Daddy is back
HEIRA'S POV
'You have slain an enemy'
'Double kill'
'Triple kill'
'Maniac'
'Savage'
Nagising ako dahil sa lakas ng tunog no'n. Alam kong sa cellphone lang 'yon, kung sino man ang naglalaro ngayon, hindi mo ba alam na may natutulog dito? Gusto mong ma-triple uppercuts?
Nakakainis. Ilang minuto pa lang akong natutulog tapos nagising nananaman ako. Talaga bang ayaw niyo kong patulugin kahit ngayon man lang? Ayaw niyong ibalik ang energy ko kahit saglit man lang?
Kung wala lang pasok ngayon, sigurado akong hanggang mamaya ay natutulog ako. Kahit na anong gawin ko, bumabagsak ang talukap ng mga mata ko. Hindi ko na nga namamalayan na nakapikit na pala ako.
Kung hindi lang kami natatakot na tanungin kami ni mommy sa nangyari, hindi ako papasok ngayon e! Pwede naman sigurong mag-absent kahit isang beses lang? Hindi naman siguro ako babagsak dahil sa isang absent 'diba?
Hindi alam ni mommy ang nangyari kahapon. Wala pa siya nung dumating kami tapos hindi na rin kami lumabas ng kwarto para kumain. Ewan ko kung kumain pa si Kio ng hapunan, ako hindi na. Tuloy-tuloy na ang pagtulog ko.
Wala naman din kaming balak sabihin kay mommy ang pinasok naming gulo. Baka panibagong sermon nananaman ang makuha namin. Ayaw pa naman ni Kio ang nadadamay sa mga kalokohan ko.
Kahapon lang, parang gusto niya na 'kong bugahan ng apoy. Para siyang dragon tapos ako yung marshmallow na hawak niya tapos isang buga lang, sunog na 'ko. Pinigilan niya lang ang sarili niya na awayin ako dahil nando'n ang mga hudlong.
Mas lumakas ang tunog. Alam kong nasa tabi ko lang ang taong naglalaro no'n, kumikibot-kibot pa ang bewang niya na parang bulate. Nagising na ata talaga ang diwa ko sa lakas no'n. King ina, naglalaro na lang nang-iistorbo pa.
Inis akong nag-angat ng tingin sa lalaking naglalaro. At ayun! Si Kenji, aliw na aliw na pinaglalaruan ang cellphone niya, may nakasalpak pa na kutsara sa bibig niya. Hindi man lang niya 'ko tinitignan. Ako ata ang nakaistorbo sa paglalaro niya.
"Bakit nandito ka, Ji? Nasa'n si Nicholai?"
Napansin ko lang kasi na wala na pala ang taong nasa harapan ko kanina. Hindi ko man lang ata natapos ang kanta niya dahil nakatulog ako. Baka magalit 'yun dahil ako mismo ang nagpakanta sa kaniya tapos tinulugan ko siya.
"Nicholai? Sino 'yon, Yakie?" Tanong niya. Hindi pa man ako nakakasagot ay himirit na siya at sumigaw ng... "Yesssss!"
'Victory'
'Yan ang narinig ko. May pinindot-pindot pa siya bago niya patayin ang cellphone niya at tinago sa bulsa niya. Takot ata siyang kuhanin ko ulit ang cellphone niya. Bwahahaha!
"Yung si Nicholai. Yung lalaking may hawak na gitara tapos kumakanta kanina? Nasa'n na 'yun?"
Nagkibit balikat lang siya. "Ewan ko, ikaw lang mag-isa ang nakita ko rito nung pagkapunta ko." Aniya. "Yakie..." Nanghihinalang tawag niya.
"Bakit?"
"Sino 'yon? Boypren mo 'no?! Isusumbong kita kina Kayden!" Pagbabanta niya.
"Anong boypren pinagsasasabi mo r'yan?! Hindi ko 'yun jowa. Nakita ko lang siya kanina rito."
"Mabuti naman, gusto 'ko ako ang maging una mong boyprend." Taas noong sabi niya.
Binatukan ko nga siya. "Puro ka kalokohan."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
