Last day
HEIRA'S POV
"Tayo na raw ang susunod."
Biglang dumaan ang kaba sa dibdib ko, unang beses kong sumayaw sa harap ng maraming tao. Ano ba kasi ang pakana na 'to e.
Kung ayaw ko lang talagang bumagsak sa subject ng ilan naming mga teachers hindi ko gagawin 'to. Ang tigas ko pa naman para sumayaw.
Mahal ko pa naman ang kakahiyan ko, ayaw kong pagtawanan ako ng iba kaya ganito ako. Pwede pa naman sigurong umatras ngayon 'no? Hindi pa naman nag-uumpisa ang sayaw namin kaya pwede 'yun. Tatakbo na lang ako palabas ng gymnasium mamaya-maya.
Charot.
Baka katayin ako ng wala sa oras ng mga hudlong na 'to. Buti pa si Trina at Asher hindi na kasama sa 'min, sabihin ko na lang kaya sa iba na kumanta na ako kanina kaya hindi na ako kasali ngayon sa kanila? Parang maiihi ako sa kinatatayuan ko ngayon e.
Sabi nila walang hiya raw ako, mero'n naman... slight. Kahit naman mukha akong tambay sa kanto, may kahihiyan pa rin naman.
Kung gusto nila, palit kami ng pwesto, ako ang manonood, sila ang sasayaw dito. Ang hirap pa naman ng mga steps na ginawa nung Kulapo naming president.
Speaking of the Kulapo. Nasa pinakaharap siya ngayon, panay ang pagtingin at pagngisi sa 'kin, porke nanalo sa away namin kanina ganiyan na siya.
Sapakin ko kaya para umayos ang mga turnilyo niya sa utak at bawiin ang sinabi niya kanina. Ang ganda na sana ng araw ko ngayon e tapos sasabihin niya pa 'yun. Hindi na nakaget-over.
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko, kanina pa bagsak ang balikat ko. Kinakausap ako ng mga hudlong pero tanging pagsibangot lang ang sagot ko sa kanila. Sinong hindi sisibangot kung nalaman mong magiging alalay ka ng mortal na kaaway mo?
Pwede ko namang takasan 'yon. Pwede ko namang hindi na lang sundin ang gusto niya. Pwede ko namang hindi na lang gawin ang sinabi niya.
Pwede ko naman siyang takasan kapag inuutusan niya na ako, sigurado naman akong papahirapan lang ako ng punggok na 'to. Siya pa ba? Kumag kaya ang animal na 'to.
Tinakot niya kasi ako na sasabihin niya sa mga hudlong na ano... na ano! Basta 'yun, sarap sapakin ng paulit-ulit hanggang sa masira ang mukha e.
Siguradong magagalit sa 'kin ang mga hudlong kapag hindi ko ginawa ang dare ko kasi ginawa nila ang sa kanila. Dapat pala nag-truth na lang ako para wala ng ganito e.
Kampi pa naman ang nga hudlong at mga babaita kay Kayden kaya kahit na anong angal ko, hindi ako mananalo sa kanila.
Ngingisian pa nila ako kapag nangyari 'yon. Ang sasama nila, parang hindi mga kaibigan. Iwanan ko na lang kaya sila? Biro lang, hindi ko naman magagawa 'yun.
Naalala ko pa na sa lunes ko na pala gagawin 'yon. Magtetext na lang daw siya kapag may ipapagawa siya. O 'diba, ang kapal ng mukha niya, wala pa nga tapos may pinapaalala na siya agad, kalbuhin ko na lang siya kapag mahirap ang ginawa niya.
Patapos na ang mga sumasayaw sa stage. Huminga ako ng malalim. Kaya mo 'yan, Heira. Sayaw lang 'yan, kaya mo 'yan. Isa pa, nasa likod ka lang, hindi ka nila mapapansin. Aissssh!
Kahit na anong gawin kong pampapalubag-loob ko sa sarili ko, wala pa rin. Nako naman! Si Kio hindi na sumama sa 'min dahil ayaw niya raw sa hip-hop, ayos na raw siya ro'n sa ginawa nilang sexy dance.
Sexy dance niya ang mukha niya, mukha naman siyang tuko kanina habang sumasayaw. Seryoso pero nakaawang ang labi, talaga naman. Ang laswa niyang tignan.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Novela JuvenilPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
