Chapter 138

22 4 0
                                        

Mga hudlong

HEIRA'S POV

Ehem!”

Naputol ang pagmumuni-puni ko ng agawin ni Kio ang atensiyon naming lahat. Natahimik tuloy ang lahat habang tinitignan ang kapatid ko. Lahat ata kami ay matakot dahil sa itsura niya.

Pabigla niyang binitawan ang braso kong ginamot niya. May ilang band-aid na nakadikit sa balat ko, yung iba naman ay kulay brown, binigyan niya siguro ng betadine. Napangiwi naman ako nung tumama sa may unan ang kamay ko, shemay! Masakit ah!

Tinago ko na lang ang itsura 'kong parang natatae. Mahapdi pa kasi ang mga sugat ko tapos biglang madidikit sa telang magaspang. Kung normal na araw lang 'to ay baka nabatukan ko na siya.

Pero ni hawakan siya ay hindi ko magawa dahil baka mapaso ako sa mga mata niyang parang nagliliyab. Paliguan ko kaya siya ng mga yelo, lalamig kaya ang ulo niya kapag ginawa ko 'yon?

Hindi na naalis ang paningin ko sa kaniya. Parang naglock na. Pinanood ko na lang lahat ng ginawa niya, mula sa pagligpit niya sa mga first aid kit na ginamit namin hanggang sa pagsandal niya sa sofa.

Ngayon, parang nakikita ko sina Kayden at Adriel sa kaniya, kung ano ang posisyon, ekspresyon, at tingin nila ay gano'n din ang nakikita ko kay Kio. Gaya-gaya talaga 'to.

"Tell me... kaaway mo ba 'yong Boss D na sinasabi mo?" Seryosong sabi niya. Para akong lalaklakin nito.

Umayos ako ng upo at nilagay sa mga hita 'ko ang stuff toy na stitch na nakita kong nakadisplay sa tabi ko. Mas malaki pa 'to kaysa sa mga stitch ko sa bahay, pwede ko pa 'tong gawing unan.

"Hindi ko alam, Kio. Ayaw niyang magpakilala sa 'kin e."

"What do you mean?"

"Edi kasi, nakamaskara siya kanina nung kinausap niya 'ko tapos pinapatanggal ko sa kaniya ayaw niyang gawin, sabi niya makikita ko rin siya sa susunod na pagkikita namin."

"Wala ng susunod, Yakiesha!"

"Oo nga... hehehe."

"I am not joking here!"

"Ako rin naman, ah!"

"Hep! ‘Wag na kayong mag-away dito, baka magkaro'n pa ng second round yung kanina." Pagsabat ni Maurence.

"What did you talk about earlier?" Tanong ni Elijah.

May pagka-chismoso rin pala 'tong lalaking 'to 'no? Sila pala, kanina pa sila tanong ng tanong kung ano ang napag-usapan namin ni Boss Ipis kanina, sinagot ko na nga tapos uulitin pa.

"Sabi niya, naghihiganti raw siya. Ewan ko ba ro'n, hindi ko naman alam kung ano ang ginawa ko sa kaniya."

"Baka naman kaaway mo siya dati." Ani naman ni Vance at tumikhim.

"Ewan. Siguro?" Hindi siguradong sabi ko at sumimangot. "Sabi niya 'Ako? Sabihin na lang nating... ako ang iyong kaibigan sa nakaraan.’" Panggagaya ko sa boses nung lalaki.

"As far as I know you don't have a male friend in sta. Luiciana."

"Oo nga, Kio. Wala naman talaga kasi si Eiya lang naman ang kasundo ko ro'n."

"Hindi kaya... baka yung mga nakaaway nating gangs dati?" Sambit ni Kenji, umakto pa siyang parang nag-iisip, tumingala at hinahawakan ang baba.

Hep. Teka nga... Nakaaway nila na gangs dati? Ibig sabihin ay nakipag-away na siya dati sa mga gangs? Hindi ko nakita si Kenji nung mga panahong sinundan ko sina Kayden sa pakikilaban sa mga kampon ni Asmodeus.

Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)Where stories live. Discover now