Teach me how to doggie
HEIRA'S POV
"Picha pie ka pala ah!"
Inis kong tinampal ang kamay niyang nasa leeg ko. Ang bigat kaya niya kahit na payat pa siya. Pwede naman siyang tumayo sa may upuan kung hindi niya nakita, hindi niya na kailangan pang pumasan sa 'kin.
"Ano ba! Bumaba ka nga r'yan!" Sabi ko sa kaniya, pilit kong kinakawag ang likod ko para pababain siya pero humigpit lang ang ang hawak niya sa leeg ko.
"Ayoko, Yakie! May kasalanan ka pa rin sa 'kin. Hindi pa rin kita mapapatawad!" Sabi niya sa 'kin, rinig ko ang panguso niya.
Kapatid siguro nito si Donald duck kaya panay ang pagnguso niya. Humawak ako sa braso ni Alexis dahil muntikan na akong matumba. Ang ingay na nga sa paligid tapos sasali pa ang batang hapon na 'to.
"Baba ka nga, Ji! Ano bang kasalanan ko sayo ha?!" Tanong ko sa kaniya.
"Ikaw ha. Sabi natin sa kasunduan natin, bawal ka pang magboyfriend." Sabi niya sa 'kin.
"Oo nga. Wala naman akong boyfriend ah! Wala akong balak kaya pwede ba bumaba ka na lang o ibabalibag kita?" Pagbabanta ko sa kaniya pero parang wala man lang siyang narinig.
"Si Asher! Hindi mo boyfriend si Asher?" Tanong niya sa 'kin.
"Hindi ko boyfriend ang hudlong na 'yun! Kaibigan ko siya." Sagot ko sa kaniya, sabunutan ko na lang kaya siya para bumaba na siya?
"E bakit nagmimilagro kayong dalawa sa may banyo kanina? Sinungaling ka, Yakie! Hindi kita bati." Pinitik niya pa ang tenga ko.
♫♪'Cause now, I love picha pie, yeah
As long as I eat picha pie, I know I'll be alive... I want all my garlic beef
Pepperoni, double cheese
Ang picha pie... Ang picha pie, penge.. ♫♪
Ano raw?
"Anong sinasabi mo r'yan? Dalian mo, nahihirapan na 'ko rito. Kapag bumigay ang paa ko, parehas tayong babagsak sa sahig!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"Wala akong pakialam!" Pagmamatigas niya. "Buti na lang tinawag ko si Kayden kanina, kung hindi baka nakagawa na kayo. Eeeeikkkk! Ayaw ko pang magkaroon ng pamangkin. Gusto ko, ako muna ang baby mo!" Sabi niya tsaka sumimangot.
"Baby damulag, loko! Tsaka anong iniisip mo niyan? Wala namang kaming ginagawang masama ni Asher. Malikot lang talaga ang utak mo." Tugon ko sa kaniya.
Bumuga ako sa hangin. Hinawakan ko ang dalawang binti niya atsaka tumalon ng bahagya para ayusin ang pwesto niya. Grabe naman, ngayon ko nararamdaman kung saan nilalagay ng hapon na 'to ang mga kinakain niya.
Tumingin ulit ako sa harapan. Seryoso ang mga mukha nila lalo na 'yung songerist nila. Hindi maipinta ang mukha niya. Sinundan ko ang tingin niya, ro'n ko napagtantong nakatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso ni Alexis.
Binitawan ko agad 'yon pero muntikan akong natumba kaya naman inalalayan ako ni Alexis. Tinawanan niya pa ako. Tumayo ako ng maayos at humawak kay Eiya. Demonyo naman kasi ang batang 'to. Sagabal!
Humagikgik si Kenji. "Walang ginagawang masama pero magkasama sa loob ng banyo. Wala! Wala! Bahala ka, Yakie. Hindi tayo bati!"
"Edi don't." Inirapan ko siya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
