Chapter 164

7 2 0
                                        

Volleyball

HEIRA'S POV

"Let's make a bonfire later."

Napalingon ako sa nagsalita. Nalaglag na lang ang panga ko dahil sa nakikita ko ngayon. Nakakatunaw ang mga itsura nila ngayon. Gustuhin ko mang tanggalin ang paningin ko sa kaniya ay hindi ko magawa. Napirmi na ata.

Tusukin ko na lang kaya ang mga mata ko?

Nandito sa mismong harapatan namin 'yung tatlo. Pawang mga nakasando at beach shorts, may suot din silang mga beach polo at nakabukas ang lahat ng mga botones no'n. Hindi basa ang buhok nila pero may tumutulong pawis sa noo nila.

Bagay na bagay sa kanila ang mga suot nila pero kakaiba ang kay Kulapo. Hindi ko alam pero parang may dating ang suot niya sa kaniya kaya mas lumalabas ang kagwapu— kagaguhan niya. Nililipad pa ng hangin ang suot niya.

Ibinagsak nila sa may gilid ang mga kahoy na dala nila. Kaya pala wala sila kanina dahil nagpulot pala sila ng mga tuyong dahon at sanga ng puno. Para silang mga tagapagbuhat ng kahoy na pinagpala.

Kahit gano'n ang ginawa nila, hindi mo pa rin maipagkaila na kumikinang ang bawat butil ng pawis na tumatagaktak sa katawan nila. Sino ba ang nagpapasweldo sa kanila at ganito ang ginagawa nila. Pati mga isda nagkakagulo na.

Nagtama ang paningin namin ni Kayden. Kahit na malamig ang mga 'yon, hindi ko pa rin magawang madismaya dahil tumatalon ang puso ko. Ano bang ginagawa mo sa 'kin, Kayden?

Ako ang unang bumitiw dahil hindi ko kayang labanan ang tindi ng tingin niya. Parang nahigop ng mga mata niya ang lahat ng tapang ko sa katawan ko. Dapat nga galit ako at hindi ko siya titignan man lang ngunit heto. Anong ginagawa ko?

Hindi ako 'yung tipo ng tao na nagpapatawad kaagad. Pero paano? Ni hindi niya nga alam na galit ako sa kaniya, hindi niya alam na may nagawa na pala siya sa 'kin at 'yun ang naging dahilan kung bakit pinipigilan ko na ang nararamdaman ko sa kaniya.

Ang daming tumatakbo ngayon sa isip ko. Kung hindi ko ba nakita 'yong kahapon, ganito pa rin ba ang gagawin ko? Baka nga aasarin ko lang siya at iinisin ngayon kung hindi nangyari 'yon, wala naman akong karapatan e.

Wala akong karapatan na masaktan, pero 'yon kasi ang nararamdaman ko dahil... dahil, wala. Tigilan na nga 'to. Ayaw ko ng isipin ang mga 'yon. Pinagpag niya ang kamay niya tsaka tumulong sa mga nag-aayos ng pagkain.

Alas nuwebe pa lang at sigurado akong mamayang alas diyes pa lang kami mag-su-swimming, hindi pa masyadong tirik ang araw no'n, wala naman akong balak na lumangoy pero mukhang mapipilitan ako nito.

"Sa'n ka nga pala galing kanina?" Tanong ni Trina.

Nakasakay kaming parehas sa duyan, kumakain kami ng chitchirya. Nakakatawa nga dahil nilantakan na namin ang mga pagkain na dala namin pero wala pa kaming nagagagawang kakaiba rito sa resort, para ng nasa bahay lang kami.

"Anong 'sa'n ka galing kanina?'" Tanong ko pabalik.

"Hello! Hindi ka kaya namin mahagilap kanina nung makalabas kami, akala namin sumunod ka! Mahuli tuloy kami nung tatlo. Imbis na hindi na sila magagalit sa 'min—!"

"Okay, tama na. Marami ka ng sinasabi—aray!" Bigla niya kasi akong sinabunutan, mahina lang 'yon pero gusto ko lang um-aray.

Trip ko lang, bakit ba?

"Kapag hindi ako nag-ingay niyan pipilitin mo 'kong magsalita e." Pangongonsensiya niya pa.

Huminga ako ng malalim, nakalunok pa 'ko ng ilang butil nung mga durog na piattos. Kumuha ako ng tubig, hindi pa kasi nila nilalalabas 'yong mga juice na binili namin. Kahit ganito lang kasimple 'tong bakasyon namin, masasabi kong mas masaya 'to kaysa sa mga bakasyon na nagdaan.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now