6:00 P.M
HEIRA'S POV
"Mahal na mahal na mahal pa rin kita, Heira..."
Napalayo ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Heto nananaman po tayo, nagsasalita nananaman siya, may mga sinasabi siya sa 'kin minsan pero hindi ko na lang pinapansin. Baka kasi nagkakamali lang siya. May minsan na sinasabi niyang 'miss' niya na raw ako pero sa pagkakaalam ko, hindi pa kami nagkasama dati.
May isang araw pa nga na hinintay niya 'ko sa isang waiting shed, hinarangan niya pa ang dinaranaan 'ko, buti na lang at nasa gilid lang ako kaya hindi ako nakakaabala ng ibang sasakyan. Hinarangan niya 'ko para lang yakapin ako at sabihing...
"Let me do this, please. I miss hugging you, I miss everything about you."
Hinayaan ko na lang siya dahil sobrang lungkot ng mga mata niya. Kahit hindi ko siya maintindihan sa mga sinasabi niya, tumatango na lang ako. Para sa 'kin kasi wala lang ang mga 'yon, baka napagkakamalan niya lang ako.
Baka naman nasa Italy 'yung sinasabihan niya, baka nangungulila lang kaya siya gano'n. Maraming beses na 'kong pinagkamalan kaya naman sanay na 'ko sa mga gano'n. Napagkamalan na nga akong nanay e bakit hindi pa 'ko masasanay? Mukha na ba 'kong nanay?
Ang sakit nila sa panga.
Nang makita kong tulog nananaman si Chadley ay saka ako dahan-dahang lumapit sa kaniya. Baka lasing lang siya kaya siya gano'n magsalita. Sana lang ay hindi niya 'ko napapanaginipan dahil sinabi niya ang pangalan ko kanina.
Umupo ulit ako sa tabi niya at sinundot ang mukha niya. Kung si Kayden lang siguro 'tong natutulog na 'to, baka nilagyan ko na siya ng bugote at eyebags gamit ang ballpen. Parang napaso ng balat ko nung lumapat ang daliri ko sa mukha niya.
Naalarma naman ako kaya naman nilagay ko ang likod ng palad ko sa noo niya. Kaagad ko ring tinanggal 'yon, ang taas ng lagnat niya. Napakainit niya. Kaya siguro gano'n ang sinabi niya dahil inaapoy siya ng lagnat.
Nagdidirilyo.
"Woy! Gising... dadalhin kita sa clinic, nilalagnat ka" Nag-alalang sabi ko at pilit ko siyang ginigising. Ano bang gagawin ko sa mga ganitong oras? Si mommy kasi ang nag-aalalaga sa 'kin kapag may sakit ako. Malay ko ba kung paano mag-alaga ng iba.
"Gagi ka! Inaapoy ka ng lagnat, gumusing ka r'yan, hindi naman kita mabubuhat!" Medyo napalakas ang boses ko kaya naman tumingin 'yung ibang nagbabasa sa 'kin, tumango na lang ako at nagpeace sign sa kanila.
Nakakaistorbo pa ata ako. Kapag nagkataon na ang librarian ang nakarinig sa 'kin, baka paalisin niya na 'ko rito. Hindi ko naman pwedeng iwanan ang lakaking 'to rito.
"Heira, mag-isip ka ng pwedeng gawin..." Bulong ko sa sarili ko. Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko ah. Hindi naman siguro ako mababaliw 'no?
"Tumayo ka r'yan, Chadley Rios Valencia. Kung hindi, kakaladlarin kita." Pagbabanta ko pero hindi man lang nagsalita, umungot lang siya at natulog ulit.
Wala na 'kong choice kundi ang pitikin ang noo niya. Nagmulat naman siya ng tingin. Nagtataka pa nga siyang tumingin sa 'kin pero pinagkunutan ko lang siya ng noo. Sumenyas ako na tumayo siya.
"What?"
"Tayo ka na, punta tayo ng clinic. May lagnat ka."
"No, thanks, I'm okay."
"Hindi ka okay."
"Okay nga lang ako, you may leave now. Don't worry about me."
"Anong okay ka lang? E ang init mo, pwede ka ng magluto ng itlog sa may noo mo e!"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
