Chapter 159

8 2 0
                                        

Friends

HEIRA'S POV

"Ay, tanga!"

Kakamasid ko sa paligid ng bahay, hindi ko na nakita na may isang mababang step pala sa dinadaanan ko, hindi ko napansin 'yon dahil abala ako sa pagtingin sa paligid. Kaya ito! Nandito ako sa sahig habang nakadapa.

Ang sakit sa dibdib.

Hindi ako makatayo dahil sa lakas ng impact no'n. Hindi lang sa paa ko kundi sa mukha ko. Bahagyang humampas ang mukha ko kanina nung patumba na 'ko. Napasigaw pa nga ako pero huli na ang lahat.

Hindi man lang ako tinulungan nung mga hudlong. 'Yung tipong saluhin man sana nila ako kaso hindi, nakisabay pa sila sa pagsigaw sa 'kin. Tapos ngayon, tinatawanan pa nila ako. Napapikit ako ng mariin dahil sa kahihiyan. Puta, ang tanga nung sahig, dapat wala ng step na ginawa e.

"Apakan niyo." Boses ni Kayden 'yon.

King ina. Nakikita na nga niya akong nahihirapan dito tapos papaapakan niya pa 'ko? Gumaganti ata siya sa ginawa ko kanina sa kaniya. Wala e, gumalaw na lang bigla ang kamao ko, deretso sa mukha niya.

Naramdaman ko naman ang mabigat na bagay sa likod ko. Paa 'yon sigurado ako. Tinatanaw ko ang hinayupak na 'yon kahit nahihirapan ako. Si Adriel, nakangisi pa sa 'kin.

"What happened?" Tanong niya pa.

"Wala. Trip ko lang mag swimming kahit walang tubig." Sagot ko at bahagyang tinakpan ang dibdib ko dahil nakasando lang ako.

"Tumayo ka r'yan, do'n ka sa dagat magswimming, para kang dambuhalang balyena r'yan."

Inis akong sumagot. "Tanggalin mo kaya ang paa mo para makatayo ako 'no?"

Tumukhim namam siya. "Okay, let me help you."

Ay putangina. Putangina lang talaga. Pagkatapos niya 'kong apakan na parang isang bato, ngayon magpiprisinta siyang tulungan ako? Ang galing mo r'yan. Ang sarap mong lunurin o kaya naman ikaw naman ang apakan ko.

Inabot niya pa ang kamay niya pero hindi ko tinanggap 'yon. Ang plastic mo, oy! Huminga muna ako ng malalim bago ko itungkod ang mga kamay ko at patalon na tumayo. Muntik pa nga ulit akong natumba, nakalimutan ko na may backpack nga pala akong suot.

"Pulutin mo 'yang mga kalat mo. Tsk. Why are you stupid?"

Umusok ang ilong ko dahil sa sinabi ni Kulapo. Talagang pinupuno ako ng lalaking 'to e. Mula kanina namumuro na siya sa 'kin, ngayon bumibingo na siya sa 'kin. Tama nga ang pangalan niya. Uno. Alas. Anak ka ng tupa!

"Anong sabi mo?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Narinig mo naman ang sinabi ko, 'diba. Don't act like you haven't heard." Nakangising sabi niya.

Nakaupo siya sa armrest ng sofa habang nakacross arm pa. Ang lawak ng ngisi niya e. Talagang ineenjoy ang paghihirap ko. Pinankitan ko siya ng mata. Matakot ka sa mga mata ko! May apoy na lumalabas dito!

"Ulitin mo nga?!"

"What... ah, that... you're stupid?"

Ay talagang inulit pa ha! Sarkastiko pa siyang tumawa. May kasama ba kami rito? Parang kami lang ang nabubuhay sa bahay na 'to e. Nakatingin lang sa 'min 'yung iba habang nakaawang pa ang bibig. Hindi man lang ako tinulungan sa pakikipag-rap sa lalaking nasa harapan ko.

"Bawiin mo 'yan!" Sigaw ko sa kaniya at dinuro-duro ko pa siya.

"No!"

"I'm not stupid!"

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now