Chapter 240

10 0 0
                                        

End this

HEIRA'S POV

"Who the fuck are you, why are you following us?!"

Kahit ang puso ko biglang bumilis ang tibok dahil sa kaba. May kung anong bato ang bumabara sa lalamunan ko. Hindi ko na matago ang kaba ko ngayon pang nandito sa harapan ko ang lalaking palagi kong napapasin na sumusunod sa 'kin.

Hawak ni Kayden ang isang braso ay nasa balikat ng lalaki, ang isa naman ay nasa leeg niya dahilan para hindi siya makakapagpumiglas. Kapag ginawa niya 'yon, masasakal siya ni Kayden, unti-unting nawala ang kaba ko ng makitang masama ang titig sa 'kin, napalitan 'yon ng pagtataka.

Kung ako lang ang masusunod ngayon, baka pinaulanan ko na siya ng suntok, sapak, tuhod, at sipa ang mukha niya dahil sa galit ko. Alam kong siya 'yon, kahit na anong gawin niyang pagkakamisteryoso ay napapansin pa rin ang mga galaw niya.

Sa lahat ng mga look out, siya ang pinakatanga dahil hinayaan niyang mahuli siya ng mga taong sinusundan niya. Panay ang linga ko sa library dahil baka may makakita sa 'min.

Natatakot ako na baka kapag may sumita sa 'min ay makatakas nananaman ang lalaking 'to at patuloy siyang mangugulo sa pamuhay namin ng pamilya ko pati na rin ng mga hudlong.

Habang tinitignan ko siya ay bumuhos sa katawan ko ang galit sa kaniya. Kung pwede ko lang siyang gawing pira-piraso ay ginawa ko na pero hindi valid ang mga rason ko para gawin 'yon. Ang tanging gusto ko lang ay bumalik sa katahimikan ang buhay ko.

Inismiran ko siya at inambahang babatukan pero agad na umiling si Kayden, kaltok at batok lang naman ang ibibigay ko sa lalaki, bawal pa?

Nahiya naman 'yung mga makapanindig balahibong pagsunod niya sa 'kin. Nakakatakot 'yong bigla na lang siyang nawawala, nagiging black lady ang putspa. Kainis.

Hindi siya sumagot, hindi ko naman mabasa kung ano ang reaksyon ng mukha niya dahil may suot siyang facemask na kulay itim.

Lahat na ata itim ang suot niya. Itim na jacket, itim na facemask, itim na sapatos, itim na kilay, buhok ultimo suot na wireless headphones ay kulay itim din.

Lahat ay parang nanumbalik sa 'kin. Mula sa pagkakatanggap ko ng kulay itim na box na may lamang patay na uwak hanggang sa kabaong na may manika.

Lahat ng 'yon, hanggang ngayon ay nasa utak ko pa rin. Kung hindi ako nagkakamali, maaaring isa siya sa mga gumagawa no'n.

Hindi ko siya kilala, hindi ko kilala ang mga mata niya. Ako na mismo ang nagtanggal ng facemask siya, nung una ay nagpumiglas pa siya pero diniinan siya ni Kayden kaya wala na siyang nagawa.

Napaatras ako, bago sa paningin ko ang mukha niya pero bakit parang galit na galit na siya? Hindi naman kami magkakilala niyan.

Umayos ako ng tayo, panay ang pagpunas ko sa kamay ko sa may palda ko dahil sa pinapagpapawisan ang mga palad ko, ayaw ko lang ipahalata.

Dahan-dahan siyang ngumisi kaya naman parang mas nainis kami dahil sa ginawa niya. Nahuli na at lahat-lahat, nakuha pang ngumusi, creepy ang tangina.

"I'm asking you! Who the fuck are you, why are you following us?!" Pag-uulit ni Kayden sa tanong niya ng hindi sumagot 'yung lalaki sa kaniya.

Umiling lang siya at nag-iwas ng tingin. Wala siyang balak na sagutin ang kahit na anong itatanong namin sa kaniya. Sabagay, ano nga bang silbi niya sa grupo nila kung magsasalita siya?

Kita ko ang gigil ni Kayden, nagtiim bagang siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa lalaki, kulang na lang ay masasakal niya na ang lalaki, 'yon ang kinakatakutan ko dahil mapatay niya 'yon dahil sa galit siya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now