Badmood
HEIRA'S POV
"Yakie, hintayin ka namin sa labas." Sabi ni Trina tsaka niya 'ko tinapik sa balikat.
Lunch break na kasi kaya naman nang-aaya na silang kumain. Ewan ko na sa mga 'to, nag-aayos pa lang ako ng gamit nakakapunta na kaagad sila sa labas. Wala ba silang mga inilalalabas na notebook at liligpitin kapag nagring na ang bell?
Masaya ako ngayon kaya naman hinayaan ko na lang sila. Tutal ballpen at notebook lang naman ang inilalagay ko sa bag ko. Wala naman kaming masyadong ginawa mula kanina, halos makatulog na nga kami sa sobrang tagal.
Natapos ang klase na puro sulat ang ginawa namin. Panay ang palecture ng dalawang teachers namin na magkasunod. Hindi na sila naawa sa mga kalyo namin sa mg daliri. May nangyari ring quiz, syempre hindi namin alam 'yon kaya naman kumopya na lang ako kay Kenji na hindi rin alam kung tama ba ang mga sagot niya.
Nanghula raw e.
Masaya ako ngayon dahil sa pinag-usapan namin kanina. Buti na lang at pumayag si Alzhane sa sinabi namin sa kaniya. Biro lang 'yon, hindi namin inaasahan na papayag talaga siya. Akala ko makikitawa lang talaga siya, malakas talaga ang appeal ni Kenji.
-FLASHBACK-
"Hep! Hep! Hep! I heard my name. Anong pinagchichismisan niyo, share niyo naman sa 'kin!" Speaking of Trina, heto na siya, umaandar nananaman ang bunganga niyang.
Kasunod niya 'yung tatlo, sina Hanna, Alzhane at Shikainah. Together with Vance at Xavier. Mga asungot 'yung dalawang lalaki na 'yon e. Walang sariling mundo. Laging nanggugulo.
"Ang lakas talaga ng pandinig mo, 'no?" Pagbibiro sa kaniya ni Eiya.
"Sinlakas ng bunganga niya, 'wag na kayong magtaka, parang hindi naman kayo sanay sa kaniya." Ginatungan pa ni Vance si Eiya.
Nanlisik kaagad ang mga mata ni Trina. Parang gustong dakdakin si Vance ng heels ng sapatos niya. Kahit kailan, hindi talaga magkasundo ang dalawang 'to. Hindi pwedeng pagsamahin sa iisang lugar dahil sigurado na ang world war iii.
"Inaano kita?! Sabat ka ng sabat, ano ka? Pader ha?"
"Yah! Ang lakas ng bunganga mo, hindi mo ba alam pahinaan 'yan." Reklamo ni Vance.
Binatukan siya ni Trina. "Boses ko 'to, 'wag kang magreklamo. Kung gusto mo, sa barangay ka na lang magcomplain."
"Parang may speaker ang bunganga mo. Alam mo bang nakakasakit ka na ng eardrums?" Inis na sabi ni Vance.
"Ikaw nga, Vance ang pangalan mo, pang-sapatos, pero mukha kang kalyo sa paa, nagreklamo ba 'ko?"
"Foul 'yon ah." Sabi ni Xavier.
"Mukha ka raw kalyo sa paa, anong mararamdaman mo ro'n?" Natatawang sabi ni Hanna.
"Ang sakit mo namang magsalita!" Madramang sabi ni Vance at hinawakan pa ang dibdib niya na para bang tagos na tagos ang sinabi ni Trina.
Ikaw ba namang tawaging kalyo sa paa, sinong hindi masasaktan do'n? Mukhang paa, ayos pa.
"Mukha kang gago, tanga."
"Mas tanga ka."
"Manahimik na nga kayo," sabat ko, kanina pa sila nagbabangayan, hindi ba nagsasawa ang mga bunganga nila sa samut-saring rebat nila sa pakikipagbangayan?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
