Chapter 239

9 0 0
                                        

Book shelves

HEIRA'S POV

"You don't have to do—!"

"Ano 'yon?!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw ng may marinig kaming isang malakas na kalabog at sunod-sunod na pagkatok sa gate.

May nakita akong tumilapon na parang bato o papel sa may loob namin. Parehas kaming nagkatinginan ni Kio. Kumunot ang noo ko, ano nananaman ang putanginang 'to?

Agad kaming lumabas ng bahay dahil sa narinig namin. Lahat kami ay nagtataka kung ano nga ba 'yon. Ang weird lang dahil parang tunog rally ang kalabog na 'yon.  Parang maniningil ng utang na atat mabayaran kaya namumulabog ng mga pinautang niya, gano'n.

Sinubukan kaming pigilan ni Kio at Jaxon na lumabas. Sa loob na lang daw kami dahil baka raw may masama pang mangyari sa 'min. Ang OA nila, e sa loob din naman 'to ng bahay namin e. Sumunod kami sa kanila papunta sa bakuran, wala ng magawa si Kio kung hindi ang bumuntong hininga na lang dahil sa kakulitan namin.

Lahat kami ay napaatras ng may makita kaning tatlong papel sa loob, binuksan namin ang gate, wala kaming nakitang tao sa labas.

Napaupo na lang ako sa damuhan ng makitang isang kabaong maliit ang nasa harapan namin. King ina, bakit ganiyan?

Kahit ayaw ni papa ni Kio, pinilit niyang kuhanin 'yon at pinasok sa loob ng bakuran, sinara namin ng mabuti ang gate.

Pinaalam na rin namin ang nangyari sa security guard, kapag may nakita raw silang kahina-hinala, ipapalam nila agad sa 'min. Niyakap ko ang tuhod ko at tulala lang sa may harapan.

Niyakap ako ni mommy. Takot na takot ako, alam kong isa ito sa mga death threats na binibigay sa 'kin. Malapit ng dumilim, maggagabi na pero nasa labas pa rin kami.

Nang tumango si mommy kay daddy ay unti-unti nilang binuksan ang kabaong na 'yon. Pumikit ako, kinabahan ako kung ano ba ang nasa loob no'n. Baka naman isa bangkay na 'yon.

Napamura na lang sina daddy, sina mommy naman ay napahagulgol na, binuksan ko ang mata ko at sinubukang tignan kung ano ba ang nasa loob no'n. Napasinghap ako dahil sa nakita ko.

Isang manika ang nasa loob no'n na may hawak na kutsilyo. Duguan ang ulo, gulo-gulo ang buhok. Puro butas ang katawan at halos matanggal na ang mga braso niya.

Napalunok naman ako, ayaw kong nangyari sa 'kin na gawin nila 'yon sa 'kin, hindi ko nakikita ang sarili ko na nakakaranas ng kabrutalan. Tinakpan ni Kio ang mga mata ko ng mapansing nanginginig na ang mga kamay ko at konti na lang ay tutulo na ang luha ko.

Tinayo niya ako at pinasok sa loob, pinaupo na nila ako sa sofa, si Jaxon naman ay inabutan niya ako ng tubig, kinuha ko 'yon kahit na parang lahat ng kalamnan ko ay nanginginig na.

Uminom ako para maalis ang bara sa lalalamunan ko. Parang hindi ko ata kayang alisin sa utak ko ang nangyari... ang nakita ko. Ayaw ko na nito, gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to, ayoko na...

"Anak..." Garalgal ang boses ni mommy ng tawagin niya ako, inilagay ko ang ulo ko sa balikat niya at tumingin sa kawalan.

Nag-init ang gilid ng mata ko at malapit ng kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mahina lang ang umiiyak, luha ang nagpapahina, at hindi ako mahina, matapang akong babae. Alam kong malalampasan ko rin 'to.

Umupo si Jaxon sa tabi ko at bago ko pa marinig ang mga kalabog na gagawin ni daddy at papa ni Jaxon ay tinakpan niya na ang magkabila kong tenga, alam kong sisirain na nila ang kabaong na 'yon.

Pumikit na lang ako at pilit na inaalis sa ala-ala ko ang itsura ng manika noong nasa kabaong siya. Kahit kailan ayaw ko ng manika, mula pagkabata ko hindi na ako naglalaro ng gano'n dahil nakakatakot ang mga itsura nila. Mas nilalaro ko pa ang mga robot ni Kio dati.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now