Chapter 245

5 0 0
                                        

Anger

HEIRA'S POV

"Ji, ayos ka lang ba r'yan? Hindi ka naman ba nanghihina?"

That is my question everytime I am glancing at him. Pakiramdam ko kasi ay mayroon siyang iniindang sakit pero ayaw niya lang magsabi sa akin. Namumutla siya, I don't know if that was physical pain or emotionally or mentally! I don't even know what is going on him! Palagi siyang nakayuko at pinapabigat ang kaniyang katawan sa mga tali. Sa tingin ba niya ay mapipigtas niya 'yon?

I need to think of something that can help us to get the hell out of here! Hindi normal ang pagpapakain sa amin. Isang beses sa isang araw lang nila kami pakainin. I smiled bitterly, kung hindi lang siguro ako pumayag sa alok ni Maurence sa akin ay baka wala kami ngayon. But, enough of what ifs. Hindi ko na rin naman maibabalik ang oras kapag sinisi ko ang sarili ko, walang may gusto rito.

Ang tanging pinagsisisihan ko lang ay bakit nasali pa si Kenji rito sa paghihirap ko? Pwede namang ako na lang! Pwede namang kahit ako na lang ang pahirapan nila ng ganito, huwag lang ang batang 'to. Ni wala nga siyang alam sa kaguluhang kinahaharapan namin ngayon. All he know is we're trap... by that bastard.

He smiled at me and nodded. Alam kong napapagod na rin siya sa paglipas ng mga oras. Kita ko naman iyon sa mga mata niya. We were eating and sleeping while we were standing. Iyon pa lang ay napakalaking paghihirap na iyon sa kaniya. I wanted to hold his hand and pull him out of this situation but how can I do that?! Paano ko iyon magagawa, kung ako mismo ay hindi makawala?

"Nilalagnat ka ba? May masakit ba sa 'yo o gutom ka na?" Tanong ko sa kaniya. Gabi na rin at ang huling kain niya ay kaninang alas onse ng umaga, ako ay... wala pa ring kain magmula kanina. Kahapon, pinakain nila ako ng isang mangkok na kanin na mayroong ulam, wala pang lasa.

"Hindi..." He shooked his head. "Bakit ba palagi mo na lang ako tinanong ng ganiyan, Yakie?" Ngumuso siya. "Samantalang ang sarili mo ay hindi mo tinatanong." Katwiran pa niya. Natawa naman ako ng bahagya.

"Kapag tinanong ko ang sarili ko at sinagot ko siya... e 'di nagmukha akong baliw no'n! Siraulo, mag-isip ka nga!" Sagot ko sa kaniya. Funny, we still giving jokes each other even though we are on the middle of hardship.

"'Yung mga bituka mo niyan nag-aaway na... bahala ka, kapag niyan nakawala tayo rito... pati plato kakainin mo." Pananakot niya. Ngayon ay muli kong nakita ang isang masiglang Kenji... ang dating Kenji.

"Isama mo na rin pati ang ref! Nahiya ka pa e. Gusto mo pati na rin ang mga kaldero ni Mama ay isama mo na." I said sarcastically. Bumelat siya sa akin, pinanliitan ko naman siya ng mata. Anak ng tinapa, talatang nagagawa niya pa akong asarin.

Ito lang ang libangan naming dalawa. Sa tuwing hindi kami tulog ay kinakausap namin ang isa't isa. Kapag tulog siya ay binabantayan ko siya dahil baka kunin na lang siya bigla at ilayo sa akin. Mas gusto ko pa 'yung parehas kaming nakagapos basta ba magkasama kaming dalawa hindi ang... malayo siya at itatago siya sa isang lugar na hindi namin makikita. Hindi ko kakayanin kapag mayroong nangyaring hindi maganda sa kaniya.
This men in black... they have an ugly playlist. Puro rock tapos magiging classic, puro kalabog lang ng speaker lang ang naririnig ko. Pero nakikijamming na lang ako para hindi ako dalawin ng antok ko.

"Sa tingin mo ba... makakatakas pa tayo rito?" I asked him. Ewan ko pero iyon na lang ang lumabas sa aking bibig.

Kanina pa kasi tahimik ang nasa pagitan naming dalawa. Mukhang malalim ang iniisip niya. Hindi ko na lang ginawang bulong dahil wala namang nagbabantay sa amin ngayon,  they left us hanging. Sa tingin ko ay kakain muna sila ngayon. Nasa amin pa rin ang spotlight. Parang mga itlog kaminga pinapainitan hanggang sa maging sisiw kami. Natawa naman ako, kapag naging sisiw kami... parang pwede na kaming maging panabong agad. Napalingon naman si Kenji sa akin.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now