Seafood
HEIRA'S POV
"Hooop! Mahuhulog ka sa bangka, sa'n ka ba nakatingin?
Nakatatlong island na ata kami na pinuntahan. Wala namang mga tao, parang binibisida lang talaga at pinapaliwanag sa 'min nung tour guide kung anong mero'n sa lugar na 'yon.
Sa unang islang pinuntahan namin, 'yon pala ang sinasabi nilang centro, kung saan do'n ang unang pinupuntahan ng mga turista para kumain at manood ng mga mananayaw bago sila lumipat sa iba.
Parang lumilipad ang isip ko ngayon. Hindi ko pa rin makuha at maintindihan ang mga sinabi nila sa 'kin. Tumututol pa si Kayden sa kanila pero wala na siyang nagawa.
"Kayden told us to leave you with him so you can come here together..."
"Kayden told us to leave you with him so you can come here together..."
"Kayden told us to leave you with him so you can come here together..."
Pinlano pala talaga nung kulapo na 'yun ang lahat ng ito. Alam niya naman pala na aalis ang mga hudlong, hindi pala siya bagong gising kanina, natulog lang ulit siya nung pagkaalis nila.
Ang sarap niyang ihulog ngayon sa bangkang sinasakyan namin ngayon. Iniwan muna namin 'yung jet ski sa unang isla para makasama namin 'tong mga kaklase namin.
Talagang ginawa niya 'yon para pikunin ako e. Sinabi niya hindi niya talaga ako ginising para gantihan ako sa ginawa ko sa kaniya kagabi. Nabugahan ko lang siya, grabe naman ang ganti niya.
Nagtoothbrush naman ako e.
Hindi ako naniniwalang gano'n lang ang ganti niya. Pumasok din sa isip ko 'yong soup. Sinadya niya 'yun! Alam ko! Talagang inalatan niya, sinayang niya lang 'yung mga ingredients.
Nanood pa siya sa internet, dapat pala tinawagan ko na lang si mommy at nagpaturo na lang ako sa kaniya na magluto. Kung ipagtabuyan niya ako sa kusina, akala mo naman chef talaga e.
Nakatingin ako sa tubig. Unti-unti na pala akong yumuyuko ng hindi ko namamalayan. Parang gusto kong tignan ang mga isda sa ilalim ng tubig. Muntikan na akong malaglag buti na lang nahila ni Asher ang buhok ko.
Masakit nga lang sa anit pero atleast hindi ako nahulog.
Kinamot ko ang ulo ko at sinuklayan ang buhok ko gamit ang mga kamay ko. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya tsaka umupo ng maayos.
"Pasensya na."
"Kulang ka ba sa tulog?" Natatawang tanong niya.
Umiling naman ako. "Hindi ah. Ang haba na nga ng tulog ko. Naaaliw lang ako sa tubig."
"Don't. Baka mahulog ka talaga, wala ka pa naman pampalit."
"Ash... may tanong ako."
"What's that?"
"Pa'no kung nahulog ako rito sa tubig na 'to, anong gagawin mo?" 'Yung totoo, wala naman talaga akong sa kaniya, gusto ko lang na may kausap ngayon, baka maging lutang na talaha ako at hawakan ulit ang tubig.
"Nothing. I'm not going to do anything, it's your fault why you fell."
"Ang sama mo naman. Hindi mo man lang ako tutulungang umahon?"
"Hindi. Bakit naman kita tutulungan?"
Oo nga naman, bakit niya naman ako tutulungan?
"Kasi... ako ang kaibigan mo?" Nag-aalangang sabi ko sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
