Chapter 243

4 0 0
                                        

"Ano kasi ang gusto mong kainin? Kanina pa kita tinatanong, ayaw mo ba ha?!"

Kahapon lang noong nanalo si Maurence sa captain ng varsity basketball team. Well, I am happy for him because his dream became true. Mula kahapon ay hindi na maalis ang mga ngiti ni Maurence sa kaniyang mga labi. Inaaya niya akong lumabas ngayon, friendly date, kasama pa nga namin si Kenji. It's his treat for me dahil tinulungan ko raw siyang makapasok sa pangarap niyang matagal na niyang inaasam.

Noong una ay tumanggi ako sa kaniya dahil maliit na bagay lang naman 'yong ginawa ko. Hindi ko namam ibinuwis ang buhay ko para roon. Tsaka isa pa, ako lang naman iyong kumausap kina coach, siya pa rin iyong nagpanalo sa sarili niya para matalo niya si Brone. Pero pinilit niya ako, sino ba naman ako para tanggihan ang grasya, hindi ba? Pagkain din 'yon, laban lang basta sa pagkain. Sakto nga lang noong dumating siya sa bahay ay naroon si Kenji dahil hinihiram niya ang cellphone ko.

Nakakapagtaka lang dahil parang hindi natulog ang batang singkit na 'to. May cellphone naman siya, bakit ang sa akin pa ang hiniram niya? Pinahiram ko pa rin naman siya dahil baka mayroon siyang gagawing importante. May sugat na naman siya sa kaniyang tainga at mayroong dalawang pasa sa kaniyang braso at gilid ng labi. Tinanong ko kung ano ang nangyari sa kaniya pero hindi naman siya sumasagot sa akin, puro iling lang at ngiti ang sagot niya kaya naman sinama ko na lang siya rito.

"Ikaw na ang bahala, kung anong sa 'yo, 'yun na lang din ang sa akin." Sagot ko sa kaniya. Gusto niyang kumain kami sa restaurant pero umangal ako, hindi naman namin kailangang kumain ng lunch doon, nagpunta na lang kami sa isang malaking karinderya na mayroong ihawan. Mas masarap pa rin naman dito.

Baka hindi rin kasya ang budget niya kapag kumain pa kami sa mamahaling restaurant. Hindi naman sa minamaliit ko siya, ang ibig ko lang sabihin ay kahit simpleng salu-salo lang naman ay ayos na, pwede niya namang ilaan sa ibang bagay ang perang gastusin niya. I averted my gaze to Kenji who's currently playing with my cellphone now. Nagdownload siya ng mobile legends sa cellphone ko, dagdag na naman 'yon sa storage ko.

"Ji, dahan-dahan lang sa pagkain, hindi ka mauubusan, marami pa oh." Saway ko sa kaniya nang mapansing kulang na lang ay pati kutsara lunukin niya. Ang bilis niyang kumain, inilapiy ko sa kaniya ang isang basong tubig, baka mabulunan kasi siya bigla.

"Hindi ka ba kumain sa inyo kahapon ha?" Natatawang sabi ni Maurence pero tumigil din siya ng bitawan ni Kenji ang kutsara niya at uminom ng tubig, nalukot ang mukha niya at tinabig ang kaniyang plato. "Hoy, huwag mo kaming dramahan, kumain ka na. Joke lang 'yon." Bawi ni Maurence.

"Ji, kumain ka na. Sige na, hinay-hinay lang para hindi ka mabulunan. Huwag mo na lang pansinin si Maurence. Masaya masyado ang lalaking 'yan." Pang-aalo ko. Hindi sumagot si Kenji, nagpatuloy lang siya sa kaniyang pagkain at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Maurence at sabay na nagkibit-balikat.

May mali sa batang ito. Kalimitan kasi ay masigla siyang kasama ngayon ay... may kakaiba. Magmula kanina ay napakaseryoso at napakababa ng mukha niya. Tingin ko ay mayroong bumagabag sa kaniya. Ayaw naman niyang masabi sa akin, makikinig naman ako kapag nagkwento siya sa pinagdaraanan niya ngayon. Hindi lang talaga ako sanay na... ganito siya. Tahimik at parang walang pakialam sa mundo.

Tumayo saglit si Maurence para bumili ng barbecue kaya naman agad akong lumapit kay Kenji at tinapik ang balikat niya. Tapos na kaming kumain, nagpapahinga na lang kami pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Kenji. Kinakabahan na ako sa mga inaakto niya ah. Tumingin naman siya agad sa akin, nakatingin kasi siya sa kaniyang mga kamay na mayroon ding mga sugat.

Kumunot ang aking noo at agad kong inagaw ang kamay niya. Napadaing naman siya ng wala sa oras. Mayroong mga bakas ng palo o kaya naman ay pitik, may mga maliliit na sugat din. Saan nanggaling ang mga 'to? Parang wala naman ang mga 'to kahapon ah! Napadaing siya nang pisilin ko iyon, alam kong sariwa pa ang mga sugat niya. Sumalubong ang aking mga kilay ko at dismayadong tumingin sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora