Death threats
HEIRA'S POV
"Look at them. May mga nakukuha ka na ngang mga death threats pero lumalabas ka pa rin! Gusto mo ba talagang mapahamak ha?!"
Yumuko ako, mga pictures 'yon... picture ko. King ina...
"Aaaah!"
Napaupo na lang ako sa sahig ng damputin ko ang mga pictures ko na siyang binato ni Kio sa mukha ko. Sobra na 'to. Hindi ko na kaya ang ganito. Nakakatakot, nakakatangina.
Nanginig ang mga kamay ko ng makitang mga pictures ko ang mga 'yon. Mula bata ako, noong mga lumalaki na ako, noong nasa hospital ako at 'yung naka-uniform ako ngayong nasa Brently Autria University na ako.
Kahit na nanginginig ang mga kamay ko ay pinulot ko ulit ang mga 'yon, nakaupo pa rin ako sa sahig, nanlalambot ang mga tuhod ko. Lalapit na sana sa 'kin ang mga taong nasa harapan ko pero sinenyasan ko na lang sila na 'wag na akong pakialaman.
Ang mga litrato na 'yon ay parang may bakas ng dugo. 'Yung isa ay butas-butas pa na parang ilang beses na hinagisan ng darts, halos hindi ko na makita ang mukha ko dahil do'n. May mga bakas ng fingerprints na kulay pula na para bang mga kamay ko ang mga 'yon.
Nanginginig ang mga labi ko. Dumadaloy ang kaba sa katawan ko na parang wala na 'tong katapusan ngayon. Nag-angat ako ng tingin, lahat sila ay nanginginig na rin ang mga kamay, baka nakita na rin nila ang mga pictures na 'to.
Iniwas ko ang tingin ko ng magtama ang mga mata namin ni Jaxon na ngayon ay sobrang dilim ng aura at kuyom na kuyom ang mga palad.
Naka-frog-sit ako sa harapan nila, parang nakaluhod. Kinuyom ko ang isang palad ko na nakapatong sa tuhod ko ng makita ang susunod na litrato. Si Kenji at ako, 'yon 'yung mga panahon na nasa gymnasium na kami.
Nakapasan siya sa 'kin. Parehas kaming nakatawa. Maraming nga kamay na nakapanpan pero sa 'min nakafocus ang camera na ginamit. Ngayon, alam ko na sa sarili kong nasa loob lang ng university ang look out ng mga nagbabanta sa buhay ko.
May pa-X na nakasulat sa litrato, kulay dugo rin 'yo, parang nilamutak pa nila ang litrato na 'yon dahil bakas ang mga guhit na pinagbakasan ng lukot. 'Wag na 'wag nilang idadamay dito si Kenji dahil oras na masaktan siya hindi ko na alam ang pwede kong gawin sa kanila.
Ang sunod na litrato naman ay 'yung picture ko noong bata ako. Mga nasa anim na taong gulang ako no'n. Ginuhitan nila 'yon na parang isa akong demonyo. May sungay pa ako at buntot. Sino naman kaya ang gagong gagawa nito?
Sinong dalawa sa 'min ang may demonyo kung ganitong nagpapadala siya ng mga pananakot sa mga walang laban sa kaniya? Tanga ba siya?
Ang sunod naman ay halos mapunit ko ang hawak kong picture. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingala para mapigilan ang mga luhang nagbabadyang bumababa sa mga pisngi ko. Suminghap ako at napagtagumpayan ko naman na pigilan ang mga 'yon.
Ako 'yon at si Eiya. Mga nasa grade 7 ata kami no'n, hindi ko na maalala dahil sa hindi ko na 'yon maaninag sa utak ko. Punyeta naman, ang tagal na ng mga pictures na 'to, ni hindi ko nga alam kung saan at kung kailan at kung sino ang nagpicture nito.
Si Eiya, may butas ang bandang puso niya at parang nilagyan pa ng dugo 'yon. Ako naman at binutas nila ang bandang ulo ko. Head shot kung baga ang ginawa nila. Pinigilan ko ang sarili kong humikbi.
Bakit kailangan pa nilang idamay ang mga kaibigan ko? Ako lang naman ang gusto nilang kunin at patayin, bakit kailangan pang isama ang dalawang taong sobrang malapit na sa 'kin?
Para ano? Para gawing pain? Para gawing panlaban sa 'kin dahil sila ang mga kahinaan ko? E gago pala sila. Hindi naman ganito ang totoong labas. Madaya silang lahat. Ang sama-sama nila para gawin nila ito.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
