Until I come back
HEIRA'S POV
"Stable na po ang kaniyang mga vitals, she needs to rest. Maybe... she's not physically drained... she's emotionally in pain. Talk to her and comfort her, Sir."
I opened my eyes slowly. My head is like spinning, my vision is blurry. Unang mulat ko pa lang sa mata ko ay tumama na sa akin ang liwanag ng ilaw na nasa kisame. Puno ng puting kulay sa paligid at napakatahimik. Nasa... nasa mga ulap na ba ako? Nasa lugar na ba ako kung saan wala na akong mararamdaman pang sakit? Sa lugar na puro saya lang ang matatagpuan ko? Sana nga... Nasaan na nga ba ako? Ang huli kong pagkakaaalala ay tuluyan na akong nawalan ng hininga noong nasa lawa ako.
Gusto kong ngumiti ngunit hindi ko magawa pa. Parang nahigop na ang lahat ng lakas ko kaninang nasa tubig ako. I wanted to cry again... what I have done? Alam kong kasalanan din ang pagkitil sa sariling buhay, hindi pa ako nakapagpaalam ng maayos sa pamilya ko, kapag ginawa ko iyon ay tiyak na pipigilan nila ako sa dapat kong gawin. Pumikit akong muli, kung nasa mga ulap na ako, bakit nakakaramdam pa rin ako ng lungkot at sakit sa katawan ko? Hindi ba dapat ay nakangiti na ako na parang isang masayahing binibini.
Buong akala ko ay naroon na nga ako sa lugar na iyon ngunit nang ibaba ko ang aking paningin sa aking gilid. Naroon ang iilang mga aparato na nakasaksak sa akin, nakapalibot na naman sa akin ang mga puting pader, hindi ako tanga para hindi ko malaman kung nasaan na nga ba ako ngayon. Tuluyan ng kumawala ang mga luha ko. Bakit pa nila ako niligtas? Talaga bang gustong gusto nila akong sinasaktan?
"Heira..." A voice landed on my ears. Hindi ko na siya nagawang lingunin pa. Napahikbi na lang ako, nasa hospital na naman ako, kakalabas ko lang dito noong nakaraang buwan at ngayon, muli akong nagbalik. Panibagong sakit, panibagong pagsubok na naman. "Heira... bakit mo ginawa 'yon?" Tanong sa akin ng isang lalaki, hindi ko alam kung sino ba siya pero alam kong kilala ko ang boses niya.
Bakit ko ginawa 'yon? Isa lang naman ang dahilan... pagod na ako. Pagod na akong mabuhay, pagod na akong umiyak, pagod na kong masaktan, pagod na akong umintindi, pagod na akong magsakripisyo... pagod na ako sa lahat. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga. Ayaw ko na rito, gusto ko na ring sumaya. Mas gugustuhin ko pa ang mawala kaysa sa magalit ako at magtanim ako ng sama ng loob sa mga taong malapit na sa akin. Siguro naman ay magiging masaya naman sila kapag nawala na ako?
Kasi... parang nakikita ko na ako 'yong problema kaya sila nagkakakagulo, ako 'yong nag-iisang salot sa kanila. Ako ang nagdadala ng malas. Akmang pupunasan ko ang aking mga luha ngunit hindi ko magalaw ang kamay ko ngayon, mayroon ding nakatakip na oxygen mask sa aking mukha. Kung kaya ko lang tanggalin ang lahat ng ito ay gagawin ko. Gamit ang buong lakas ko ay inalis ko ang oxygen mask saka ko nilingon ang lalaking nagsasalita sa may gilid ko.
Namilog ang aking mga mata nang makita ko kung sino siya. Sa lahat ng taong makakakita sa akin... bakit kaibigan pa ng Kuya ko? Sigurado akong sinabi niya na itong nangyari sa kanila. Kaya nga sa isang tagong lugar ako pumunta dahil ayaw kong may makakita sa akin ngunit siya... sinundan niya ba ako? Dahil ang imposible talagang may makakita sa akin doon sa lugar na iyon. Hindi kagaya ng mga ngiti niyang nakikita ko noon... ngayon, napakalamig ngunit may bakas ng pag-aalala ang kaniyang mukha.
Umupo ito sa isang monoblock sa gilid ko at hinawakan ang aking kamay. Nang ibaba ko roon ang aking paningin ay saka ko lang napagtanto na mayroong benda o sabihin na nating nakasemento ang aking kamay... ito ang braso na nagulungan ng tricycle kanina. Suot niya pa ang uniform niya. Wait, why is he here? Don't he have a class? College pa naman siya ngayon, hindi niya na lang sana ako dinala sa hospital, kahit sa clinic na lang ng university niya ako dalhin ay magiging ayos lang ako.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
