Inutil
HEIRA'S POV
"Ayaw kong pumasok, Kio. Sige, mauna ka na."
Kanina pa siya katok ng katok sa pintuan ng kwarto ko. Naka-uniform na ako pero ayaw kong pumasok ngayong araw na 'to, Lunes kasi ngayon! Kalunes-lunisan pero tinatamad akong pumunta at mag-aral ngayong araw na 'to.
Hindi pa ako nakakakain, basta naligo na lang ako saka ako bumalik sa kama, dumapa at nagtalukbong ng kumot, wala akong pakialam kung malukot na lang ang mga suot kong blouse at palda. Ang mahalaga, basta.
Ang haba pa naman ng oras namin para makapasok pero sadyang maaga lang akong nagising. Sa totoo lang wala naman talaga akong tulog. Mga isang oras lang. Isa na rin 'yon sa dahilan, mukha akong bangang na sabog, ang laki ng eye bags ko.
Sino ba naman kasing hindi mapupuyat kung buong gabi kong iniisip 'yung dare ni Kayden sa 'kin? Iniisip ko pa lang na papahirapan niya na ako buong araw parang ayaw ko ng pumasok pa.
Isama mo pa 'yung ilang araw ko ng iniisip. 'Yung nangyari sa may department store. Nakabili kami ng limang electric fan para buong classroom namin mahahanginan na. Hindi na mainit niyan, lahat kami mapepreskuhan.
Oh ano kayo ngayon? May aircon na ang room namin pero pang-display lang. Wala silang gano'n, 'yung aircon nila ginagamit nila kami hanggang lalagyan lang ng alikabok 'yung sa 'min.
Tapos ngayon mero'n kaming limang electric fan. Kung payat lang ako baka lumipad na lang ako ng wala sa oras kapag sabay-sabay na pinaandar ang mga 'yon.
Ewan ko ba sa kumag na 'yon bigla na lang naging isang malamig na tao. Hindi naman siya bangkay. Malamig lang talaga ang mga mata niya. Minsan nga may sinasabi siya sa 'kin na may isang malalim na kahulugan, naging philosopher ang gago.
"Why do you care?...Don't you have a new man? Why are you still worried about my life like that?"
"Why do you care?...Don't you have a new man? Why are you still worried about my life like that?"
"Why do you care?...Don't you have a new man? Why are you still worried about my life like that?"
Isa na 'yan. Sinong lalaki naman ang sinasabihan niya ng gano'n? Buong oras na magkakasama kami ay hindi niya ako pinapansin, ang mga hudlong lang ang kinakausap niya tapos tipid pa ang mga sagot niya.
Ewan ko ba sa lalaking 'to. Ang ganda ng mukha niya, ang ganda ng katawan niya, ang ganda ng lahat sa kaniya pero hindi maganda ang takbo ng utak niya. Palaging may sumisikip na turnilyo sa pag-iisip niya.
Kaasar. Hindi ko alam kung gano'n lang talaga siya dahil minsan ko na lang makita ang gano'n na itsura niya, o baka naman may nagawa akong ayaw niya? Wala akong pakialam kung galit siya sa 'kin.
Kahit na buong buhay niya pa akong kamuhian, wala akong pakialam, ang akin lang naman, sana pinakain niya muna kami bago kami umuwi pero hindi e. Pagkatapos namin sa department store ay umuwi na kami.
Wala naman kaming magawa kung hindi ang sundin siya. Wala naman kaming dalang pera, mero'n pala pero hindi naman kakasya sa 'min 'yon. Ayaw kaming ilibre ni Asher at Adriel.
Pasimple namin siyang tinatawanan dahil para siyang babaeng may regla. Nakaktakot pa naman ang mga tingin niya, napapalingon pati ang mga taong nadaraanan namin. Pagkauwi ko tuloy gutom na gutom ako.
Kasabay pa naming kumain 'yung dalawang bisita ni Kio. Si Theo ang pinakamadaldal sa lahat, kung saan-saan pumupunta ang mga sinasabi niya. Umpisa no'n ay tungkol sa eskwelahan tapos sa ending napunta sa sementeryo.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
