Magpalit
HEIRA'S POV
"Team A, ten points. Team B, five points." Anunsyo ng scorer sa 'min.
Napangisi na lang ako. Kami ang team A, sila ang Team B. Hatang hirap na hirap sila sa paglalaro e. Nagrereklamo pa nga sila kasi mas sanay daw sila sa pagbabasketball. Dapat 'yon na lang daw ang nilaro namin. Minsan lutang din sila. Dagat 'to tapos magbabasketball sila?
Nalipad na ba ang mga utak niyo?
Dapat nga magpapapalit-palit kami ng pwesto kada tira pero hindi gano'n ang ginawa ko. Lagi akong nasa likod, hindi ko sila pinapansin kapag pinapasulong nila ako. Ayaw ko kayang magserve o kaya mag-smash, ang sakit sa kamay no'n.
Hinayaan na lang nila ako. Nakakasundo ko sila sa oras na gano'n, kunwari mag-uusap kami pero 'yong totoo, pinapalipat ko lang sila ng pwesto. Bakit daw ayaw kong umalis, kasi mahal ko ang pwesto ko, sagot ko na lang sa kanila.
Ilang beses na nga kaming natumba kakahabol sa bola. Para kaming mga pastillas na gumugulong sa asukal. Dahil basa kami, dumikit na sa 'min ang buhangin. Buti na lang hindi sa mukha. Ang saya ng larong 'to, hindi natatapos ang isang puntos ng hindi kami humahagalpak ng tawa.
Si Kenji kasi, hindi na madala ang bola. Kapag natitira niya ang bola, imbis na sa harap dumako, sa gilid o kaya naman sa dagat ang diretso no'n. Akala nga namin duling na siya e. 'Yon pala, mas mabigat pa 'yong bola kaysa sa mga kamay niya, takot daw siyang mapulan ng kamay.
"Chadley sa harap!" Sigaw ni Jharylle, kanina pa siya sigaw ng sigaw. Mapapaos 'to mamaya, 'yon ang sigurado ako. Lumalabas na nga ang mga ugat ng noo niya dahil sa stress sa mga kakampi, tinatawanan lang nila siya.
Natira niya ang bola kaya naman lumipat sa gawi namin ang bola. Tumalbog 'yon sa kamay ni Trina at naipasa kay Eiya, medyo napalakas 'yon kaya naman napalapit 'yon sa 'kin. Nilagay ko ang buong pwersa ko para maibalik sa harapan ang bola. Nalipad 'yon sa gawi ng kalaban, agad nilang nasangga 'yon at sinubukang itira sa 'min pabalik pero wala pang tatlong pulgada ang layo ng bola sa net na-smash na ni Shikainah.
Hindi nila napansin 'yon kaya huli na ng makita nila, dumapa si Lucas sa buhangin at sinubukang isalba ang bola. Natira niya ng kaso sobrang baba naman, napunta lang 'yon sa tubig. Dismayado tuloy sila. Sa 'min ang puntos.
Nag-appear-an kami at tinawanan ang mga hudlong na kalaban namin. Nakasimangot tuloy sila at napapakamot ulo na lang. Binelatan pa ni Kenji si Mavi. Kanina pa nagtutunggali ang mga 'to.
"Supot!" Pikon na sabi ni Mavi.
"Kinulang sa gloxy! Bansot!" Ganti naman nitong isa.
"Humanda ka sa 'kin, Kenji! Gagantihan kita!"
"Yakie oh," parang batang nagsusumbong sa 'kin si Kenji.
"What's the score?" Hinihingal na tanong ni Kayden.
Siya kasi ang palaging gumagalaw sa kanila. Panay ang pagtakbo niya lalo na kapag nakikita niyang alanganin ang tira ng kakampi niya sa bola. Talagang nanghahamon siya e. Palagi niya pang nakakabungguan si Chadley.
Problema nito?
"Team A, eleven points. Team B, five points." Sagot ni Ate Myrhia.
Siya 'yong hinila nila para magpuntos sa 'min. Naawa tuloy ako sa kaniya dahil kanina pa siya nakatayo at pabalik-balik ang tingin sa 'ming lahat. Mukhang bukal naman sa puso niya ang ginagawa niya. Turistang dayuhan daw siya rito. Nandito siya para magbakasyon, hindi para maging taga-puntos namin.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Ficção AdolescentePaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
