Chapter 234

5 0 0
                                        

Flowers

HEIRA'S POV

"‘Nak, baba ka na raw sabi nina daddy mo."

Kinuha ko ang unan ko at tinakpan ang tenga ko dahil sa paulit-ulit na tanong ni Aling Soling sa 'kin. Kanina pa siya katok ng katok pero hindi ko siya sinagot o pinagbuksan man lang. Ayaw ko nga e.

Tinatamad akong bumaba dahil makikita ko lang 'yung mga magulang ni Kio. At talagang pumunta pa sila rito, ang ibig sabihin no'n ay alam na nina mommy at daddy ang totoo. Iniisip ko pa lang na nasasaktan sila dahil sa nalaman nila parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto.

Bakit ba kasi dinala ni Kio ang mga 'yon dito? At anong sabi niya ro'n sa isa? Kuya? Kailan pa siya nagkaro'n ng kuya, e siya ang panganay? Wala, wala siyang kuya. At kung tama ang hinala ko, baka kapatid nung lalaking may malamig na tingin si Jaxon.

Kaya pala palagi siyang nandito dahil nandito ang kapatid niya. Sistereret pa ang tawag niya sa 'kin, ni hindi ko nga siya kamag-anak.

Kung kukunin nila si Kio, 'wag muna ngayon, ayaw kong makita ang buong bahay na tahimik dahil sa kulang ang pamilya namin. Ayokong makitang gano'n na lang kalungkot si mommy dahil wala ang panganay niya.

Mamaya na lang siguro ako kakain kapag wala na sila. Sanay naman akong kumain ng late dahil minsan, hating gabi na pero tumatayo pa rin ako para kumain. Nagliligalag ang mga bituka at dragona ko sa tyan kaya hindi ko na mapigilan.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Aling Soling, ang lakas no'n kaya abot sa loob ng kwarto ko, wala ni kahit na anong ingay kung hindi ang hangin na pumapasok sa may bintana ko. Hindi nakabukas ang electric fan at ang aircon. Hindi naman mainit at isa pa hindi pa ako matutulog.

Kanina pa ako nagbabasa pero wala ni isang salita ang pumapasok sa utak ko. Palaging may kumakatok sa pintuan ko, hindi pa nga ako nakakatapos ng isang stanza ay mero'n nananaman kaya wala akong naintindihan kung hindi ang pamagat lang, nakakaasar. Kumain na nga kasi ako e.

Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na magsuot ng pantulog at magjacket. Kung nang-aaya sila kumain, sigurado akong wala sila sa sala, nasa kusina o kaya naman nasa dining room sila. Pwede akong tumakas para makapunta sa isang convenience store para ro'n na lang kumain, ayos na isang hotdog at soft drinks.

Kinuha ko ang cellphone at wallet ko para naman kung sakaling hanapin nila ako pwede nila akong tawagan na lang muna, sasagot naman ako kaya 'wag silang mag-alala. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at luminga-linga sa paligid, baka nando'n pa si Aling Soling e.

Nang wala akong makitang tao ay bumaba ako sa hagdan, pinatahimik ko ang bawat hakbang ko sa abot ng makakakaya ko, ayaw kong makagawa ng ingay, baka mapansin nila ako. Napapikit ako ng mariin ng marinig ang boses nila, ang seseryoso nilang lahat, kulang na lang ata pulis para mapagkamalan kong isa 'tong interview.

Yumuko at mabilis na nilagpasan ang sala pwede kasi nila akong makita lalo na ngayong nakabukas ang pinto ng dining room namin. Mula akong sumulyap sa sofa, nagulat ako ng makitang nandoon pala si Jaxon at nagbabasa ng dyaryo. Mukhang hindi niya naman ako napansin kaya naman dali-dali akong lumabas ng bahay.

Bago pa niya maibaba ang dyaryo niya ay nakatakbo na ako sa parking lot ng bahay namin, asungot 'yung mga sasakyan nina mommy, daddy at ni Kio. Nag-iisang bike lang 'yung sa 'kin, nakatayo at nakaparada sa pagitan nung tatlong sasakyan.

Parang magnanakaw ako rito na natatakot na baka mahuli ako ng mga may-ari ng bahay na pinagnanakawan ko. Anongmagagawa ko? Ayaw ko namang sumali sa seryosong usapan nung mga magpa-pamilya, siguro nga ayaw ding sumali si Jaxon sa kanila kaya naiwan siya sa sala. Ayaw niya ng seryoso dahil aning na siya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon