Park
HEIRA'S POV
"Libre mo nga ako, Adi.
Natapos ang buong klase namin ngayon ng wala man lang masyadong ginawa. Syempre pabor sa 'min 'yon dahil nag-aadjust pa rin kami, ilang linggo rin kaming wala sa klase.
Marunong pa ba akong magsulat? Hindi kami masyadong nagklase, panay kamusta lang ang sinasabi ng mga teacher na papasok sa 'min. Ulit-ulit lang din ang sinagot namin.
Pero hindi kami pinalagpas nung mga terror teacher namin. Wala pa nga, pinagrecitation na nila kami. Malay ba namin na mero'n palang gano'n, walang nakasagot kahit isa. Sino ba naman kasing magbabasa kahit nakabakasyon?
Tahimik pa sa kuliglig ang room namin habang sumisigaw si 'You!' dahil walang nakakasagot sa mga tanong niya. Hindi muna kasi niya nirefresh ang utak namin para naman hindi kami mahirapan.
Hindi niya talaga kami pinapaboran, nagpakasasa lang daw kami sa bakasyon at hindi na namin binuklat ang mga libro namin, hindi na raw kami nagreview ng mga pinag-aaralan namin.
E sa anong magagawa namin, ayaw naming magbasa muna e. Kaya nga tinawag na bakasyon para makapagpahinga kami kahit saglit lang. Kahit sino naman hindi makakasagot sa sunod-sunod na tanong niya e.
Bakasyon ang ginawa namin. Bakasyon na walang sinasagutan. Bakasyon na walang binabasa.
Bakasyon na walang ibang iniisip na patungkol sa pag-aaral. Bakasyon na para sa 'ming mga estudyante at para na rin sa kanila.
Bakasyon 'yon, ibig sabihin pahinga. Pahinga 'yun. Nakakastress si Sir Raquesta ah. Sa 'min pa talaga siya galit, samantalang ang libro ang kaaway niya kasi hindi niya makita 'yung hinahanap niya.
Buong araw pa rin akong lutang. Nagsisimula nananaman ang klase namin ngayon kaya naman nagsisimula nananaman ang sandamakdak na iniisip. Pa'no pa kaya kapag grade 12 at college na kami? Baka naman maging bobo na 'ko sa mga grades na 'yon.
Lumutang pa ang utak ko ng makita ko nananaman 'yung babaeng ex ni Aiden sa may gilid ng canteen at parang may hinihintay. Nakatingin lang ako sa kaniya dahil may hinihintay din naman akong lumabas kanina.
Nang makita niyang palalabas si Aiden bigla siyang nabuhayaan. Parang naawa naman ako sa kaniya dahil nang sinubukan niyang lapitan si Aiden pero nilampasan lang siya nung isa na para bang hangin.
Pati ata ako hindi niya rin napansin. Naiyak na lang 'yung babae. Lalapitan ko pa sana siya at tatanungin kung ayos lang ba siya pero lumabas na rin ang mga kasama namin. Siguro, sa susunod na araw na lang.
Kahit ako naiinis kay Aiden e. Hindi naman sa pinangungunahan ko siya pero parang gano'n na nga. Hindi man lang muna kausapin 'tong isa, kung may dapat man silang pag-usapan. Pwede naman nilang ayusin kung ano man ang nasira.
Hanggat hindi sila nag-uusap ng maayos, hindi nila masosolusyunan ang problema nilang dalawa. Kung hindi ko lang sila kilala, ay si Aiden lang pala, baka hinayaan ko na lang silang dalawa.
Hahayaan ko na lang sila na mag-iwasan at magsakitan na lang pero hindi e. Kaibigan namin si Aiden, kaibigan ko siya. At dahil nakita ko 'yung hindi makatarungang break up nila, para akong nakonsensya.
Hindi talaga maganda sa tao kapag chismosa siya. Isa na 'ko ro'n. Hindi ko pa nakakausap si Asher. Alam kong marunong siyang magpayo tungkol sa mga ganito. Hindi man siya palasalita pero may kabuluhan naman ang mga sinasabi niya minsan.
Huminga ako ng malalim. Aiden... Aiden... Aiden. Ayusin niyo 'yan o gusto mong durugin kita, pagbubuhulin ko ang mga buto mo. 'Yon din naman 'yon e.
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Fiksi RemajaPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
