Chapter 184

5 2 0
                                        

Back to Manila

HEIRA'S POV

"You can sleep first while we're on our way back home."

Nakasakay na kami sa van ngayon, hindi na kami masyadong masikip dahil wala na rin naman kaming nga dalang iba kundi ang mga bag namin na may lamang mga damit.

Inubos na kasi namin ang mga nakabukas na mga chitchirya kagabi. Ilang piraso na lang ang natira ngayon, dinala namin syempre para may kainin kami habang nasa byahe.

Imposible namang mangyari 'yon dahil lahat kami mga puyat, bangag at lutang. Gaya kasi ng sinabi nila sa 'min kagabi. Mag-a-alas tres na lang kami sumaka kagabi. Uminom pa kasi sila.

Pati tuloy ako medyo nalasing. Ang sakit tuloy ng ulo ko ngayon. Buti na lang at nailigpit muna namin ang mga pinagkalatan namin bago kami na-knocked-out. Jusme.

Kulang pa ang tulog naming lahat. Alas tres kaming natulog tapos alas sais ang gising namin. Wala na nga kaming halos ganang kumain kanina, maaga kaming aalis para maaga rin kaming makarating.

Sabagay, dadagdag pa kasi sa sakit ng ulo ang traffic kung magpapahapon pa kami. Wala na rin naman kaming balak gawin ngayong araw, ubos na ang energy namin sa paglangoy kagabi.

Naglaro pa nga kami ng taya-tayaan habang nasa tubig. Syempre hindi kami makakatakbo no'n. Tawa kami ng tawa kapag may bigla na lang may lumubog dahil nadadapa sila.

Hinila ako ni Kayden sa pinakalikod kung saan pwedeng sumakay ang limang tao. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito e kasya naman kami ro'n sa pandalawahang upuan.

Natigil ang pagmumuni-muni ko dahil tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko ng makitang nagtext si Adriel. Kung may sasabihin siya, pwede niya namang sabihin ngayon 'yon, magsasayang pa ng balance e.

'Adi sent a video.'

Sumalubong ang kilay ko dahil do'n. Pinindot ko ang video, nung una ayaw ko pa e. Baka kasi ibang video 'yon gaya nung video na ipindot ni Aiden dati.

"...Ang kapatid ni Dora! Iyong mapa! Kidnappin niyo siya dahil nasa kaniya ang direksyon papunta sa ating paroroonan! Sigaw ang makakatulong sa 'tin!"

"Alu-hawa-alilaluha!"

"...Si Mickey Mouse! Ang laki ng bahay niya, pwede tayong tumuloy muna ro'n kahit saglit lang. Hotdog-hotog didigudog! Hindi niyo alam ang password!"

Napatay ko ang cellphone ko ng wala sa oras dahil sa narinig ko. Halos umusok ang ilong ko. 'Yon 'yung video nung gabing nalasing ako. Nasakaniya pa pala 'yon, talagang pinasa niya pa
sa 'kin.

Pinagtitinginan ako ng mga hudlong dahil sa narinig nila. Umiwas ako ng tingin at kinuyom ko ang mga palad ko. Kinakalimutan na nga 'yun e tapos pinaalala niya nananaman. Huminga ako ng malalim at nireplyan siya.

Talagang inaasar ako nitong hudlong na 'to kapag wala ako sa hulog e. Kulang na nga ang tulog ko tapos pagif pa 'ko... tapos heto pa ang isesend niya, ang sarap niyang itulak palabas ng van.

To: Adi
Message: Bwisit ka! Humanda ka mamaya sa 'kin!

Tumunog ang cellphone niya. Narinig ko pa ang pagbungisngis niya na mas lalo namang umusok ang ilong ko. Mamaya maging dragon ako rito e.

From: Adi
Message: As if I'm scared. In your dreams.

"Pwede bang tigilan mo na nga 'yang pagtetext mo. I want to sleep."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now