Chapter 232

5 0 0
                                        

Death is near

HEIRA'S POV

"May kilala ka bang DomTak?"

Umiling agad ako ng marinig ko ang tanong ni Asher sa 'kin. Halos lahat sila nakapalibot sa 'kin, nakapinakagitna ako ng room, nasa gilid lahat ng upuan, isa akong tuldok na nasa gitna ng isang kwarto. Tinignan nila akong lahat.

Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay. Nanginginig kasi ang mga 'yon, ang sakit din ng likod ko dahil humapas 'yon sa mga lockers kanina nung bumagsak ako dahil sa gulat ko.

Pero kahit na nararamdaman ko ang sakit na 'yon ay hindi ko iniintindi 'yon, dahil mas mero'n pa akong dapat na isipin ngayon.

Kung sino ba 'yung DomTak na 'yon, kung bakit niya inilagay 'yon sa locker ko, kung pa'no niya naisapasok at nailagay sa loob ng locker ko ang box na 'yon at kung bakit niya ako pinalhan ng ganoong klase ng regalo.

Hindi kasi 'yon 'yung tipikal na regalo lang. Sa box at design pa lang no'n ay nakakatakot na. Parang pampatay 'yon, kaya pala napakabaho ng paligid dahil doon.

Mero'ng nakalagay na patay na itim na uwak sa loob no'n at puno 'yon ng dugo, gilit ang leeg at kulang-kulang na ang mga balahibo no'n.

Ewan ko pero bigla akong nanlumo dahil sa itsura ng uwak na 'yon. Mero'n pang mga ipis at uod sa loob no'n, halos lahat ng mga nandoon ay napatakbo na lang dahil sa nakita nila. Parang nakahagilap kami ng isang delubyo dahil lang sa box na 'yon.

Halos hindi na nga ako makatayo kanina dahil sa kaba ko, pinagsisipa ko ang box na 'yon papalayo sa harapan ko.

Buti na lang agad akong tinulungan ni Adriel na tumayo, kinuha niya ang note atsaka inilagay sa isang platic ang box na 'yon, inapon niya sa isang basurahan sa labas.

Inabutan ako ng tubig ni Eiya at hinagod ang likod ko. Nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko alam ang gagawin ko dahil ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng ganitong klase ng regalo.

Ang galing, napakagaling lang dahil ang unique ng ginawa nila. Kung sino ka man, ang talino mo.

Si Kayden ang nasa harapan ko, hawak ang note na binigay namin sa kaniya. Wala pa ang kapatid ko, sa pagkakaalam ko ay kasama niya ang dalawang tukmol na kaibigan niya.

Hindi ko na siya hinanap para lang dito. Mahal ko ang buhay ko pero hindi ko pa rin maiwasang mabahala na baka madamay pa ang kapatid ko.

Sino naman kaya si DomTak? Sa lahat ng mga nakaaway ko, hindi ko alam kung sino sa kanila 'yon.

Hindi ko naman memoryado ang mga pangalan nila, wala rin naman akong balak na memoryahin pa ang mga pangalan nila.

Parang pamilyar ang pangalan na 'yan sa 'kin pero hindi ko lang talaga masabi kung sino ba talaga ang nasa isip ko.

Basta ang kaisa-isang tumatatak sa 'kin ay 'yung nakaaway at nakaingkwentro ko lang siya sa Sta. Luiciana. Bumuga ako sa hangin, isa pa lang naman 'to.

Pa'no kung nasundan pa ang mga 'yon gaya ng mga warning na binibigay nung boss kuno nung mga lalaking palaging nakasuot ng jacket na may initial na D.

Pwedeng iisa lang ang lalaking 'yon, pwede rin naman magkaiba silang tao. Naguguluhan na ako lalo na ngayon pang may kinalaman ang locker ko sa nangyari.

Inayos ko ang upo ko at bumuga sa hangin. Kanina pa bagsak ang balikat ko habang nakatingin sa mga klase kong naghihintay ng sagot sa mga katanungan nila.

Ako lang naman ang may hawak ng susi ng locker ko, paano nila nabuksan 'yon at nailagay ang bagay na 'yon?

"Wala akong kakilalang ganiyan ang pangalan, Kayden." Sagot ko sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now