalikod ako at pinunasan ang luhang malapit ng bumagsak. Hindi nila ako pwedeng makitang umiiyak.

Hindi naman ako naiyak dahil sa ayaw ko sa ginawa nila, naiyak ako dahil lumulundag ngayon ang puso ko dahil sa kanila. Nagthumbs up ako saka ko inambahan ng batok ang mga hudlong.

Niyakap ako ni Eiya ng napakahigpit. Kanina pa siya umiiyak, daig niya pa ako. Masyado kasi siyang emosyonal sa mga ganitong oras at sitwasyon. Panay lang ang pagtawa ko sa kaniya dahil para siyang nawawalang bata sa gubat at hinanap ang mga magulang niya.

Tumango ako sa kanila, may tinatago pa sila sa likod ng mga hudlong na 'to. Ngumisi ako. Makikita ko rin mamaya ang mga 'yan, walang sikreto ang hindi nabubunyag mga 'te. Mga ngiting tagumpay pa sila, talaga naman.

Kumpleto kami, nandito na rin si Chadley, nahihiya pa siyang ngumiti sa 'kin kaya naman ngitian ko siya, ngiting nagsasabing 'ayos lang ang lahat, wala ka dapat ipag-alala.'

Masaya ako ngayon dahil kahit na umuulan, kahit na daig ng lakas ng ulan ang mga boses namin nagkakaintindihan pa rin kami kahit papaano. Maaga pa lang naman at mukhang titila na rin mamaya ang malakas na ulan, makakapunta pa rin kami sa gymnasium.

Napatingin ako kay Kio, hawak niya pa rin ang regalo pero ngayon nakaupo siya sa armrest ng upuan at parang may tinatawagan pa. Hinayaan ko na lang sila, inilapag ni Eiya ang cake na siya raw mismo ang nagpagawa kay Tita Zyra.

Kung paano niya napasok 'yon dito ng gano'n kabilis, hindi ko rin alam. Baka kanina pa dumating 'yon tapos tinago lang nila. Kanina pa nga pinagdidiskitahan ni Kenji ang icing no'n. Hindi ko pa nga nahihipan kinuha niya na 'yung bulaklak na design, nakakita nananaman siya ng pagkain.

"Salamat, Eiya. Hindi mo naman sinabing may paganito ka pa, sabi mo kanina wala kang natatandaan sa araw na 'to!" Hinampas ko ng bahagya ang braso niya, baka kasi umiyak pa siya lalo kapag nilakasan ko.

"Edi hindi na 'yon surprise kung sinabi niya sayo, tanga mo kahit kailan, Heira." Sagot ni Timber.

"Makatanga naman 'to. Ang ibig kong sabihin, ayos lang sa 'kin kahit walang ganito basta batiin niyo lang ako." Sabi ko.

"Ayaw mo pala nito, sige sa 'min na lang, sa 'min na lang 'yung cake, 'wag kang hihingi." Pagbibiro ni Vance.

"Hindi pwede, nandiyan na e," ngumuso ako. "Para sa 'kin 'yung cake na 'yun!" Dagdag ko.

"Na-surprise ka ba, Yakie?" Umangat ang labi ni Lucas ng sabihin niya 'yon.

"Uhm..." Tumango ako. "Sa sobrang gulat ko, muntikan ng dumugo ang tenga ko dahil sa mga confetti, kayo maglilinis niyan!"

"Birthday mo ngayon, kaya mo na 'yan, 18 ka na." Sabi ni Hanna kaya naman tumawa kaming lahat.

"Teka! Hindi ka kasi tapos ang lahat." Anunsyo ni Xavier.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang