Foundation day 1.0
HEIRA'S POV
"Uunahin daw muna 'yung mga sa Voice Of The night."
Nasa room kami ngayon at inaayos saglit ang mga gamit namin para mamaya tulog na agad ang gagawin namin. Wala naman kaming maraming dala pwera ang mga damit namin at 'yung mga pagkain na kakainin namin sa loob ng tatlong araw.
May kaniya-kaniya kaming mga sleeping bag, ayaw man nilang magtatabi-tabi ang mga babae at lalaki, hindi nagpahuli 'tong batang hapon na 'to, talagang tumabi siya sa 'kin, wala namang masama sa ginawa niya dahil sa tutuusin, tig-iisang sleeping bag ka, individual.
Kami na rin ang nagdala ng tatlong electric fan, nakakahiya naman kasi sa university na parang hindi naman kami belong dahil kahit na anong reklamo namin sa mga gamit na kailangan naming mga estudyante, hindi nila kami pinapansin. Ilang buwan na naming nireport ang tungkol sa nasirang electric fan pero wala man lang nangyari.
Kaya ngayon, eto. May dala rin kaming mga katol baka papakin kami ng mga lamok dito sa loob ng room, ang advicer namin ang magbabantay sa 'min pati na rin 'yung isa pang teacher, kung sino ang nagbantay sa 'min nung acquittance party, sila rin ang nagbabantay sa 'min ngayon.
Parang labag pa sa loob ng B.A.U. ang lagyan ng CCTV ang room namin para sa mga activities na ganito. Overnight kasi kaya kailangan kaming matutukan, baka kung anong mangyaring milagro kung walang mahigpit na pagbabantay. Ayaw din nilang maulit 'yung nangyari rati sa may acquittance party.
Baka kasi may kumalabog nananaman. Hindi ko na susundan 'yon kapag nakarinig nananaman ako ng gano'n. Ayaw ko namang makatulog ng wala sa oras dahil sa sapak ng mga estudyante sa 2nd, 21th, 22th Section. Sumasakit lang ang binti ko kakasipa, sayang lang ang energy ko kung wala namang kwenta ang dahilan nila kung bakit nila ginagawa 'yon.
Umupo ako at humikab, alas sais pa lang ng gabi pero inaantok na 'ko, dahil hindi rin siguro ako sanay na matulog sa hindi ko kwarto tapos sanay akong wala akong kasama sa pagtulog, bumabagsak ang mga talukap ng mata ko pero pinilit kong buksan ang mga 'yon, manonood pa 'ko sa mga gagawin ng mga hudlong.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text man sa 'kin si mommy pero wala naman. Mamaya ko na lang siya kukwentuhan sa mga mangyayari. Sayang naman kasi 'yung load na binigay niya sa 'kin kung hindi ko gagamitin.
Hinilot ko ang likod ko at bumuntong hininga na lang, alas syete pa lang naman mag-uumpisa ang program kaya naman sigurado akong mamaya pa rin kami makakakain. Pati nga kaldero at kawali nagdala na kami. Hiniram namin ang kalan nina Alexis at inilagay 'yon sa labas.
Natawa na lang ako kay Kenji ng lagyan niya 'yon ng kadena para raw hindi manakaw ng iba kapag natutulog kami. Inalis muna namin ang gas no'n tutal parang butane lang naman ang sinasalpak do'n para gumana. Iwas sabog, iwas sunog, iwas gulo ang mga hudlong.
Kinuha ni Eiya ang suklay tsaka niya sinuklayan si Elijah. Ngumiwi na lang ako, talagang napapangiwi na lang ako dahil pinapalibutan ako ng mga animal ang ibig kong sabihin, pinapalibutan ako ng mga matatamis. Kulang na lang papapakin sila ng mga langgam dahil sa kasweetan nila, nangunguna na si Kenji sa usapang kilig.
Si Hanna, pinupusan ang likod ng batang hapon, akala mo naman talaga pawis na pawis gaya ng mga basketball players e. Pulang-pula pa ang pisngi ng batang hapon at panay ang pagkawala ng impit na tili.
Inaayos naman ni Alzhane ang susuutin bukas ni Timber, galing pa raw kasi sa sampayan ang mga dalang damit ni Timber kaya hindi niya na 'yon natupi pa kaya ayan, si Alzhane ang taga-tupi niya. Nakangiti pa silang dalawa, halos mapunit na ang mga labi nila.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
