Belong
HEIRA'S POV
"Fuck. It's just a misunderstanding!"
Fuck nga. Ang galing mong magsumbong, hindi mo naman alam ang buong istorya. Para siyang natauhan sa mga sinabi namin ngayon ni Aiden. Napahimalos pa siya ng mukha niya. Mukha siyang miserable ngayon.
Hindi ko alam kung magiging masaya na ba 'ko dahil sa wakas, nalaman din nila ang totoo. Atleast, naipaliwanag
na namin ni Aiden ang side naming dalawa. Wala nang misunderstanding. Wala ng ibang iniisip. Naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko. Kung naipaliwanag ko na lang sana ng mas maaga, hindi hahantong ang lahat ng 'to, dito. Fuck ka talaga, Heira.
"What do you mean?" Takang tanong ni daddy.
"Hindi naman namin ginawa 'yung iniisip niyo. 'Yung nangyari sa canteen, may babae po akong nakabungguan, hindi ko naman po sinasadya 'yon dahil nagmamadali kami, 'ayun po, nagalit, si Aiden po 'yung pumagitna sa 'ming dalawa, baka raw po magkagulo pa." Mahabang paliwanag ko, pati pagpapaliwanag nakakapagod lalo na kapag ulit-ulit na lang talaga. Uminom ako ng tubig at huminga ng malalim. Napapagod na rin ako.
"Yes po, sir. Tama po siya. 'Yung mga sinabi nila na baka may nakakita sa 'min, totoo po 'yun dahil may mga tao sa canteen, malamang po, makikita nila kami. Makikita nila kami nakikipagsagutan sa nakabungguan niya, hindi dahil po sa may ginawa sa kaniya."
"Totoo ba 'yang sinasabi niyong dalawa, baka naman nagpapalusot lang kayo?"
"Daddy naman! Wala po ba talaga kayong tiwala sa 'kin?"
"Yes, sir. She's my friend and I respect her, she deserved to be respected. Tsaka hindi ko po type ang anak ninyo." Dagdag pa niya.
Hindi ko na napigilan ang kamay ko kaya naman dumapo 'yon sa batok niya. Ang galing talaga niyang magsalita ah. Parang kaibigan lang ang kinakausap niya. Sino bang nagsabing type niya 'ko? Kadiri naman 'tong hudlong na 'to.
"Good to hear that. Siguraduhin mo lang na wala kayong ginawa ng anak ko dahil kapag nagkataon, ipapakasal ko talaga kayong dalawa."
"Daddy!" Saway ko bago ako tumingin kay mommy. "Ma, patahimikin niyo nga po si daddy."
"Hon..."
"Okay, okay. I'm just joking. Don't be serious."
Wow naman, daddy. Tatay nga kita. Don't be serious daw pero kanina, kung nakapagseryoso siya, daig niya pa ang presidente ng bansa. Halos patayin niya na ako sa mga tingin niya. Para bang nagsasabi na, 'ano nananaman ang ginawa mo, gusto mo ba talagang mapalipad ng New York?'
'Yon kasi palagi ang pagbabanta ni daddy, sa tuwing may ginagawa akong kalokohan, sinasabi niya na ipapadala niya 'ko sa New York at titira ako ro'n ng mag-isa kapag hindi ako nagtino. Syempre sumusunod naman ako sa kaniya, ayaw ko ro'n 'no, baka malamon ko lang pati snow.
"Aiden... pasensya na talaga sa abala ah." Nahihiyang sabi ko at nagpeace sign, nadamay pa tuloy siya sa hindi namin pagkakaintindihan ng pamilya ko.
Ngumiti siya sa 'kin, isang malawak na ngiti. "Ayos lang 'yun, atleast nalinis natin ang pangalan mo. Damay kaya ako sa ginawa mo!"
"Aba, malay ko bang sasabat ka sa 'min nung babae na 'yon. Hindi naman kita inutusan."
"Oo nga, kaya nga nagsisisi na 'ko e. Dapat pala hindi na lang kita tinulungan na magbalik ng tray."
"Aba, aba. Malamang tutulungan mo 'ko, pinagkainan niyo 'yon e."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
