Breakfast
HEIRA'S POV
"Fuck... where the hell did she go?"
"We don't know! Basta ang alam ko, tumakbo siya kanina, akala ko ay lalangoy na siya!"
"Ayaw niya sa malalim na tubig kaya bakit niya 'yong gagawin?"
"Baka naman... nasa labas lang siya, nagpapahangin."
"Edi nasa tabi-tabi lang 'yon, makikita naman natin siya."
"Ang tagal naman niyang nagpapahangin? Kailangan niya ba ng oxygen?"
"Tara na nga, let's find her."
Natawa na lang ako. Malayo pa lang dinig ko na ang mga sigawan nila. Hindi talaga sila makakapag-usap ng mahinahon. Gusto ko mang humalakhak dahil sa sobra na sila kung mag-alala pero hindi ko magawa, masyadong mabigat ang nararamdaman ko ngayon para gawin 'yon.
Hindi ako tumuloy sa rest house kanina. Nagpahangin muna ako ng mga ilang oras at nag-isip na rin. Sinubukan kong gawin 'yon para gumaan ang loob ko pero hindi pa rin pala. Kapag naiisip ko lang ang mga nakita ko, mas nagiging masakit ang nararamdaman ko.
Gusto ko nga sanang magbabad e. Baka sakaling makalimutan ko kahit saglit man lang ang nangyayari sa paligid ko. Kaso naalala ko na hindi pala ako marunong lumangoy, isama mo pa 'yung takot ako sa malalim na tubig.
Kanina... habang naglalakad ako ay nakarating ako sa bahagi ng resort na may malalaking puno, parang nakarating ako sa ibang dimension ng mundo, nakakapagtaka lang kasi na may puno pala ng mangga rito, akala ko mga buko lang 'yon.
Umakyat ako ro'n at umupo sa isang sanga. Mababa lang naman 'yon at nagtataas-baba ang sanga kaya naman naaliw ako kahit saglit man lang. Walang katao-tao kanina ro'n kaya naman walang nakakita sa kadramahan na ginawa ko.
Naglaro sa isipan 'yong mga tanong na, 'bakit ko ba hinanap ang kulapo na 'yon?' 'sino ba siya sa akala niya?' 'girlfriend niya ba 'yong kasama niya kanina?' 'bakit ba nasasaktan ako ng ganito e hindi ko naman siya mahal?'
'gusto ko lang naman siya 'diba?'
Baka nga hindi ko naman talaga siya gusto, masyado lang akong naaliw sa prensya niya. Oo tama! Hindi ko siya gusto... dahil kung gusto ko lang siya, hindi ako masasaktan ng ganito.
Ano ba 'to?
Aissssh! Tama na, Heira. Wala lang 'yan. Hindi mo lang inaasahan ang nakita mo kaya ka nagkakaganiyan. Nabigla ka lang dahil akala ko... nagalit siya dahil sa kiss ni Adriel sayo. Wala lang 'yan, huhupa rin 'yan.
-FLASHBACK-
"Why are you crying?"
"Ay, manok kang nilitson!"
Nagulat ako ng may sumulpot na anghel este tao pala sa gilid ko. Ang sarap na sana ng pwesto ko habang nag-iisip e. Buti na lang at nahawakan niya ang kamay ko kaya naman hindi ako nahulog sa sanga.
Saya ang pinunta ko rito hindi sakit ng katawan.
Tumawa siya. "Nag-iisa ka rito. Nagsesenti ka ba ha?"
"Drama."
"Huh? Drama?"
"Wala! Teka nga, sino ka ba para kausapin ko?"
"Okay, let me introduce myself to you." Sabi niya tsaka yumuko. "I am Brazen Cale Landon."
Inilahad niya ang kamay niya kaya naman kinuha ko 'yon. Hindi naman siya mukhang mayroong masamang intensyon. Ngiting aso pa siya. Bakit ba nandito 'to? Nag-eemote rin ba siya?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
