Too much
HEIRA'S POV
"Totoo ba, Mommy. Totoo ba na inilayo niyo ako sa totoo kong mga magulang? Totoo ba na... hinahanap nila ako?" My voice broke. I felt my heart clenching. Para akong pinagbagsakan ng ilang milyong karayom sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Lumapit ako sa kanila ngunit nanatili ako sa gitna nilang dalawa. Ayaw kong pumunta sa kabilang panig dahil galit ako sa kanilang pareho. They fooled me! Paano ko magagawang patawarin ang mga taong sumira sa akin? Daig pa nila ang mga taong nanakit at nambugbog sa akin ng pisikalan. I bowed my head as I tried to stifle my sobs. Pamilya ko sila e! Bakit nila ako nagawang paiyakin ng ganito?
Marahas kong pinunasan ang aking mga luha. Nag-aalala lahat ang mga tingin nila sa akin samantalang si Natalie at 'yung isa pang lalaki ay malamig na nakatingin sa akin. I smiled bitterly. Matapos niyong sigaw-sigawan ang mga magulang ko ay titiklop kayo? I am staring all of them expressionless. Tita Hazel tried to hold me but I shove it away.
"Sagutin niyo 'ko!" Sigaw ko sa kanila. Lahat sila ay napaatras because of my sudden burst out. Kinuyom ko ang aking mga palad, habang tumatagal, habang dumadagdag ang segundo sa orasan ay namumuo ang galit sa akin. Halo-halo ang emosyon ko ngayon. Galit, lungkot, puot at sakit.
"Anak..." Mommy uttered as she began cying out load. Napasinok ako dahil sa tuloy-tuloy na pag-iyak ko ngayon. Muling nanikip ang aking dibdib. Mabibigat na ang aking paghinga.
After all this years. I became happy and contented with my life. I thought that I'll be happy for the rest of the time I live in this land. My mother and father loves me, I have my brother to hold me and to lean on whenever I am broken. I know that they true to me. The way they care to me was all true. But the worst thing was the thought of being
as someone who doesn't know what's really going on in my life because they deprived me of it.
"Paliwanag niyo naman sa akin... Pakiusap... Sabihin niyo na sa akin ang totoo." I begged. Halos lumuhod na ako sa kanila dahil nanggagatal na ang mga kamay ko sa totoo. Gusto ko ng maliwanagan! Ayaw ko ng naging bulag sa katotohanan.
"Heira..." Jaxon called me so I looked at him coldly. I saw him swallowed hard. "Calm down first. Let your head to be cool." Pagpapakalma niya sa akin. I shook my head violently. Hindi. Hindi pwede 'yon dahil narito na ako, hindi ko na maaaring lagpasan pa ang lahat ng ito.
"Hindi muna ngayon, Anak. We'll explain and tell you everything." Ani Tito Jackson. Mas lalong lumakas ang hagulgol ko. Heto na naman, tinatago na naman nila sa akin ang totoo. Inilalayo na naman nila ako sa mga dapat kong malaman.
"Tell me everything now. Tell me that I am just an adopted. Sabihin niyo sa akin na mula pagkabata ay hindi ko na nakasama ang mga magulang ko. Totoong magulang. Tell me that I am just dreaming..." I sobbed.
Ilang sandaling natahimik ang buong bahay. Tanging mga hikbi at hagulgol lang ang naririnig ko. I clenched my fist as my heart starts throbbing. Bakit ba ganito sila? Patuloy lang nila akong pinapahirapan at sinasaktan dahil sa ginagawa nila ngayon. Sinuklayan ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko.
"Totoo iyon... hindi ka namin anak." Sa sinabi ni Mommy ay tuluyan nang nanlambot ang aking mga tuhod at napaupo na lang sa sahig habang dinaramdam ang kaniyang mga sinabi. "Heira... please, don't be like this." Pagmamakaawa niya. Sinubukan nila akong lapitan at hagkan ngunit naiiwan sa ere ang kanilang mga kamay sa tuwing nagpapakawala ako ng hikbi.
"Ang sakit pala talaga kapag mula na sa inyo ang totoo." Gusto kong matawa dahil sa sinabi ko. Ginusto kong marinig ang totoo pero ngayong narinig ko na ang lahat ay nasasaktan ako. So stupid little shit, Heira. Kahit kailan talaga ay tanga ka.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
