Soup
HEIRA'S POV
"Get some garlic from the refrigerator."
Bumuga ako sa hangin bago ko kunin ang pinapakuha niya sa 'kin. Nasa kusina kaming pareho at sinusubukang magluto ng pwedeng kainin.
Parang siya ang chef ngayon at ako ang alalay este ang assistant niya. Taga kuha ng mga kailangan niya sa pagluluto. Seryoso pa naman siya sa paghihiwa e hotdog lang naman 'yung binabalatan niya.
Sinangag at hotdog with matching noodles ang almusal naming dalawa. Ayaw ko man siyang makasabay sa pagkain, wala naman akong magagawa dahil siya ang nagluluto ngayon.
Marunong naman ako, sabi ko nga ako na lang pero ayaw niya. Baka raw sunugin ko lang bahay. Ayan naman ang dagat oh, kaharapan lang namin.
Pinagbataan niya pa ako na iiwan niya raw ako rito kapag ginawa ko 'yon, ayaw ko namang maiwan mag-isa rito.
Magkukulong na lang ako maghapon at magdamag sa kwarto namin. Maglalaro ng flappy bird at kakain. Magdadala na lang ako ng chitchirya at isang pitsel ng tubig sa taas.
Alangang buong araw kaming nagtititigan nitong isang 'to. Alam niya naman pala na aalis ang mga hudlong dahil nagising siya kanina pero hindi siya sumama.
Kung ayaw niya palang sumama sa kanila edi sana, ako na lang ang ginising niya para ako na lang ang sumama. Damay-damay tuloy ang mga karma namin ngayon.
Isa pa si Kio. Hindi muna niya chineck kung kasama ba ako o hindi. Kapag nalaman 'to ni mommy sigurado akong mababanatan nananaman siya. Ahitin sana ni mommy ang kilay niya.
"Ang haba ng nguso mo r'yan." Sabi nitong kasama ko.
"Paki mo ba?"
"You look like a duck."
"Ano?!"
"I know you heard it. Hindi ka naman bingi." Dagdag niya pa tsaka niya ako kinindatan.
Aba naman talaga! Pinagtitripan talaga ako ng kulapo na 'to e. Gusto niya atang masampolan ng isang 360° sapak, 'yung tipong iikot ang ulo niya hanggang sa matauhan siya at tigilan niya na ako.
"Lagyan mo ng asin para may lasa."
"'Wag na." Sagot niya.
"Gago ka ba? Magsasangag ka tapos hindi mo lalagyan ng asin?"
"Makakain mo naman 'yan kahit walang asin."
"Anak ng..."
"Kidding. I know that salt is added, heat the rice first, don't be in a hurry. Gutom ka na ba talaga?"
"Pakyu!" Sagot ko sa kaniya, tumawa naman siya. "Ganito pala niluluto 'to..." Bulong ko sa sarili ko habang binabaligtad ang tocino, pinapakuluan muna namin saglit para lumambot.
Ang galing. Hinalo ko lang ng hinalo hanggang sa mawala na ang tubig. Sabi ni Kayden, lagyan ko raw ng konting mantika. Kaya ayun, nanonood siya ng mga nagluluto ng soup sa youtube. Isang soup lang naman ang alam ko... soupas. Okay sige, magluluto na lang talaga ako rito.
"Aaaah!" Sigaw ko nung biglang pumutok ang mantika mula sa tocino.
"...Waaaah! 'Wag kang tatalsik!" Sabi ko sa kawali, napunta na sa balat ko ang mantika. Mahapdi kaya 'yun.
"Ano ba! Stop shouting, I can't focus. Ang ingay." Reklamo niya.
Kinuha ko ang kamay niya at nilagay ang tyanse ro'n ng hindi ko siya tinitignan, sa kawali ako nakatingin, baka tumalon na lang bigla 'yun.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
