Chapter 205

5 1 0
                                        

Contestants

HEIRA'S POV

"Sino sa 'tin ang lalaban sa pageant?"

Nasa room kami ngayon at pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga gagawin namin sa foundation day. Kahit ako, wala rin naman akong alam sa mga pwedeng mangyayari, nakikisali lang ako sa kanila pero ang totoo, wala talaga ako sa sarili ko.

Kasama namin si Sir Almineo ngayon at siya ang nagpapaliwanag tungkol sa mga contest na sasalihan namin. Ewan ko ba sa lintek na Zoe na 'yon at pinili pa kamin isali sa mga gano'n e dati naman daw hindi naman nakikisama ang mga hudlong sa kahit na anong nagaganap dito sa university.

Tatlong araw na ang nakakalipas nung pumunta sa bahay si Jaxon, halos araw-araw na ata siya no'n na bumibisita sa 'min. Walang mintis. Kung hindi gabi, hapon o kaya naman umaga siya pupunta, depende sa trip ng utak niya. Wala naman siyang ibamg ginagawa kung hindi ang baby-hin kami ni Kio.

Kahapon, linggo. Walang trabaho sina mommy at daddy dahil day-off nila. Sakto namang wala raw ginagawa si Jaxon sa kanila. Gano'n pala 'yon 'no? Kapag naiinip ka sa bahay ninyo lilipat ka sa iba para ro'n mambulabog.

Akala ko naman tatahimik ang buhay ko sa araw na 'yon dahil libre ang pahinga, wala na akong binabasa dahil puro practice lang naman ang ginagawa namin nitong mga nakaraang araw. Buong araw sana akong hihilata ang kaso bigla siyang pumasok sa loob ng kwarto ko at kinalkal ang mga gamit ko na nakikita niya.

Hindi ko alam kung pa'no niya nahanap ang kwarto ko, sabi niya itinuro raw sa kaniya ni Aling Soling. Talagang close ba sila para pagbigyan siya ni Aling Soling na pumasok sa kwarto ng mga alaga niya? Binuksan niya pa ang aircon na para bang sa kaniya ang kwarto na pinasok niya.

—FLASHBACK—

Kakatapos ko lang maglinis ng kwarto ko, tinapon ko muna sa isang tabi ang mga basurang nakuha ko sa loob ng kwarto ko. Ang liit lang naman nito, hindi na nga magkasya ang mga gamit ko sa loob nito, sakto lang akong nakakahiga sa kama ko.

Hindi ko pa nga nabubuksan ang sandamakdak na packages na pinapadala ni Anonymous sa 'kin kada linggo.

Pare-pareho lang naman 'yon pero minsan may damit pero kadalasan mga chocolates at chuckie pati na rin Stitch na laruan. Ayaw kong buksan dahil hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay ang mga stitch e puno ng gano'n ang kama ko.

'Yung iba nga nasa isang kwarto na at do'n ko inayos, nasa tabi 'yon ng kwarto ni mommy, wala namang natutulog do'n kaya nagpaalam ako na akin lang, ilalagay ko lang 'yung mga Stitch na mas malaki pa sa 'kin ang iba.

'Yung mga chocolates naman hindi na kasya sa ref namin kaya naman dinadala ko na lang 'yon at pinapakain sa mga hudlong.

Pinakaswerte si Kenji, araw-araw may gano'n siya pagkatapos naming kumain. Tignan na lang natin kung hindi siya magkaro'n ng diabetes dahil araw-araw matamis ang kinakain niya.

Ibinagsak ko ang likod ko sa kama at huminga ng malalim. Puno na rin ng pawis ang noo ko kaya pinunasan ko ang mga 'yon gamit ang likod ng palad ko. Nagpaypay na lang ako, mamaya ko na lang bubuksan ang electric fan para iwas gastos.

"Hi sistereret!'

Napabalikwas ako ng higa ng marinig ko nananaman ang boses na 'yon. Tumayo ako at nagpamewang sa harapan niya. Nandito nananaman ang Jackstone.

"Anong ginagawa mo rito?" Sabi ko sa kaniya tsaka ko dinuro-duro siya.

"Binibisita ka." Masayang sabi niya sa 'kin. "Hug your kuya, sistereret." Sinubukan niya akong lapitan pero kinuha ko agad ang unan at inambahan siya ng hampas.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now