Chapter 155

9 2 0
                                        

Uling

HEIRA'S POV

"You deserve it, bitch!"

Nanlamig ako dahil sa ginawa niya. Hindi lang isang basong juice, kundi dalawa. 'Yung isa parang juice na may yelo pero 'yung isa parang malagkit na amoy pintura. Kulay pink pa naman 'yon. Nakanganga lang ako dahil sa gulat.

Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang mga estudyante rito. Alam kong galit sila sa 'min nung mga hudlong. Akala ko naman tapos na ang panggugulo nila dahil natahimik kami ng ilang araw pero heto nananaman pala.

Kinuyom ko ang palad ko at pumikit ng mariin. Kung gagawa sila ng kabalastugan ngayon, dapat nilang panindigan dahil kapag ako hindi nakapagpigil, baka pasa ang abutin nila. Hindi naman ako gano'n kababaw para labanan sila pero sumusobra na sila.

Sa mga naririnig ko. Tungkol 'to sa nangyari sa pagitan namin ni Zoenrox. Ang dami niya palang kakampi rito. Queen nga raw siya e. Akala ko si Madison na ang Queen Bobowyowg pero may iba pa palang sumusunod sa mga yapak niya.

"Damn it! What the fuck is your problem?" Sigaw ni Adriel sa kanila.

"She's a bitch! She fought Zoe! No one can do that to her!" Depensa naman nung isa.

Buti na lang at hindi ko pa hinahawakan ang tray dahil kapag nagkataon, baka masayang lang ang pagkain. Nung naramdaman ko na kaagad ang mga 'yon sa ulo ko, kaagad na akong lumayo sa lamesa dahil inaalala ko ang pagkain na binili ko.

Susme, gutom na 'yung alaga ko. Si Kenji ang tinutukoy ko, hindi ang mga dragona ko sa tyan.

"She didn’t fought Zoe! It all happened by accident."

"No! Binunggo niya si Natalie dahil papansin siya!"

"Stop it! Fuck it!"

Lumapit 'yung ibang tao sa 'min. Siguro mga kaibigan niya 'yung mga dumalo sa kaniya dahil pinagtatasan nila kami ng kilay tapos hinahagod nila ang likod nung babae.

"No! You stop! Kasalanan niyang babaeng 'yan ang lahat." Sabi nung isa.

"Ano bang aasahan ko sayo? Malamang, parehas kayong walang kwenta kaya naman pinagtatanggol mo siya!" Ani nung isang babaeng medyo mataba na maikli ang buhok.

Kamukha niya si Dora na pinataba.

"Stop this bullshit. You! Can you just—!"

Akmang susugurin ni Adriel 'yung mga babae pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Wala kaming mapapala kung lalabanan namin ang mga saradong utak na mga 'to. Nagtataka siyang tumingin sa 'kim pero umiling lang ako. Bumuga siya sa hangin at kinamot ang noo.

"Tara na." Bulong ko sa kaniya.

Tumango naman siya, sakto namang dumating si Timber. Lumapit siya sa 'min at tinignan ang kabuuan ko. Ngumiti ako at nagthumbs up. May binulong sa kaniya si Adi kaya naman kinuha niya ang tray ng pagkain ko at sinamaan ng tingin ang mga tao sa paligid.

Nang makalabas kami ay nagpaalam muna ako sa kanila dahil ang lagkit ng buhok ko, baka langgamin ako kung hindi ko aalasin ang juice na 'to. Tumigil ako, gano'n din sila. Mga gaya-gaya talaga.

"Punta muna ako ng cr. Mauna na kayo sa tambayan natin." Sabi ko.

"Samahan na kita." Sagot ni Timber pero pinanlisikan ko lang siya ng mata.

Siraulo lang?

"Anong gagawin mo naman do'n? Baka sundan ka pa nila. You don't know them."

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now