Bonfire
HEIRA'S POV
"Sigurado ka bang hindi nila papagalitan nito?"
Para kaming mga teroristang nagtatago rito. Nakasandal kami sa pader at ako ang nagsilbing look out nila. Kung hindi ko lang sila kaibigan, hindi ko gagawin 'to. Nagmumukha akong tanga sa kanila e. Makikita at makikita naman nila kami, pader 'to pababa e.
Hawak ko ang kamay ni Hanna, hawak niya naman ang kamay ni Eiya tapos hawak naman ni Eiya ang kamay ni Trina. Gano'n din sina Alzhane at Shikainah. Para kaming mga kandado sa ginagawa namin.
Sa totoo lang, pwede namang magtuloy-tuloy kami sa pagbaba ng hindi ganito ang posisyon namin tapos magpapaliwanag na lang sila pagkababa pero ako ang magsasalita. Magsusuot kasi ng ganiyan tapos ako ang idadamay. Pagbuhulin ko kaya ang mga buhok nila?
Pero ang gusto nila. Tignan muna namin kung may tao sa baba. Kung wala magmamadali kaming lalabas para kahit hindi man sila payagan nung mga nagbabawal sa kanila, wala na silang magagawa, tatakbo na lang daw sila papalayo. Mga baliw talaga. Hindi talaga nakakabuti ang pag-ibig.
Tumingin ako sa baba. Buti na lang at si Kio lang ang nando'n, may kausap siya cellphone niya sa sala. Nakangiti pa at halatang kinikilig. Napapailing pa siya. Malaman ko lang talaga kung sino 'yan, aasarin kita. *Evil laugh*
Pero wala pa sa utak ko 'yon. Uunahin ko muna 'yong plano nitong mga babaita. Pwede namang magliwaliw na sa labas si Hanna. Sumasama lang ang kaba niya sa takot nitong iba. Tiyak na hindi naman siya papagalitan ni Kenji, baka nga masiyahan pa siya.
Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang suot nila... namin kahit may kasama kaming mga lalaki. Hindi ko naman iniisip na nakakailang 'yon, ang iniisip ko ay 'yong sasabihin ng iba. Kapag pinagsalitaan nila kami ng hindi maganda, itatali ko sila sa puno ng niyog.
"Tara na. Baba na kayo. Si Kio lang 'yon." Bulong ko sa kanila. Sumenyas ako sa kanila kaya naman nagsipagtakbuhan sila palabas.
Ako ang huli dahil gusto ko munang pakinggan ang pinag-uusapan nina Kio tsaka nung kausap niya. Ni hindi man lang ata niya narinig ang mga nagmamadaling yabag nung mga babaita e. Dahan-dahan akong humakbang. Nag-iingat na 'wag gagawa ng kahit na anong ingay.
Nakahinga ako ng maluwang ng makarating ako sa likod ng sofa, umupo ako ro'n para hindi niya 'ko mahalata. Tinutok ko pa ang tenga ko pero kahit na anong gawin ko, wala akong marinig na boses kundi ang boses niya. Hindi ko tuloy alam kung babae ba o lalaki ang kausap niya.
"Uhm... yes. I missed you too. U-uh... nah! Hahaha. 'Wag ka ng magtampo, kapatid ko ang kasama ko rito. Yes. I can't wait to see you. Oo naman. Ingat ka, sige. I love you too."
Ay wow. Talaga naman. May pa I love you too pa talaga. Sino naman kaya 'tong hinaharot nitong kapatid ko na 'to? Kapag ako, kaagad kong sinasabi sa kaniya pero siya, hindi man lang pinaalam kung anong pangalan no'n. Nakakatampo na.
Char.
Hihintayin ko 'yung oras na magsasabi na siya sa 'kin. Alam ko namang hindi niya makakalimutan na ipaalam sa 'kin, pati na rin kina mommy. Pamilya kami e. Minsan lang siya magtago lalo na kung may mabigat na dahilan 'yon.
"Lumabas ka na r'yan."
Nagulat ako ng magsalita siya at dumungaw pa siya sa pwesto ko, pinankitan niya 'ko ng mata. Ngumiti naman ako ng nakakaloko sa kaniya bago tumayo.
"Sino 'yon ha?" Natatawang sabi ko.
"None of your business."
"Ay, wow. Englisherong palaka. Porke may katawagan na, nag-eenglish ka na?"
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section || Part 2 (The Gloom Side)
Teen FictionPaano nga ba nagtagal ang mga estudyanteng iyon sa isang silid na puno ng tawa, aksyon, galit at inis? Magpapatuloy ba ang kwento nila ng masaya o may darating pang mga 'bisita'? Pa'no kung binalikan sila ng iba, kakayanin pa kaya nila? O susuko na...
