Chapter 203

5 1 0
                                        

Dinner

HEIRA'S POV

"Ako na lang kasi ang magmamaneho, Kio."

Nasa bahay na kami pauwi ng bahay namin. Kanina ko pa siya pinipilit na ako naman ang magdrive pauwi, matagal na rin akong hindi nakakapagdrive e. Huli kong pagmamaneho nung mga araw na kakauwi pa lang ni Kio.

Magmula kanina nasa locker pa lang kami pinipilit ko na siyang pahiramin ako ng susi niya hanggang sa parking lot pinipilit ko siya, kulang na lang maglupasay ako sa sahig para lang payagan niya ako pero wala rin, ayaw niya pa rin. Takot ata siyang maiwan ulit ang kaluluwa niya sa daan.

Ayaw niya akong pagmanehuhin kasi baka raw ibunggo ko pa raw ang kotse niya, ayaw niya raw magasgasan 'to. Kung ito lang ang kotse ni mommy pwede pa raw. Ang arte ng kumag na 'to, porke makintab ang kotse niya, ayaw niya ng ipahawak sa 'kin ang manibela niya.

Kanina pa ako nagmamaktol dito. Kahit na nasa byahe na kami pinipilit ko pa rin siya, malay ko ba kung magbago ang isip niya tapos ihinto niya ang sasakyan tapos iwanan niya ako sa gitna ng daan.

Ay mali.

malay ko ba kung magbago ang isip niya tapos ihinto niya ang sasakyan tapos palit kami ng pwesto, ako naman ang magiging driver niya. Pabago-bago pa naman ng desisyon ang kumag na 'to, basta inisin mo lang siya at i-black-mail susuko siya.

Wala namang ibang nangyari sa buong araw na klase namin. Puro sayaw, walang katapusang sayaw. Ilang araw na naming minemememorya ang mga steps pero hanggang ngayon nasa una pa lang kami. Ang hirap kayang sabayan nung tugtog no'n.

Kung pwede lang na manood na lang at sila na lang ang sumayaw, 'yon na lang ang gagawin ko. Buti pa sina Asher tsaka Trina, boses lang... lalamunan lang ang napapagod sa kanila. Hindi gaya namin na pati diwa pagod.

Isa pa 'yung nakita ko nananaman ulit ang Zoenrox na 'yon, akala ko sasabunutan niya nananaman ako e. Buti na lang hindi, hanggang pananaray na lang siya... hanggang pang-iirap na lang ang nagagawa niya.

Nagtataka nga ako kanina na hindi niya ako hinarangan o kaya sinabunutan at ginawan ng eksena e. Pero alam kong galit pa rin siya sa 'kin. Mas gusto ko pa rin na 'wag niya ng gawin ulit ang ginawa niya sa 'kin dahil baka... masira ko ang mukha niyang maganda.

Rinig ko pa rin ang mga bulungan ng mga bubuyog sa paligid pero hindi na singlakas ng dati. Si Zoenrox naman, hindi na kasama ang mga alipores ni Queen Bobowyowg, siya lang mag-isa ang pumasok sa canteen kanina.

Mukhang natakot na siya sa nangyari, hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos kong umalis sa canteen, baka napagsabihan siya ng kapatid ko. Mas mabuti naman 'yon, hindi uubra ang pagiging mataray niya sa 'kin.

Tapos nung nasa tambayan na kami at kumakain, sinubukan akong kausapin ni Kayden tungkol sa sayaw pero hindi naman ako sumagot sa kaniya, ang dami naming kasama sa sayaw bakit ako pa ang tinatanong niya?

Sinubukan niya rin akong aluin sa pamamagitan ng pagkain, bilhan niya ako nung mushroom chitcharon. Nakalimutan niya ata na allergic ako ro'n. Siraulo ata siya. Binigay ko na lang kay Kenji 'yon, masaya naman 'yung isa dahil nakalibre nananaman siya.

Hindi ako madadala ni Kulapo sa mga gano'ng galawan niya. Kung alam ko lang talaga, kapag nakipag-ayos ako sa kaniya siguradong ipapagawa niya na sa 'kin 'yung dare niyang maging alalay niya ako. Akala niya ba nakalimutan ko na 'yon, hindi pa.

Hindi niya ako malilinlang, hindi ako magpapakapagod para lang pagsilbihan ang kumag na 'yon. May paa naman siya, kaya niya naman sigurong gawin ang mga ipapagawa niya sa 'kin. Mukhang naiinis na siya dahil binabara ko siya minsan.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now