The truth about me
HEIRA'S POV
"Anak kumain kana muna, kanina mo pa hindi nilalamnan ang tiyan mo."
That's true. Hindi pa nga ako kumakain magmula kaninang umaga, gabi na ngunit tubig lang talaga ang laman ng tiyan ko. Wala akong ganang kumain o gumalaw man lang dahil sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. I prefer to be in bed all day... lying in the white and soft bed and watching the light. I feel like I am dying inside.
Matapos kong marinig ang lahat kagabi ay hindi na ako tuluyang nakatulog. Nagkunwari lang ako sa pamamagitan ng pagpikit, tinakpan ko rin ang aking mga mata para hindi nila makakita ang pamumugto ng mga ito. All I did was just crying and thinking all night about the truth about me... about myself... about my fucking life!
Narinig ko ang lahat, narinig ko ang totoo. Hindi nila alam kung gaano kasakit para sa akin na marinig ang mga iyon mula sa mismong bibig nila. Nakasandal lang ako sa pinto at tinatakpan ang bibig habang pinapakinggan ang katotohanang tinatago nila sa akin mula noon pang bata ako. Hindi ko matanggap. My heart was like they pounded it hard until it breaks into pieces.
Parehas ko silang pinagkatiwalaan, si Mommy na palagi kong pinaniniwalaan, si Tita Hazel na tinanggap ko ng buo kahit na masakit sa akin na siya pala ang totoong ina ng kakambal ko. Buong gabi ko dinamdam ang sakit dito sa puso ko, mas masakit pala talaga ang paglihiman ka ng pamilya mo kaysa ibang tao.
Paano nila nagawa sa aking itago ang lahat? Wala na ba akong karapatan na malaman ang totoong pagkatao ko? Parang pinagkait na rin nila sa akin ang buhay na dapat mayroon ako. Labing taong gulang na ako... For eighteen years, they are all lying to me. They made me looked stupid. Sa buong buhay ko ay umiikot pala ang dugo ko sa kasinungalingan.
My mother... Tita Hazel is my mother. My biological mother. Iyon ang narinig ko. Kapatid siya ni Mommy, ang Mommy na kinikilala ko, ang Mommy ko na hindi ko inaasahang paparusahan niya ako. It was unintentionally but it hurts like hell. Para akong nalalagas na mga talulot ng mga bulaklak. I grow old with them, but they lied to me.
Ni isang beses hindi nila nagawang sabihin sa akin ang totoo, ang daming panahon na nasayang, ang daming oras para sabihin nila sa akin iyon pero hindi nila ginawa. Tao pa ba sila? Nagawa nila akong saktan sa simpleng pagsisinungaling lang nila sa akin. Si Daddy... pati siya, si Kio at si Jaxon! How can I trust again those men if they already broke it?
Makakaya ko naman na tanggapin ang lahat kung agad nilang sinabi sa akin 'yon, kung maaga lang nilang sinabi sa akin, sana ay hindi na ako nasasaktan pa ng ganito. Hindi ko naman iiwan ang mga kinikilala kong magulang dahil lang doon. I love them. Hindi ko sila magagawang ipagpalit sa iba... kahit pa sa totoong mga magulang ko pa.
Galit ako sa kanila. Ito ang unang beses na naging galit ako dahil sa kanilang ginawa. Ang sakit-sakit. Bumibigat muli ang aking dibdib kaya naman agad akong humiga ng maayos ay tinakpan ang aking mga mata. I don't want to make them see me crying and hurting. Siguro naman ay mayroon na silang ideya kung sakali mang makita at mapansin nila ako.
I want to cry all day until I fall asleep. Gusto kong pagurin ang sarili ko sa kakaiyak para kapag gabi ay hindi ko na magagaw pang mag-isip ng mga kung ano-anong bagay, whenever I do that... am just hurting myself and suffering from over thinking. Hindi ko pa rin talaga makita ang dahilan kung bakit nila ako nagawang paiyakin at durugin ng ganito.
All I wanted was to be happy. Ngunit sa mga nararanasan ko ngayon, parang malabo na sa akin ang pangarap ko na 'yon. Bukod sa pagiging anak ni Tita Hazel, ano pang mga tinatago nila sa akin? Ano pa ang mga dapat kong malaman? Ano pa?! Tangina, nakakapagod ang pag-iisip ng ganito!
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Fiksi RemajaPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
