Katauhan
HEIRA'S POV
"Oh, ano? Parang buong linggo kang pagod ah."
Lunes nananaman kaya wala akong ibang ginawa kundi ang mag-ayos at gawin ang mga nakasanayan bago pumasok. Buti na lang at wala kaming masyadong naging mga assignments dahil baka hindi ko matapos ang mga 'yon. Sa dami ba naming ginawa sa loob ng dalawang araw, sinong magagawa pang mag-isip para sa pagsagot?
Late na kaming naka-uwi kahapon dahil nakipagkwentuhan pa sina daddy at mommy kina Tiya Solana. Hindi naman 'yon related sa 'min o sa anak niya. Narinig ko ay 'yung pamumuhay nila araw-araw. Usapang matatanda kaya hindi na kami nakisali pa.
Natatawa pa rin ako hanggang ngayon kapag naaalala ko ang nangyari kahapon. Parang hindi ako sanay na makita si Kio na gano'n ang itsura niya. Parang natatae na ewan. Pinilit pang maging seryoso pero hindi nakayanan dahil sa pang-aasar ko. Daming alam e, kunwari angel sa iba.
-FLASHBACK-
"Hi, Tiana!" Masiglang bati ko tsaka ko siniko si Kio. Bwahahaha! Gantihan lang 'to.
"Hello."
"Kio... may gusto kang sabihin sa kaniya?" Pang-aasar ko, sinamaan niya 'ko ng tingin. Hindi niya 'ko masungitan dahil nandito si Tiana.
"May gusto kang sabihin sa 'kin? Ano 'yon?" Nakangiting tanong ni Tiana.
"Ah... for you."
Nagulat ako ng iabot niya ang mga pinamili namin. Shemay! Sabi na e! Pasimple ka pang kumag ka ah. Pinagod niya pa 'ko kanina kakadala nitong mga damit na 'to, kay Tiana rin pala ang bagsak. Para-paraan din ah. Silent but deadly.
"Huh?" Takang tanong ni Tiana habang nakatingin sa mga paper bag na inaabot ni Kio.
"I said... this is for you."
Nauutal siya sa pag-sasalita. Mahinahon niya ring sinabi 'yon, kung sa 'kin niya siguro gawin 'yon baka sigawan niya pa 'ko. Himala nga na inulit niya ang sinasabi niya ng hindi nagtotonong naiinis.
Dahan-dahan namang kinuha ng babae 'yon. Mukhang nahihiya pang kuhanin 'yon, nakita niya ata na nangangawit na 'tong magaling kong kapatid kaya naman kinuha niya na 'yon. Matamis siyang ngumiti sa 'min at tumango.
"Salamat..."
"You're beautiful... I mean, you're welcome."
Siniko ko si Kio. "Hoy, bakit ka nauutal?" Natatawang bulong ko.
Pasimple niyang sinapak ang tagiliran ko. "Shut the fuck up."
Lumayo ako ng konti sa kaniya, baka kasi sa mukha na lumanding ang kamao niya sa susunod. Ang pangit pala niyang biruin kapag kinikilig, bigla na lang nananapak. Hindi talaga nakakabuti ang pag-ibig.
You're beautiful pala ah...
"Anak, dalhin mo muna sila sa kwarto mo para naman makapag-usap pa kayong tatlo, isama mo na rin si Rolen." Sabi ni Tiya Solana.
Tiya ang tawag ko sa kaniya dahil 'yon ang gusto ni Aling Soling na itawag ko sa kaniya. Mukhang wala namang kaso sa kaniya ang pagtawag ko ng gano'n kaya naman 'yon na lang ang ginagamit ko, tutal hindi ko naman din alam kung paano ko siya papangalanan.
"Ano? Tara na?" Nakangiting sabi naman ni Tiana at inilahad ang isang kamay. Yung isang kamay kasi niya ay hawak-hawak 'yung binigay ni Kio.
Akmang hahawakan ko na 'yon ng unahan ako ni Kio. Psh, epal naman 'to. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Tiana dahil sa ginawa ng kapatid ko. Kahit naman ako ay magugulat kung ibang tao ang inaalok ko tapos may isang assumero ang kukuha no'n.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
