Chapter 200

3 2 0
                                        

Dysmenorrhea

HEIRA'S POV

"Gutom lang 'te? Baka naman magtae ka niyan."

Kumakain na kasi kami ngayon sa tambayan namin. Kumpleto nananaman kami. Nung isang akala ko hindi na namin magagawa ulit ang kumain ng sabay-sabay dahil sa nangyari pero nagkamali pala ako. Hindi ako tinantanan ng mga hudlong na 'to.

Sinong hindi mapapagod kung apat na oras kang sumasayaw tapos wala pang electric fan, isabay mo pa 'yung nakakakakabang pakiramdam dahil sa si Kayden ang nagtuturo sa 'kin. Nakakatakot magkamali dahil napakalaitero niya.

Kung hindi lang talaga ako nagpigil kanina sigurado akong nagkaroon ng world war iii. Akala mo naman siya ang amo ko dahil sa dami ng utos at pinapagawa, samantalang siya niyan 'tong nagtuturo pero walang ginagawa, puro lang siya one, two, three.

Namemorize ko naman ang mga pinagawa niya sa 'kin kanina, 'yung lahat ng mga steps. Bukas na lang daw ang iba... 'yung may tugtog na para intense raw. May P.E pa nga pala kami ngayon.

Parang kailan lang nung may lesson kaming pangsayaw pero hindi naman namin ginawa 'yun, nagklase lang naman si sir no'n hindi gaya ngayon na kalahating araw niya kaming pinapakembot.

Bumili ako ng pagkain ko pero nagulat na lang ako ng bilhan din ako ni Kio, mukhang determinado siyang makipag-ayos sa 'kin ng gano'n-gano'n na lang. Akala niya ba wala na sa 'kin 'yung ginawa niyang pagsampal sa 'kin?

Kung si mommy nga hindi niya ako napagbubuhatan ng kamay tapos siya talagang nilakasan pa. Pasalamat na lang siya dahil hindi bumakat sa pisngi ko ang ginawa niya kundi siya rin naman ang mapapahamak kina mommy.

Kinuha ko ang binibigay niya. Wala naman akong dahilan para hindi ko kunin 'yon, nasa harapan ko na e, aarte pa ba ako? Hinatian ko na lang ang batang hapon dahil alam ko namang hihingi rin siya mamaya.

Konti lang naman ang inorder ko e pero ayos na sa 'kin 'to. Isang malaking plato ng palabok, dalawang fried chicken, ice cream, chuckie at dalawang pizza lang naman 'to. Konti pa lang 'to pero atleast mabubusog na 'ko.

Konti pa lang para sa 'kin. Ang umangal mabubungal.

Isama mo pa 'yung inorder ni Kio na kanin, chicken curry at tinapay. Sakto na 'yun para ibalik ko ang energy na nawala sa 'kin kanina. Wala akong kinausap, tutok lang naman ako sa kinakain ko ngayon. Talo-talo muna.

Parang hindi man lang ako nabubusog sa mga pagkaing pumapasok sa tiyan ko. Ako na nga ang pinakamaraming binili, bakit ang konti lang ng sa kanila? Parang wala lang sa kanila ang lakas na nawala sa kanila ah.

Kay Kenji ako tumabi saka kay Eiya, hinila ko talaga sila para hindi ko na makatabi 'yung dalawa, parang nawawala ang kaluluwa ko kapag nasa paligid ko sila e.

"Hindi 'yan, sanay na 'ko." Sagot ko kay Trina. "Hindi naman 'to marami tsaka wala na niyan tayong P.E mamaya." Dagdag ko pa bago ako uminom.

"Grabe naman kasi si Sir Edward kanina, halos patayin niya na tayo sa mga pinapagawa niya!" Reklamo niya.

"Sumakit ang paa ko ro'n, binigla niya tayo. Wala man lang stretching na pinagawa, anong akala niya sa 'tin, goma?" Daing naman ni Eiya.

"Kung nagrereklamo kayo, sa kaniya niyo sabihin, 'wag sa 'min." Pambabara ni Xavier sa kanila.

"Manahimik ka, akala mo naman ikaw hindi ka tawa ng tawa kanina dahil sa nahihirapan kang sundin 'yung mga steps ni Jharylle." Pambabara naman sa kaniya ni Shikainah.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Onde histórias criam vida. Descubra agora