Chapter 134

19 4 0
                                        

Black Toyota Camry

HEIRA'S POV

"Yakiesha, susunduin talaga kita kapag namatay ako rito!"

Isang linggo na rin matapos yung pag-aayos namin ni Kio. Back to normal na kami ulit. Nag-uusap na ulit, nag-aaway na ulit, nagsisigawan na ulit.

Madalas na rin naming nakakasama si mommy ngayon dahil sa kumuha na siya ng sarili niyang sekretarya para hindi na siya masyadong mapagod sa trabaho niya. Gumaya lang raw siya sa mga kasosyo niya.

Nagtataka nga siya kung bakit daw kami bumalik sa dati. Nagpapansinan na raw kami ulit. Nagluto pa siya ng napakarami para raw magcelebrate kami sa 'pagbabati' namin ni Kio.

Pinaalis ko na rin 'yung mga salitang 'yun. Hindi ko na ulit inisip dahil nakakatanda lang ang mga 'yon. Kung patuloy ko mang iisipin ang mga 'yon, sigurado akong hindi ako uusad.

Mahirap din kasi ang araw-araw na pag-iisip. Laging wala sa sarili. Laging tulala. Laging puyat. Laging gutom. Kaya ayun, hindi ko na inalala, nakakagutom kaya ang pag-iisip.

Tsaka anong magagawa ko? Pamilya niya 'yun, hindi ko naman siya masisisi kung gusto niyang makita ang mama at papa niya. Ang mahalaga, pantay ang atensiyon niya sa 'min. Hindi nawawala.

Papunta kami ngayon ng school. Walang traffic dahil sobrang aga pa. Talagang inagahan ko, ginising ko pa nga siya ng alas kwarto ng umaga para rito. Syempre dapat handa, baka maudlot.

Nung gabing nagkabati kami ay humingi ako ng kondisyon sa kaniya. Este pam-blackmail sa kaniya. Wala naman siyang nagawa dahil tinatakot ko siya. Kalalaking tao matatakutin...

"Bati na tayo ah?" Parang batang aniya.

Ngumuso pa siya ng napakahaba. Natawa tuloy ako sa kaniya. Ngayon ko lang siya nakitang gumano'n. Para siyang bibe sa ginagawa niya. Hindi naman niya bagay.

Kung hindi ko pa pala siya iniwasan ay hindi ko makikita ang gano'ng itsura niya. Mukha kasi siyang monggoloid palagi pero hindi siya ngumunguso, ang pangit daw tignan pero siya... ginawa niya.

Hahahaha!

Tumango naman ako sa kaniya at naglabas ng nakakalokong ngiti. May naisip na 'kong pang-ganti sa kaniya. Ang hirap kayang manahimik sa bahay ng isang linggo, napapanis ang laway ko.

"What are you smiling at?" Pinagtaasan niya pa 'ko ng kilay. Ayan na bumabalik na siya sa dati. Suplado 'de baliw nananaman siya.

Tinaas ko ang hintuturo ko. "Bati na tayo pero... sa isang kondisyon!" Pagdidiin ko pa.

Nagulat naman siya dahil sa biglaang pagtaas ng boses ko. Nginiwian ko naman siya. Sa gwapo niyang mukha 'yon tapos parang babae kung magulat. Kulang na lang ay sumigaw siya ng 'ay palaka!'

"What condition?"

Pumasok kasi sa isip ko yung sasakyan niya. Bagong bili pa lang 'yon, pero hindi ko alam kung sinong bumili. Pwedeng siya... sa kaniya 'yung pera, may ipon siya kaya alam kong makakabili siya ng sasakyan.

Nahiya yung bagong lampasong sahig ng mall dahil sa kintab no'n. Black Toyota Camry 'yung nabasa ko sa mga papeles no'n. Alam na alam na bago kasi 'yung amoy no'n sa loob, amoy leather at gulong. Smell is actually made up of a mix of chemicals.

 Smell is actually made up of a mix of chemicals

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now