Dating kaklase
HEIRA'S POV
"Buti naman at gising ka na."
Mag-a-alas dyes na ng magising ako. Pakiramdam ko, ngayon pa lang ulit nakumpleto ang tulog ko. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi akong puyat. Nagigising nga ako ng mga ako ng mga ganitong oras, pakiramdam ko naman parang hindi ako nagpahinga.
Sa dami ng mga ginagawa namin maghapon, palagi na lang akong pagod tapos kaagad akong nakakatulog. Palagi kong hinahanap ang malambot na kama.
Nakahinga ako ng maluwang kagabi kasi sa wakas! Sa wakas ako na lang mag-isang magpagulong-gulong sa higaan ko ng walang iniisip na katabi!
Ngumiti na lang ako ng maaalala ang mga pinaggagawa namin nung naaa resort kami. Iyon na ata ang pinakamasayang bakasyon ko, hindi lang dahil sa kasama ko sila kundi dahil nagawa namin ang mga hindi kayang gawin ng iba.
Biruin niyo 'yon, sinong mag-aaakalang mga magkakaklase lang kami na sa una hindi magkakasundo, palaging may away, suntukan pero ngayon, magkakasama na, hindi lang basta magkakasama, magjojowa pa.
Naks naman. Kawawang Vance, Xavier at Elijah, hindi muna niyan nila makakasama ng matagal ang mga love of their lives. Napangiwi ako kaagad. Natutuwa ako dahil masaya sila pero pakiusap ko lang na sana 'wag nilang ipakita sa 'kin ang paghaharutan nila.
Ang sarap kurutin ang mga singit e.
Kagabi, magkakatabi pa sila ng mga upuan habang tinatanaw ang dagat. Nakita ko pa nga si Aiden na nakatingin sa kanila at ngumiti na para bang may naalala. Bakit ba hindi niya kasi balikan 'yung babae.
Nung minsang naiwan siya sa sala at tulog, biglang nagring ang cellphone niya, hindi ko naman 'yun sinagot pero nakita kong 'Lizainne' ang nakalagay. Tapos may picture siya, 'yung babaeng umiiyak nung nagbreak sila.
Tapos nung naghuhugas kami ng plato. Nahuli ko siya na tinitititigan niya ang litrato niya, halata naman sa kaniya na miss niya na siya e. Naghahabol naman 'yung Lizainne sa kaniya. Pinapasakitan niya lang ang sarili niya sa tuwing itataboy niya ang babae.
Naiisip ko tuloy kung ano ba ang pinagmulan ng pag-aaway nila na naging dahilan kung bakit sila naghiwalay. Sumama ang mukha ko ng maalala 'yung babae na halos lumuhod na dahil sa pagmamakaawa niya kay Aiden.
Kung ako kay Aiden, kausapin niya 'yung babae dahil kita naman sa mga mata niya mahal niya ang babae na 'yun. Nasasaktan lang silang pareho kahit alam naman nila kung ano ang magpapasaya sa kanila.
"Advice."
Oo, advice. Payo ang kailangan ni Aiden para malinawan siya. Ako lang naman ang may alam no'n, wala naman siya sigurong napagsasabihan ang hudlong na 'yon tungkol sa nangyari sa kanila. Parang patago lang ata 'yung relasyon nila e.
Isang beses ko pa lang nakita 'yung babae e. Hindi nga siya pumupunta sa room namin para lang bisitahin si Aiden, siguro ayaw din nung isa na gawin niya 'yon. Hindi naman ako marunong magpayo sa mga ganitong sitwasyon.
Malay ko ba kung ano ang sasabihin ko. Ni hindi pa nga ako napunta sa gano'ng sitwasyon e. Pinalobo ko ang magkabila kong pisngi at hinilot ko ang sentido ko. Bakit ba ako nagpapakahirap na mag-isip ng solusyon sa problema niya sa love life niya.
Pake ko ba sa kanila. Ako nga walang gano'n.
Pero pwede naman kasi akong makatulong. Kung mero'n naman akong nagagawa para solusyunan 'yon, bakit hindi ko gagawin? Para happy-happy na ang lahat. Pati ako napapangiwi sa kanila e.
Umupo ako sa pwesto ko at kumuha ng pagkain. Masyado ng lumipad ang isip ko dahil sa pag-iisip ko no'n. Bumuntong hininga ako. Sino ba ang magaling magpayo sa mga hudlong?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
