Hurt
HEIRA'S POV
"Hoy! Bakit kayo nagsosolo r'yan?"
Bahagya akong napatalon dahil sa gulat. Buti na lang at hindi ko nabitawan ang kutsarang hawak ko. Sabay kaming lumingon ni Kayden sa nagsalita. At syempre boses pa lang alam ko na kung sino 'yon. Ang batang hapon.
Kanina, sabi ni Kayden na 'friends' na nga raw kami. Ewan ko sa kaniya kung anong nalamon niya at naging mabait siya ngayon. Hindi niya 'ko sinungitan pero madalas niya 'kong barahin. Konti na nga lang mapapalatok ko na siya ng kutsara.
Nagkwento rin siya sa mga nangyayari sa kaniya. Sabi niya, may dalawa siyang kapatid. Parehas na babae, siya ang kuya kaya naman masyado raw siyang istrikto sa kanila. Sinabi niya rin sa 'kin na, hindi sila gang, pero parang gano'n na rin daw 'yon dahil nakikipagbakbakan sila sa 'gang' kuno.
Ako. Wala naman akong ibang sinabi sa kaniya dahil hindi pa 'ko kumportable na sabihin ang lahat. Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan... pero may trust issues pa kasi ako. Hindi ko pa kayang mag-open-up sa iba.
Hindi naman gaya ng ibang mga hudlong, sila nakakasama ko sa biruan. Siya hindi. Sila kaya kong asarin at pikunin, siya hindi. Parang may iba kasi sa kaniya kaya hindi ko magawa sa kaniya ang ginagawa ko sa iba.
Maliban sa kaya ko siyang sapakin.
Ikinuwento ko lang sa kaniya na kambal kami ni Kio. Sinabi ko sa kaniya kung saan ako nakatira kahit alam ko namang alam niya na. Sinabi ko rin na hindi ko kilala ang pamilya nina mommy at daddy.
Nakita ko pa nga ang pagdaan ng sakit sa mata niya ng sabihin kong kami lang nina mommy at daddy ang magkakakasama. Dahil siya... wala ng mga magulang. Wala na raw sila, nakatira lang daw sila sa bahay ng lola't lolo niya.
"Ji." Sabi ko na lang, umupo siya sa tabi.
Hawak niya ang tyan niya, hindi na ata siya makakilos ng maayos dahil sa kabusugan. Sumubo muna ako ng isa bago ibigay kay Kayden ang kutsara at plato. Nakakakalahati pa lang kami, salitan ang ginawa namin.
Hindi naman daw siya maarte, muntik pa nga akong mabulunan sa sinabi niyang...
"I'm not saliva conscious, besides, I've already tasted your saliva, I've already kissed you..
Oh, 'diba, sinong hindi mabibilaukan do'n? Kinakalimutan ko na nga ang mga 'yon tapos ibabalik niya pa. Kung hindi ba naman siya gago, hindi na nakamove on sa mga kagaguhan niya.
"Kaya pala wala ka sa lamesa kasi nandito ka!" May malisy ang tono niya.
"Wala nga kasi akong pupwestuhan, kita mo naman, hindi na nga kayo halos makagalaw."
Tumango siya. "Hehehe! Oo nga, lumipat na nga 'yung iba sa may countertop ng kusina, 'yung iba sa sahig na lang umupo."
Ay, kunwari lang pala ang paupo-upo effect nila kanina. Hindi ata nila nakayanan ang pagiging mukhang sardinas nila kanina.
"Why are you here?" Ayan na, nagsalita na si Kayden. "Tapos ka na kumain?"
"Ako ba ang tinatanong mo, Kayden?" Turo ni Kenji sa sarili niya, hindi sumagot si Kayden sa kaniya. "Oo! Ang sarap nung niluto nung Manang ni Elijah! Sana maulit!" Masayang sabi niya.
Nakatungkod ang isang kamay niya sa kahoy na sahig, medyo nakatihaya pa siya tapos nakahawak siya sa tyan niya. Umiling na lang ako bago ko binawi ang plato kay Kayden.
Abusado 'to ah. Hindi na binigay sa 'kin.
"Ubusin mo na lahay. I'm full." Aniya, nagsaya naman ang mga bituka ko.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
